Part 24

1.1K 81 3
                                    

MAY sampung beses nang papalit-palit ang tingin ni Hiro sa smart phone niya at sa kanyang relo. He was working on proposals and stories submitted by the writers and employees but he couldn't concentrate at all. Pahabas na isinara niya ang laptop.

"No mails. No calls. You're doing it, woman." Nagdadabog na binitawan niya ang hand phone. Tumaas ang paa niya at sinipa ang glass table dahilan para gumulong ang swivel chair na kinauupuan niya sa malaking salamin na bintana ng kanyang opisina. Dinukot niya sa bulsa ng suit ang maliit na gold case na naglalaman ng isang stick ng sigarilyo. 

He could only smoke once a day. Simula nang ma-diagnose ng colon cancer ang abuelo niya, pinayuhan siya ng doktor ng pamilya na tigilan o kaya naman ay limitahan ang bisyo. Nicotine was his best friend before so he could never quit—he could only limit himself. Paunti-unti 'yon para hindi mabigat ang withdrawal effects. Nakakabaliw daw ang pakiramdamn na 'yon ayon na rin sa pinsan niyang si Greg na minsang nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Ang sampung stick ay nauwi sa isang stick sa loob lamang ng dalawang taon. Hanggang sa naninigarilyo na lang siya sa tuwing may bumabagabag sa kanya.

Hiro lit the cigarette using that gold-plated case. It was originally a zippo lighter with a double-purpose. He got that as a token from the casino in Las Vegas. Oo, nagsusugal siya. Pero hindi siya dumadayo doon para lamang magpatalo ng pera. He never stepped out in a gambling den without a penny. Maybe because he hated to lose that much.

He snuffled pathetically as he puffed out the smoke from his mouth. The type of person that hates to lose is a mirror of a person who hates to admit defeat as well as mistakes. 

Kung kaharap niya ngayon ang psychology graduate na nakabarkada niya sa Amerika, malamang na nasipa niya na ang taong 'yon. Some words were better off not to be spoken at the right timing. Pero dahil naalala niya iyon, isang malaking buto ng guilt ang nakabara sa dibdib niya. At isang bagay iyon na hindi niya makuhang matanggap.

He clearly remembered that horrible feeling as he heard those words from the woman who supposed to be just a puppet. 

"Please don't ask for sex if you just intended to play. I can't afford myself to fall for you—not this time."

"Whoa! Did she just dump me?" parang timang na kausap niya sa sarili.

"Good news! Who dumped you?" Si Greg ang nalingunan niya nang paikutin niya ang upuan. Kapapasok pa lang nito sa pinto.

"Die, stupid." Lumapit siya sa working table at inangat ang telepono. "Next time you let him in, I'll fire you," aniya sa sekretarya.

"That's rude. I'm still the president of this company. Poor secretary." Walang ano mang umupo ito sa couch na naroon. "Bad mood?"

Idinuldol niya sa ashtray ang sigarilyo matapos ibaba ang teleopono. "Anong kailangan mo?"

"Models for a big commercial."

"Si Laxus dapat ang binulabog mo," tukoy niya sa head ng talent department.

"Iba 'to insan. Ikaw ang dapat na magdesisyon dahil ikaw ang magiging direktor."

"Ayoko, loaded ang schedule ko Greg."

"Kahit Samsung ang nagpapagawa ng advertisement?"

Bigla niyang inangat ang mukha at hinablot ang papel na iniabot nito. Kumislap ang mga mata niya nang mabasa ang kontrata.

"It would be under your fiance's advertising agency. Somehow, that genius Vinz closed an impossible deal. It's going to be a big break. You'll do the shoot as requested."

All of Me [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora