Part 12

1.2K 84 4
                                    

Sumisigok na tumingin siya dito. "H-hindi... ko... iyon... gusto," paputol-putol na saad niya. "Di ako ganoon kasama." Di niya alam kung ito o ang sarili niya ang kinukumbinsi niya. 

Buo ang paniniwala niyang di iyon kayang gawin ni Rio. Subalit isang pangyayari ang pilit na kumakatok sa likod ng bahagi ng kanyang utak. Ang malabong banaag ng dalawang bata sa ilog ay tumitining, lumilinaw, at nagkakakulay na waring mga larawang nakasabit sa dingding. Ria couldn't breathe. She was gasping in the recollection of the past. Kumakampay ang mga munti niyang braso sa agos ng tubig. Sa pampang ay tanaw niya ang batang babaeng walang tigil ang paghagikgik habang itinuturo siya. 

The sight was awful that she felt the fang of anger rushed through her bones. Marahil ay iyon din ang naramdaman nito nang walang kalaban-labang itulak niya ito sa tubig. Sanhi para gawin nito ang kaparehong bagay sa kanya. But she wasn't trying to kill her sister—it was just a prank to make her wet and catch cold. Para lumiban ito sa klase at umangat siya mula sa ikalawang puwesto kahit isang beses man lang. 

Nagseselos siya dahil parating ito ang pinupuri ng kanilang mga magulang. May munting inggit sa loob niya na nagbulong sa kanya na gawin niya 'yon sa kakambal. But her intention was never to harm her more than a simple prank. Alam niya kung gaano kagaling lumangoy si Rio. She was a member of the swimming team. Ria was expecting that getting out of the water was just a piece of cake for her twin sister. Ngunit ang pagpagaspas nito at ang paghingi ng tulong ay tulad ng isang dagundong ng kulog na lumukob sa kanya. 

Anong nangyayari? Bakit siya nalulunod? Hindi ganoon ang gusto 'kong mangyari. Alam kong kayang bumalik ni Rio. She's my perfect sister who can do anything. She can make it here but why can't she? 

Saka pa lang rumehistro sa isip niya na baka pinulikat ito. Nagawa na niyang lumusong sa ilog bago pa siya makapag-isip. Kabaligtaran ni Rio, di siya marunong lumangoy. Pero anong gagawin niya sa ganoong sitawasyon? Di niya kayang panoorin na lang na nalulunod ang kapatid niya sa mismong harap niya. Tinawag niya ng paulit-ulit ang pangalan nito. Gamit ang putol na sanga ng puno na napulot niya sa damuhan, inabot niya iyon kay Rio. 

Hanggang leeg na niya ang tubig at kung susulong pa siya ay walang dudang malulunod siya tulad ng sitwasyon ng kanyang kakambal. But she just couldn't abandon Rio. They were always together—playing, reading, and sometimes quarreling over a toy. She knew what were Rio's likes and dislikes and vice-versa. Pinaka-naiintindihan nila ang isa't-isa at alam niyang abot-langit ang takot nito tulad niya kung malalagay siya sa posisyon nito. 

Maaari siyang bumalik at humingi ng tulong sa mga magulang mula sa may di kalayuang pension house. Pero natatakot siyang iwan ang kapatid at baka pagbalik niya ay lulutang-lutang na lang ito. She couldn't move her feet even a bit while thinking about that. Kasalanan niya naman ang nangyari at marahil ay iyon ang balik ng karma sa masamang ginawa niya. Sisinghap-singhap na umusad siya. 

Buo ang determinasyong saklolohan ang kapatid. Suddenly, Rio stopped struggling in the water. She swam like a pro back to the ground. Ganoon na lamang ang relief sa dibdib ni Ria. Ngunit siya naman ang tinangay ng agos ng ilog sa malalim na bahagi. She jumped again and again. Siya na ngayon ang kasalukuyang nalulunod. She called Rio for help but the drenched girl was just watching her like staring into a space. 

Pamaya-maya pa ay tumawa ito. Humalakhak sapo ang tiyan. Ria must be seeing things but it seemed her twin sister didn't have the intention to help her. Ganoon pa man, masaya siyang ligtas ito. Kung hindi ay buong buhay siyang kakainin ng guilt kung ito ang napahamak. Parusa 'yon sa kanya. She was the bad girl from the start. Ang paghahangad ng maliit ay puwedeng humantong sa malaking kapalit. Iyon ang aral na natutunan niya at kailanman ay hinding-hindi na gagawin. 

Maybe she couldn't do that anymore because she was dying anyway. Siya ang may kagagawan no'n sa sarili niya kaya wala siyang dapat na sisihin. Habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unti siyang nahihirapan sa paghinga, di maiwasang sumalit sa isip niya at sa kanyang pandinig ang matinis na pagtawa ni Rio sa may di kalayuan. Ganoon ba kasaya para dito na panoorin siyang nahihirapan? Pagod na ba itong makasama ang isang tulad niya na ginagawang kompetisyon ang lahat? 

Gumapang ang panibugho at galit sa kanyang kaibuturan. Bakit hindi siya tinutulungan ni Rio? Bakit hinahayaan siya nitong malunod sa mismong harapan nito? She did try to save her, didn't she? Ria lost consciousness with those questions playing around her head. Hanggang sa magkamalay siya at naaninag ang mga mukha ng Mama at Papa niya. Kusang nanubig ang mga mata niya nang masilayan ang mga ito. 

She thought she couldn't see them anymore. Pero nang mamalayan niya ang distansiya ng mga ito sa kanya ay waring gumuho ang nararamdaman niyang relief at saya. Yakap ng mga ito ang basang si Rio na balot ng tuwalya. Hindi pag-aalala ang nababasa niya sa ekspresyon ng mga ito. They looked too stiff and somehow angry. Imbes na pag-alo ang makuha niya sa mga ito ay sermon ang pinatikhim sa kanya. 

She was cold and trembling in fear on the near-death-experience but they couldn't even offer a hand. Napansin niya ang Kuya Vinz niya sa isang tabi na basang-basa din habang walang tigil ang paghingal. Mukhang ito ang sumaklolo sa kanya. Nang mabaling ang pansin niya dito ay sakto namang pagsugod dito ng yakap ni Rio. Umiyak ito ng umiyak habang nakayakap sa nakatatandang kapatid nila. 

Her brother stroked the head of her twin sister. Her parents were soothing Rio and telling her that everything was okay. At that time she could only notice one thing, no one was comforting her. Everyone was on the side of her sister. Nang tingnan siya ng kakambal, isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito—isa 'yong senyales ng kanyang pagkatalo. Rio was actually the one who was competing with her. And that girl hated to lose. She wanted everything for herself.

"Why didn't you sound guilty at all? Kaya mong mabuhay at magpatuloy na iniignora ang mga nagawa mo, ibang klase Rio." Hiro pulled her hand and struck her on the side of his car. "Do you know how much I hate you?" Naaamoy niya ang alak sa hininga ng binata sa sobrang pagkakalapit ng kanilang mukha.

Ria could only cry while trying not to avoid her eyes. Gusto niyang aminin dito na hindi siya si Rio. Na wala siyang kaalam-alam sa mga bagay na pinaparatang nito. "I-I'm sorry, Hiro." Nagawa niya pa ring sabihin sa kabila ng nag-aakusa nitong tingin. "I-I n-never meant to hurt you. I'm sorry." Tears wouldn't stop and her voice was shaky. Umangat ang isang kamay niya at lumapat sa pisngi nito. Maging iyon ay nanginginig.

Ramdam niya ang pagkislot ng panga nito. Ang pagkabasa ng palad niya sa mga luhang dumaloy mula sa mga mata nito. "I supposed to hate you... akala ko hindi mababawasan ang pagkamuhi ko sayo. But it's so strange, Rio. Whenever I looked at you now, I can look you in the eyes and don't feel disgusted. I can talk to you and even quarrel unlike before that I didn't even want to hear your voice. Sino ba ang nagbago sa'ting dalawa, Rio? Ikaw? O ako?" Hiro's voice became soft as a whisper. It tickled something inside of her. Nagtagis ang bagang nito na parang may kung anong pinaglalabanan. She even heard him cursed.

Huli na bago niya pa nahulaan ang balak nitong gawin. Bigla siya nitong hinapit at kinabig. Napagtanto niya na lamang na magkalapat ang labi nilang dalawa. At di lang siya nito basta hinahalikan kundi sinisibasib ng halik. Nakapikit ito samantalang siya ay dilat na dilat at napatda. Hiro was breathing ragged while kissing her—biting her lips and sensually licking the inside of her mouth. 

Masyado siyang nagulat at natulala kaya hindi niya nagawang itulak ang binata. Strange sensations filled her head instead. She could taste the tequila on the tip of his tongue, felt his hot breath, tickled by his soft lips, and grazed by his sharp teeth. Alam niyang dapat niya itong itulak palayo dahil mali ang nagaganap. Pero tila yata dumaloy ang shock sa buong katawan niya kaya ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat nito ay kumuha ng suporta. Unti-unting namigat ang talukap ng kanyang mga mata.

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now