Part 51

1.3K 90 9
                                    

One month later...

Ipinarada ni Hiro ang sasakyan sa parking lot ng GBS. Dalawang araw na rin ang nakakaraan buhat ng pormal na isinalin sa kanya ang posisyon ng kanyang abuelo bilang CEO ng istasyon. Agad na magalang na bumati sa kanya ang mga nakakasalubong na empleyedo sa entrada pa lang ng building. Kasado ang proposal niya sa board sa paglalagay ng annex para sa mga bago nilang proyekto. Napakarami niyang plano para panatilihin ang posisyon nila sa ratings. Trabaho agad ang inasikaso niya pagdating sa bansa matapos ang dalawang linggong honeymoon sa New York.

Natanaw niya si Altair sa nag-aayos ng camera equipment sa studio four. Nagpasya siyang lapitan ito bago dumiretso sa opisina niya sa top floor.

"Oy, pare!" Tinapik siya nito sa balikat nang mamataan siya. "Kamusta ang honeymoon sa apple city? Buo pa rin ba ang statue of liberty?"

Bahaw na tinawanan niya lang ito. "Regular na empleyado ka na ba dito? Igalang mo 'ko dahil big boss mo na 'ko."

"Sorry to disappoint you my friend but I will always be a freelancer. I'm just the best that's why your station is seeking my service." Inakbayan siya nito. "Anyway, puwede bang ipaabot mo sa asawa mo na kanselado ang kontrata niya sa Spykes," tukoy nito sa isang brand ng sapatos. "When I show them her pictures from last week's pictorial, she just doesn't fit the image at all." Napangiwi ito. "Sorry, Hiro."

Tumango siya. "It's alright. Trabaho 'yan at alam 'kong estrikto ka pagdating diyan."

"Balita ko umatras din ang Samsung sa panibagong kontrata sa kanya. At 'yong pagsisimula ng shooting ng Update Me, totoo bang binuhusan niya ng tubig ang isang production assistant sa set?" pabulong ang pagkakabigkas nito ng tanong.

Hiro sighed and massaged his temple. "I don't know what the hell is happening to her."

Umiling-iling ito. "Must be tough, huh? Isang buwan pa lang kayong kasal pero mukhang minamarkahan na ni Rio ang posisyon niya bilang asawa ng CEO dito sa GBS."

Di siya kumibo. Iyon din naman ang palagay niya. Pero napapagod na siya sa pag-iisip at paghihimay sa sitwasyon. That was what he did for a one whole month. And he couldn't grasp the hell out of it. He was literally going crazy.

"Ikaw ba ang personal na a-attend ng seminar sa Spain sa joint project natin sa isang tele-serye?" pamaya-maya ay tanong nito.

"Yes. Kailangan 'kong tutukan 'yon."

"Then count me in. Ako ang official photographer sa promotions at advertisement."

"Kasama 'ko si Greg sa flight. Mauuna kami doon bago ang buong crew na naatasan sa shooting. At malamang na una rin kaming uuwi pagkatapos maisaayos ang lahat."

"Sasabay na 'ko sa inyo. Magpapaiwan na lang ako." Kinalikot nito ang hawak na camera. Ilang sandali pa ay tinawag ito ng isang assistant. "Sige, pre." Tumalikod ito ngunit bigla rin humarap nag tila may naalala. "Sa office mo may ipinadala akong regalo sa kasal mo. Di ako naka-attend dahil may ginawa akong trabaho sa Australia pero congrats pa rin!" Matapos kumaway ay binalikan nito ang ginagawa.

Nilisan niya ang studio at sumakay ng elevator. Muli siyang binati ng ilang mga empleyado na nakasabay niya.

Pagdating sa sariling ground floor ay agad siyang naghabilin sa sekretarya para sa mga importanteng tawag. Hiro's office in GBS was more spacious, sophisticated, and formal rather than his office in Gustavo Star Productions. Si Laxus ang pumalit sa puwesto niya sa pagiging VP ng kompanya. Kasabay ng pagbaba ng kanyang abuelo sa posisyon ay ang pagreretiro rin ng kanyang Tita Ivy bilang sekretarya nito. The newly appointed CEO got a new secretary and a new executive assistant. Di rin naman siya magiging komportable sa pag-uutos sa sariling tiyahin niya kahit pa gamay nito ang trabaho.

When Hiro was alone in his wide office, he felt empty somehow. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair nang mapansin ang malaking kuwadradong bagay na nakasandal sa pader sa mismong tagiliran ng table niya. Iyon marahil ang sinasabing regalo ni Altair base na rin sa hand written nito sa card na nakadikit sa wrapper no'n. Marahil ay isa 'yong painting o isa sa mga photo collections nito.

He ripped the cover of the gift. Napaatras at natulala siya nang makita ang larawan ni Rio. Iyon ang larawan nito sa huling trabahong ginawa nito kay Altair dalawang buwan na rin ang nakakaraan. Napalunok siya habang tinititigan ang imahe. His heart was beating wildly as he looked at the picture of the woman. Walang dudang mukha 'yon ng asawa niyang si Rio. Pero bakit napakalaki ng pagkakaiba sa nararamdaman niya sa mismong aktuwal at sa larawan?

Isang buwan na ang nakakaraan buhat ng seremonyas ng kasal. Akala niya ay panandalian lamang ang panlalamig na naramdaman niyang nang makita niya ang mukha nito sa ilalim ng belo. Pinilit niyang maging masigla sa harap ng babae ngunit halos maging bato ang puso niya sa presensiya nito. Parang usok na naglaho sa kawalan ang damdamin niya para dito. Nanahimik siya hanggang sa honeymoon nila sa New York.

Masyado siyang naguguluhan at dumating sa puntong kinamuhian niya mismo ang sarili niya dahil di niya akalaing magbabago siya sa isang iglap. He couldn't even lay his hand on Rio. If felt so wrong when she tried to kiss him. Galit na galit ito nang tanggihan niya ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Wala siyang mukhang maiharap dito. Just what the hell was happening to him?

Ang huling gabi nila sa New York ang mitsa ng lalong panlalamig niya sa waring nagbagong dalaga. He saw Rio on their hotel bed with another man. Ang malala ay di man lang siya nakaramdam ng selos. Iritasyon at pagkasuya ang namahay sa puso niya. He wanted to cut all his connections to her that instant and it made him guilty enough not to budge anymore. Nagpakalasing na siya't lahat pero walang nangyari sa kanila. Para siyang tinanggalan ng pagnanasa. Wala siyang makapang pagmamahal o pagtingin sa babaeng pinakasalan niya.

Hanggang sa makauwi sila sa Pilipinas ay may cold war sila ng babae. Sa mansiyon muna ng mga Gustavo sila nagpasyang tumira dahil 'yon ang kagustuhan ng kanyang abuelo. May nabili na itong propriedad bilang regalo sa kanilang kasal subalit hindi pa natatayuan ng bahay. Nais nitong sila ang mag-asikaso no'n ni Rio at magpasya kung anong disenyo ang matitipuhan nila. Subalit mas madalas pa siyang umuwi sa sariling condo pagkagaling ng opisina. At ganoon din ang babae sa bahay ng sariling pamilya nito.

Minsan sumasayad sa isip niyang ginayuma nga siya ni Rio at nawala na ang bisa no'n sa mismong araw ng kanilang pag-iisang dibdib. But the idea was f*cking stupid. At kung ganoon nga, sana ay nanumbalik ang feelings niya kay Mariel. He loved Rio—the Rio he had been with in the beach, the Rio in the fabcon and smartphone commercial, the Rio who cried in the pub, the Rio who looked down on him at the hotel, the Rio he danced with and sang for, the Rio he made love with in his condo unit, and the lovely Rio on that picture.

Humaplos ang kamay niya sa salamin ng frame. There was really something wrong with their life. Ang bumabagabag noon sa kanya sa kasal ay unti-unting nanunumbalik. Sumakit na ang ulo niya sa pag-iisip pero napaka-imposible ng konklusyong umuukilkil sa isip niya.

Tinanggal niya ang abstract painting sa isang panig ng dinding at ang larawan 'yong ni Rio ang isinabit niya.

"Hiro!" sigaw ng babaeng padarag na pumasok sa kanyang opisina. "Why do they f*cking suspend my taping in Update Me?!" histerikal na tanong ni Rio. Sa likod nito ay naroon ang nakangiwi niyang sekretarya na tila humihingi ng paumanhin sa kanya. Sinenyasan niya na lang itong lumabas. "Answer me! You jerk! Why did you allow those lowlife sh*ts to suspend my show?!"

Napabuga siya ng hangin sa bibig bago ito seryosong hinarap. "Sinabunutan at sinabuyan mo ng tubig 'yong isa sa mga production assistant sa harap ng mga producer at direktor. Bakit hindi ka nila sususpendehin? Masyadong malupit ang ginawa mo, Rio. Ano ba talagang nangyayari sa'yo?! Hindi ka naman dating ganyan! Para kang ibang tao sa Rio na kilala 'ko."

Nalukot ang ekspresyon ng dalaga. "You're thinking about her, aren't you? That's why you couldn't f*ck the hell out of me." Lalong nanggigil ang mukha nito nang makita ang larawang isinabit niya. "Take that off! Take that f*cking picture off!" Pinigilan niya ito nang tangkain nitong abutin ang larawan. Nanlilisik ang mga matang tiningnan siya nito bago sumuko at umatras. "I'm not going to let you meet that stupid girl."

Matiim niyang pinagmasdan ito. "Sino ang babaeng tinutukoy mo, Rio?"

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now