Part 50

1.4K 107 24
                                    

HUMINGA ng malalim si Hiro. Kahit na kalahating minuto na ang lumipas mula ng tumayo siya doon sa harap ng altar, hindi siya nagtangkang maupo. Nagsisimula nang umugong ang ingay sa loob ng simbahan. Bulungan at palitan ng makahulugang tingin ng mga bisita. Ang pamilya niyang nasa unahang hanay ng upuan ay patingin-tingin sa labas. Sa kabilang panig ay nananatiling bakante ang puwesto para sa pamilya ng babaeng pakakasalan niya. Wala doon ang mag-asawang Don Nestor at Doña Estrella. Maging ang panganay ng pamilya na si Vinzent.

Kahit na kalmado siyang nakatayo ng tuwid, malakas na pumipintig ang pulso niya. Nasaan na si Rio? Anong nangyari dito? Bakit wala pa rin ito sa simbahan sa mga oras na 'yon? Ang pagkainip na hindi pa rumerehistro sa kanyang sistema ay bumulwak sa pag-aalala. The last time they saw each other was on a charity campaign the day before their wedding. They promoted their upcoming marriage on the elite society. 

Di sila gaanong nakapag-usap ng dalaga dahil sa pakikisalamuha nila sa mga nagpapaabot ng pagbati. Nang sumapit ang gabi ay nahila naman siya ni Greg at ng ilang kabarkada niya para sa isang stag party. Muntik niya nang maupakan ang isa sa mga naroon na parunggit siyang binalaan sa pagpapakasal niya sa isang gaya ni Rio.

Kung hindi pa siya naawat ng pinsan ay malamang na nagkagulo na sa loob ng exclusive club na 'yon. Wala siyang pakialam sa magiging reputasyon niya. Pero hindi niya hahayaang pagsalitaan ng masama nino man ang babaeng kanyang mapapangasawa. Maybe Rio didn't even deserve that bunch of insults. For all the f*cking he knew, he made love to an innocent girl who didn't even show signs of expertise in bed. Walang malandi at maharot na babae ang magba-blush sa kaunting panunukso at bahid ng pang-aakit. Rio was not a whore!

Kadalasan para sa kanya, ang pisikal na pagsasanib ay udyok ng katawan na dala lamang ng pagnanasa at tawag ng kagustuhan. There wasn't ever a moment that he was overwhelmed by the sexual act to the point of crying—not even with Mariel. It was freaking absurd to his point of view before—sex was just an act of pleasure and urge.

Nang may maganap sa kanila ni Rio, para siyang naging isang bagong tao. The warmth of her body reflected to the warmth inside his chest. As he conquered her body, he felt the sacred and significance of union for the first time in his life. Love was the main reason it felt so good, so right, and so pure. Nag-iba ang tingin niya sa sex. Di lang 'yon isang pangangailangan. Isa 'yong banal na ritwal na nangyayari lamang sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. That's why he had the urge to cry after that wonderful experience. Pinagsisihan niyang noon lamang niya 'yon nadiskubre. Pinagsisihan niya na ginawa niya 'yon sa ibang mga babae. At nagpapasalamat siyang di pa huli ang lahat para gawin niya ang nararapat.

Subalit di pa nga ba huli ang lahat? Bakit hindi pa niya nakikita si Rio sa dulo ng altar? May mga naging pagkakamali ba siya upang maging dahilan ng paglayo sa kanya ng dalaga? May kinalaman ba 'yon sa bagay na gumugulo sa isip niya? He was always a blind person who would only realize a mistake at the very end. He was being careful handling his relationship with Rio. May mga nakaligtaan ba siyang mga bagay na dapat na pinagtuunan niya ng pansin?

Damn it! Hindi na niya kaya pang maghintay. Kailangan niyang puntahan si Rio. Aalis na lang siya sa puwesto nang biglang pumailanlang ang wedding march. Napakurap si Hiro. Wala sa loob na nasundan niya na lang ng tingin ang mga abay na naglalakad sa red carpet. Kumabog nang husto ang puso niya nang matanaw niya ang nakaputing traje de boda. Tila may nakabikig sa kanyang lalamunan nang magpalakpakan ang mga tao sa loob kasabay ng pagsasaboy ng mga talulot ng bulaklak sa bride na naglalakad sa aisle. She was accompanied by her father while slowly treading towards him.

Di maipaliwanag ni Hiro ang nararamdaman ng mga oras na 'yon. He was happy yet he was on the verge of tears. Pasimple niyang pinahiran ang luha sa gilid ng kanyang mata. Tila sasabog ang puso niya sa mga emosyong nagsasalimbayan. Rio was really the most beautiful bride he had ever seen. She looked like a blooming flower on the spring. Tulad ng mga puting rosas na hawak nito.

Nang iabot sa kanya ng ama nito ang kamay ng dalaga ay umusal siya ng taimtim na pasasalamat. He held the hand of the girl he was going to spend his life with. The ceremony started until it reached their marriage vows. The moment she said I do, it was tattooed in his heart and in his mind.

Itinaas niya ang veil. Sumikdo ang dibdib niya sa antisipasyon. Ngunit naging mabagal ang reaksiyon niya pagkakita sa dalaga. He batted his eyes because the vast and surreal feelings he have didn't match the reality of the image he was currently seeing. Ngumiti sa kanya si Rio. Her smile didn't melt his heart the way it did before. Nanlamig ang buong katawan niya nang ang babae mismo ang umabot sa mga labi niya. Tumingkayad ito at hinalikan siya. Wala sa mga labi nito ang pamilyar na init. What was happening? Nanaginip ba siya o ano?

Samantalang sa gilid ng simbahan sa isang sulok ay tahimik na nanaghoy si Ria. She had her head cover with a hood and she was wearing a pair of dark sunglasses. Nang bumalik siya sa mansiyon ay naroon na ang kakambal niyang si Rio. Gulat na gulat siya pero parang wala lang 'yon dito.

"Your fault, Ria. Kung hindi ka pa nag-inarte, ibabalato ko na sana sa'yo ang pagharap sa altar. Sayang. Gusto ko pa namang makita ang itsura mo kapag pinakasalan mo si Hiro gamit ang pangalan 'ko. Well, I will settle myself for this. Be sure to witness our wedding with your own very eyes, my dear sister. Hiro will never be yours. He is mine from the start. Anino lang kita, Ria. Iyon lang ang papel mo sa mundong ito. Pagkatapos ng kasal, puwede ka nang magtago sa dilim tulad ng dati. Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa mapapangasawa 'ko."

Nais niyang sampalin ang kapatid sa sobrang galit. Simula pa lang, pinaglaruan na siya nito. Marahil ay kasabwat nito ang buong pamilya niya upang pagmukhain siyang tanga. She was ready to sacrifice everything for the sake of her family yet they always stabbed her in the back. Ilang beses pa ba siyang kailangang madala at maloko para malaman niyang wala siyang halaga sa kanyang pamilya?

At ang higit na masakit sa lahat ay ang pagkawala niya sa buhay ni Hiro. She was planning to explain herself after the wedding. Aaminin niya sana dito ang lahat. Hihingi ng kapatawaran kung sakali at sasabihin ang totoong nararamdaman niya para dito. But she lost that chance. Hiro wouldn't know a thing about her—a nonexistent.

Tinuptop niya ang bibig habang pigil na pigil ang paghagulgol. Sinusundan ng mga mata niyang binubukalan ng luha ang groom at bride sa altar na binabati ng mga bisita at kinukuhanan ng larawan. Hiro looked so handsome in his tuxedo. Nagtagal ang paningin niya sa mukha nito. Ria was carving his face to her memory. She would never forget him. But she really needs to bid her farewell.

"Goodbye, Hiro. Best wishes," she whispered in the air. Then she turned her back and walked away—crumbling into pieces.

****

Author: Guys, will you all kill me if I put The End at the bottom of this part? I'm kidding though!

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now