Part 20

1.2K 77 6
                                    

SEX IS LIFE-CHANGING. Tumangu-tango si Hiro mula sa pagkakasandal niya sa sofa habang hawak ang isang makapal na libro. Very convincing ang pamagat ng akda ng isa sa mga paborito niyang author. Pero kung paniniwalaan niya iyon, akmang-akma ng mga panahong nagkukulong siya sa CR noong highschool para tumingin-tingin sa porn magazine habang nakababa ang pantalon.

Noong teenager siya, marahil sex ang pinaka-exciting para sa kanya. He easily got that from a bunch of girls surrounded him. On his twenties, he prioritized his studies for the sake of film industry in the Philippines. Ang proseso ng buhay para sa kanya ay nahahati lamang sa dalawa—alam mo at hindi mo alam. 

He wanted to know things that he didn't know. He was eager to learn the knowledge behind the facts and the unknown. Sa pamamagitan paggawa ng pelikula, nangarap siya at dinala siya nito sa iba't-ibang panig ng mundo. Narating niya ang ilang mga lugar sa kontinenteng hindi abot ng sibilisasyon ng tao. Nalaman niya ang mga bagay na hindi niya alam. Nakita niya ang mga lugar na di niya pa nakikita sa buong buhay niya. 

Ilang parangal na ba ang nakuha niya sa paggawa ng mga indie films? He could satisfy the people with his movies but for him, it was never enough. Ang akala niya sa trabaho iikot ang buong buhay niya. 

Humans' thirst for knowledge is unlimited. Sa kaisipang taglay niya, isa siyang nabubuhay na patunay. But he was not just a walking brain head with a single path. Landas na nagkaroon ng sangay dahil tumibok ang puso niya sa unang pagkakataon.

First love came not in highschool and college but in the prime of his career. There was really nothing special about their meetings. Nakilala niya si Mariel sa kurso ng pagiging direktor niya. Ekstra ito sa isa sa mga pelikulang ginawa niya noon. Ilang beses niya ba itong nabulyawan at nasigawan dahil sa di kumbinsidong pag-arte nito? 

The country girl approached the city hoping to be a big star. But her first step in show business was quite an epic failure. Hindi ito ipinanganak para sa telebisyon—simpleng paliwanag na pilit niyang ipinaintindi dito. At first, he didn't find her attractive at all. When she cried in the middle of their taping, he pitied her. Miserable itong nagbuhos ng sama ng loob sa kanya, doon nagsimula ang paglitaw ng balintataw nito sa utak niya. 

And then the first thing he knew, he was seeing her behind the scenes. Iba ang naging relasyon niya dito kumpara sa mga babaeng naging girlfriend niya. He always wondered about her even when she was not around. Kung narating na nito ang lugar na kinaroroonan niya, kung natikman na nito ang cuisine na nakahain sa harapan niya, at kung naiisip rin ba siya nito tulad ng pag-ookupa nito sa utak niya.

Some dude told him that he got the disease called love when he uttered what was happening to him. Pinagtawanan niya pa ang sarili niya dahil kailangang iba pa ang magsabi no'n sa kanya para lamang ma-realize niya na nagmamahal na pala siya. 

Love is not thinking or memorizing. Love is imprinting. 

May iniwang bakas sa kanya si Mariel at hanggang ngayon ay malinaw pa 'yon sa kanyang ala-ala.

"Hoy Mr. Buencamino! Handa na ang hapunan."

Hiro's thoughts disintegrated as he heard Rio's disturbing voice. Inangat niya ang mukha at kumunot ang noo niya dahil sa itsura ng babaeng nakatayo sa harap niya. Suot nito ang isang pulang apron at may sandok sa kamay. 

"Nag-luto ka?" nasosorpresang tanong niya.

"Hindi. Naglakad sa buwan," nakasimangot na sagot nito.

"Ha-ha. Very funny," he snorted. "Sino ba ang nagturo sa'yong maging pilosopo?"

"Si Vice Ganda." Iniumang nito ang sandok sa kanya. "Nagbabasa ka ng erotic book? Ano 'yan? Hobby mo?"

"Pa'no mo naman nasabing erotic book 'to?" Naku-curious na talaga si Hiro kung saan napunta ang preno sa bibig ng babaeng 'to. Baka naiwan sa buwan na pinanggalingan nito.

"The title tells it all. Sex is life-changing—napaka-original. Very convincing and somehow... malicious."

Di niya napigilan ang pagkawala ng tawa. Binitawan niya ang libro sa mesita. "Malice is a word for malicious people."

"Teka lang, sinasabi mo bang malisyoso ako?"

"Hindi. Sinasabi kong mas inosente ka pa sa huling birhen dito sa lupa," pagganti niya sa pagiging sarcastic nito. Tumayo siya at pumanaog papunta sa kusina na ilang hakbang lamang ang layo mula sa salas.

"Hoy, inosente ako!" habol nito.

"Sure. And I'm a freaking virgin." Balewalang umupo siya stool na nasa counter. 

What kind of song was this girl singing, anyway? First, the market and now the kitchen—Rio was playing domestic all of a sudden. Kailanman ay di pa niya ito nakikitang gumawa ng mga gawaing-bahay. Marahil ay dahil hindi siya naging interesadong alamin kung saan umiikot ang buhay nito bukod sa mga tapings at pagiging clingy nito sa kanya. 

Well, ang lolo niya mismo ang naniniwalang wife-material ito. There were just these times that he didn't see the images of other girls. His own spot-light was directed to Mariel. And even now, he couldn't move on.

"Sino si Karylle?" tanong nito matapos ilapag ang bowl ng sinigang na baka sa hapag.

"Mortal na kaaway mo. Kailangan mo pa bang itanong? Wala nang iba pang Karylle na nabubuhay sa mundong may koneksiyon sa'kin kundi ang kinakapatid ko." Kumuha siya ng kanin sa tabagan at tinikman ang sabaw ng sinigang. Tiningnan niya si Rio pagkatapos.

"B-Bakit?"

"Hindi masarap," pagsisinungaling niya. Ipinagpatuloy niya ang pagsubo.

"Thanks for the compliment." Nagkibit ito ng balikat at kaswal na kumain.

"When was your first time, anyway?" bigla niyang tanong dahil sa topic nila kanina-kanina lang.

"Sa States walang katulong. Ikaw ang gagawa ng lahat para sa sarili mo. Pati ang pagluluto."

"I'm not talking about the cooking." Kumunot ang noo niya. "Teka tumira ka sa US?"

Nanlaki ang mga mata nito. "N-nang binisita 'ko ang kapatid ko. Isang buwan lang."

"Kapatid? You mean your sister?"

"K-kilala mo siya?"

Umiling siya. "Nabanggit mo lang na sakit siya sa ulo ng pamilya niyo. But I never saw her before. Is she going to attend the wedding?"

"No!" Kasabay ng pagsigaw ay ang pagkalampag nito sa counter. Namumutla ito habang nakatunghay sa kanya.

"Alright, calm down. You're freaking out. Di na ako mag-uusisa." Ibinaba niya ang kubyertos at itinaas ang mga kamay. Pamilyar siya sa pagiging sensitibo ng dalaga kapag nagtatanong siya tungkol sa kapatid nito. Rio was never comfortable with that topic and he didn't ask before because it was insignificant for him. 

Is she really that bad? Oh, whatever. 

"When I ask when was your first time. Di yung pagluluto mo ang tinutukoy ko."

"Ano pala?"

"Sex."

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now