Part 55

1.4K 102 9
                                    

Namamaga pa rin ang mga mata ni Ria sa magdamag na pag-iyak paggising niya nang umagang 'yon. Nalaman niya mula kay Giovanni na may mangyayaring shooting sa ilang parte ng hacienda. Kaya naroon si Hiro ay upang isaayos ang pagkuha ng permiso at pagsusuri sa lugar. Was it fate that brought him there? Plano niyang hindi na magpakita sa binata habambuhay kung di mabubunyag ang ginawa niyang pagpapanggap.

Wala siyang planong guluhin kung sakali ang buhay nito at ni Rio. Wala sa hinagap niya na muli niyang makikita ang binata. Lalo pa sangtuwaryong lugar kung nasaan siya. Iniadya ba 'yon ng Diyos upang itama niya ang kanyang mga naging pagkakamali. Ano bang dapat niyang gawin?Paano niya pakikitunguhan si Hiro gayong tila sagad ang galit sa kanya nito? Mas matindi pa kaysa sa galit nito noon kay Rio.

Matapos niyang gawin ang trabaho sa winery ay nagpasama siya sa isang trabahador sa lodging house na tinutuluyan nina Hiro. Di niya dinatnan doon ang lalaki. Si Greg ang naabutan niya sa may salas ng bahay.

"Hey..." bungad nito sa kanya. Mukhang di na ito nabigla pagkakita sa kanya. Kaswal na niyakap siya nito sa pagkagulat niya. Tumawa ito marahil ay dahil sa pagkakaestatwa niya. "I just miss the amusing girl who get the words out of my mouth." Lumayo ito at pinagmasdan siya. Hinimas ang baba. "Your chest is much smaller than the original. I can't believe Hiro didn't notice that obvious thing." Inis na hinampas niya ito sa braso. Lalo naman itong humagikgik.

"Matagal mo nang alam?" tanong niya.

Umiling ito. "Tulad ni Hiro wala akong kaide-ideya. Ngayon lang. You know what, Hiro didn't recognize the difference because he didn't give a damn about Rio at all. Tulad 'ko na mga negatibong bahagi lang ang nakikita sa kanya. Binago mo 'yon. Masyado ka kasing interesante, Ria."

Pinangiliran siya sa narinig na tinuran ng binata. Tinawag siya nito sa sarili niyang pangalan. "Kumusta ang paghahabol mo kay Karylle? Napigilan mo bang manlalaki sa isang host club?"

Greg beamed a naughty smile. "I already proposed to her. Pagkatapus na pagkatapos ng debut niya, magpapakasal kami sa simbahan. Hindi ko na siya pakakawalan pa. Wala na siyang rason para maghanap ng iba."

Yumuko siya. "Buti ka pa, Greg. G-galit pa rin ba si Hiro sa'kin?" may kinig ang tinig na tanong niya.

"Ask the person in question." Inginuso nito ang pinto. Mabilis na lumingon siya at bumulaga sa kanya si Hiro. Nakatayo ito sa hamba at nakasandal. Nakahalukipkip at walang kangiti-ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong nito.

"Why are you acting so cold, couz?" Lumapit dito si Greg. Tinapik sa balikat ang pinsan. "Chillax! Of course she's here to talk and reconcile with you." Kinindatan siya nito. "Labas muna 'ko para makapag-usap kayo ng maigi. Huwag mo siyang masyadong pahirapan 'insan." Greg lightly punched Hiro's back. Sumaludo ito sa kanya bago tuluyang lumabas.

Katahimikan ang namagitan sa kanila sa ilang minuto. Humakbang si Hiro papasok. Kumirot ang dibdib niya nang lagpasan siya nito. Tumuloy ito sa isa sa mga kuwarto. Huminga muna siya ng malalim bago ito lakas-loob na sinundan. Nadatnan niyang nagsisindi ito ng sigarilyo sa may bukana ng bintana. Nakaupo ito sa mismong pasimano at nakapaling ang mukha sa labas. "Why the hell did I meet you here? Is God playing a joke on me?" sambit nito na di man lang siya nililingon. He puffed a smoke from his mouth-his eyes remained desolate and taciturn.

Inalis niya ang bara sa lalamunan bago isinantinig ang pakay. "I... I came here to-"

"What? To explain yourself?" Doon ito bumaling sa kanya. Nanatili ang lamig at lagom sa ekspresyon. "The truth already explained itself. You became the substitute of your sister to be able to hold on the wedding. Kusa man 'yon o pilit, hindi mababago ang katotohanang pinaikot mo 'ko sa palad mo. Congratulations on the success of your plans. You really lured me out, Ria dela Cerzo. Humaling na humaling ako sa'yo. Umabot pa sa puntong nagawa mong ibigay sa'kin ang sarili mo. How generous. I'm really flattered to be the first man in your life," sarkastikong wika nito.

Humihikbing nag-iwas siya ng tingin. "Hindi gano'n 'yon, Hiro. Di naging gano'n kasimple ang lahat. Alam mo 'yan higit kanino pa man. Pinilit 'kong iwasan ka. Ilang beses akong tumanggi na may mangyari sa atin, di ba? But how can I avoid something so inevitable? Ang sabi 'ko sa sarili 'ko tama na... hindi siya sa'yo." Namamalibis ang luhang tiningnan niya ito. "Iiyak ka... masasaktan siya. Hindi ka puwedeng manatili sa tabi niya. Nasisiraan ka na ng bait, Ria. Mahal mo siya kaya kailangang lumayo ka. Kaya kailangang kalimutan mo siya. Kailangan..."

Tumigas ang mukha nito pero nagsibagsak ang mga pinipigilang luha. Hiro averted his face and roughly wiped his tears with the back of his hand. The side of his mouth was twitching and trembling. "Your love is a f*cking lie, right? Everything-the moment we started this whole thing. I really thought that I will be happy from the bottom of my heart. Sa halip na ikulong mo 'ko sa nakaraan dahil si Rio ang naging ugat sa paghihiwalay namin ni Mariel, nagawa mo 'kong palayain sa mga ala-ala niya, sa pagsisi 'ko sa sarili ko, at sa purong pagkamuhi 'ko sa'yo bilang Rio. I learned to love the woman who supposed to be the last on my list. Pero sa simula pa lang, wala ka pala sa listahang 'yon dahil isa 'kong inutil at ignorante sa tunay na pagkatao mo. Kung totoo ang pagmamahal na tinatawag mo, hindi ka na lang basta lalayo na parang nagsara ka ng isang katatapos na libro. Who are you to decide for me?" puno ng pait ang tono ng binata. Umiling-iling ito. "Who are you to play with my heart? Who are you to hurt me like sh*t?! I don't know you since you'd never even bother to tell your real name. Sabihin mo sa'kin. Anong paniniwalaan 'ko sa isang sitwasyong nababalot ng kasinungalingan at pagpapanggap? Anong kailangan 'kong pakinggan sa katotohanang walang laman?!"

Nagkatunog ang pag-iyak niya. "I'm sorry. I'm really sorry. Hindi 'ko sinasadya, Hiro. Ang saktan ka ang huling bagay na nanaisin 'kong gawin."

"Pero ginawa mo. Ginawa mo!" Dinuro nito ang hangin paturo sa kanya. "Dahil ba sa pera kaya ka nagpanggap?" pumiyok ang tinig ng lalaki. "Dahil ba sa pera kaya ka nakisama sa'kin at nilunok ang lahat ng mga pang-iinsulto 'ko? Sagutin mo!"

Nahilam siya sariling luha. Ria helplessly nodded to admit the motive of her family. Iyon naman talaga ang dahilan sa pagkapit ng pamilya niya sa mga Gustavo. It was all about the money and support of Hiro's grandfather as an offer of exchange for the wedding.

Nagtagis ang bagang ng binata. "Tulad ka rin nila! Tulad ka rin ng kakambal mong ganid sa yaman at estado! At least si Rio, hindi niya 'yon nakuhang itago sa'kin. Ikaw naman, napakagaling mong palamutian ang motibong 'yon ng mga palabas at dayalogo mo."

"Hiro hindi-"

"Shut up! Shut the hell up!" Tumayo ito sa pagkakaupo at sinapo ang noo. Miserabe at hirap na hirap ang anyo ng binata. "I don't want to hear anything anymore. Just get out. Hindi ko kayang ibigay ang reconciliation na hinahanap mo kung sakali."

"How about Rio? Plano mo bang sisihin siya, Hiro?"

Umismid ito. "Ibang klase ka rin. Nagawa kang ipagkanulo ng kapatid mo pero siya pa rin ang inaalala mo. Don't worry. I will at least treat her better than you. I'm planning to return the day after tomorrow so don't ever go near me, Ria dela Cerzo. I don't want to involve myself with someone like you."

Parang sinasak ang puso niya sa huling mga katagang 'yon ng pinakamamahal niya. Lagos na lagos 'yon sa kanyang laman at ang kirot at manhid ay kumalat sa buo niyang katawan. Ria was planning to confess about her condition-she was pregnant. She was carrying Hiro's child in her womb. Pero tila hindi niya na 'yon masasabi pa dito. Ayaw na nitong magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. Anong mangyayari sa sanggol na dinadala niya kapag itinatwa ito ng sariling ama? Di niya kakayanin ang bagay na 'yon kaya mas mabuting manahimik na lang siya.

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now