Part 59

1.5K 98 4
                                    

When Ria returned to their mansion, she was welcomed by Rio's angry face. Lumagapak sa pisngi niya ang palad nito.

"B*tch! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa kay Hiro! Sino ka ba sa akala mo?"

Nilingon niya ito tuptop ang pisngi. "Kakambal mo 'ko, Rio. Anak din ako nina Papa't Mama. Hindi ako isang sangkalan sa mga ginawa mong kalokohan. You took everything for granted. Na sa'yo nang lahat pero hindi ka pa rin nakuntento. Ano bang makapagpapasaya sa'yo?"

"Ang tuluyang mawala ka sa landas 'ko, Ria!" Itinulak siya nito sa balikat. Napaurong siya sa dingding. "Mang-aagaw ka!"

"Wala akong inagaw Rio! Hindi mo pinahalagahan kung anong meron ka." Nilabanan niya ito ng titig. "Kung nagkakaganyan ka dahil sa sama ng loob mo sa'kin noong mga bata pa tayo, itigil mo na dahil hindi ka na nakakatuwa! Malalaki na tayo para maging isip-bata. Tama na ang pananakit mo sa'kin Rio. Kapag pinatulan kita, magsisisi ka."

Sarkastikong umismid ito. "Bakit anong gagawin mo? Wala kang kakampi sa pamamahay na 'to. Ipinadala ka ni Papa sa States para sa kapakanan ko. Ikaw ang sumalo sa pagkakasangkot 'ko sa isang drug pusher sa university. They spotted me that's why I got caught. You are my scapegoat, Ria. Napakadaling sabihin na hindi ako 'yon kundi ikaw. Lahat ng mga tangang guro, naniwala sa'kin. Pati ang mga magulang natin madali 'kong napaikot at nakumbinsing ialis ka sa pamamahay na 'to bago ka pa gumawa ng gulo."

Nagtagis ang mga bagang niya. "Why do you hate me so much?"

Umangat ang isang kilay nito. "Pareho lang naman tayo, di ba? Kinamumuhian mo rin ako tulad ng pagkamuhi 'ko sa'yo. Sa ating dalawa, ako ang matalino. Ako ang magaling. Ako ang gusto ng lahat. Pero hindi pa rin 'yon sapat. Banggitin lang ang pangalan mo sa loob ng tahanang 'to, kumukulo na ang dugo 'ko! Why do we have the same freaking face? I couldn't stand it, Ria." Tila isang baliw na nilamukos nito ang mukha. "It should only be me. Bakit ipinanganak ka pa?"

Punung-puno ng pait at hinanakit na tiningnan niya ang kakambal. "Napakaestupido ng dahilan mo, Rio. You stole everything from me just because of that? Walang natira sa'kin dahil sa'yo. Ang dignidad ko. Ang atensiyon at pagmamahal ng mga magulang natin. Si Jude na siyang inagaw mo sa'kin para pasakitan lang ako. At sa pagbabalik ko dito, naglaho din ang buong pagkatao dahil sa kapritso mo! Halos kainin ako ng kunsensiya 'ko ng mga panahon inakala 'kong tulog ka at nag-aagaw buhay. Kung talagang kinamumuhian kita, hindi 'ko isasakripisyo ang sarili 'kong buhay para tulungan ka. Sa tingin mo bakit ako pumayag na pumalit sa posisyon mo, Rio?"

"Dahil nagpapakitang gilas ka kina Papa at Mama! Dahil gusto mong agawin sa akin ang lahat!"

Umiling-iling siya. Masyado nang nabubulag ang kapatid niya sa pagiging makasarili nito. Sa mga taong magkalayo sila, lalo itong nilamon ng taas ng estado at atensiyong nakukuha nito sa mga taong nakapaligid dito. Di tuloy maiwasang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Dylan—na may psychological disorder ito.

"Sa pagpapel mo bilang ako, bakit hindi ka nagawang kamuhian ni Hiro tulad ng pagkamuhi niya sa'kin?"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Alam mo ba kung gaano kababa ang naging tingin niya sa'kin? Ibinunton niya sa'kin ng buong-buo ang galit niya para sa'yo. Pero naibsan 'yon dahil sa kabila ng pagpapapanggap, nagpakatotoo ako, Rio. Dahil nagawa 'kong magpakumbaba at akuin ang kasalanan kahit pa na di ako ang gumawa no'n. Dahil humingi ako ng tawad at pinilit 'kong baguhin ang maling nakikita 'ko. Dahil di ako tumakas gaya ng ginawa mong pagtatago sa isang pekeng pagtulog. You always had the role of the princess in every school play, Rio. Ngunit sa totoong buhay, walang prinsesang tulog na nakuha ang puso ng isang prinsipe. Ang tunay na pagmamahal, hindi 'yon basta umusbong na lang sa unang pagkikita. Parang binhi 'yon na ipinupunla—dinidiligan at inaalagaan. Hindi lang ikaw ang tumatanggap kundi dapat ikaw rin ang maging source ng kaligayahan niya."

Naningkit ang mga mata nito. "Anong mali sa paghahangad ng sobra? Anong mali kung isipin mong umiikot para sa'yo ang mundo? Anong mali kung gawin mo ang lahat para makuha ang gusto mo?"

"Mali dahil hindi lang ikaw ang tao sa mundong naghahangad na maging masaya. Kung magiging masama ka dahil doon, mali 'yon Rio." Akmang muli siyang sasampalin nito nang may pumigil sa braso ng kapatid niya. It was Hiro.

"Hurt her and I can't promise that I won't slap you back, Rio. Kilala mo 'ko. Hindi ako gentleman." Padarag na binitawan nito ang kamay ng kapatid niya saka siya inakbayan. "Are you alright?" Hinaplos ng binata ang pisngi niya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata. "Sinundan kita dito dahil nakikinita 'ko nang hahantong sa ganito ang sitwasyon." Bumalik ang atensiyon nito kay Rio. "Fuck off, bitch. I won't let you lay a hand on Ria."

Nanlisik ang mga mata ng kapatid niya. "Sa akin ka dapat kumampi dahil ako ang asawa mo!"

"Sa mata ng mga tao, oo. Pero hindi sa mata ng batas Rio dela Cerzo. Hindi 'ko pinarehistro ang kasal natin dahil noong mismong seremonyas, wala ni gatiting akong naramdaman na pagmamahal para sa'yo." Gulat na tumingin siya sa binata.

"You're not married?"

Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Legally, I'm still single."

"Damn you! Damn you, Hiro!" histerikal na sigaw ng kapatid niya. "Isusumbong kita sa lolo mo. Hindi kayo magiging masaya ni Ria," nandidilat na pagbabanta nito.

"Inunahan ka na namin," pagsasambulat ni Hiro. "We admitted our mistakes in front of the old man. We were forgiven, Rio."

Sumama lalo ang ekspresyon ng babae. Mula sa study room ay lumabas ang Papa at Kuya Vinz niya. Ang mga ito ang binalingan ni Rio. "Papa! Papa! Utusan mo si Ria na umalis at maglaho na dito." Kumapit ito sa braso ng kanilang ama. "Inagaw niya sa'kin si Hiro. Siya rin ang dahilan ng pagbagsak ng career 'ko. Wala na siyang ginawang tama para sa pamilyang 'to," parang paslit na pagsusumbong nito.

Nilingon siya ng kanyang Papa. Malungkot na umiling at ngumiti sa kanya. "Tama na... Rio..." Lumapat ang kamay nito sa ulo ng anak. "Tama na, anak. Napapagod na 'kong intindihin ka."

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now