Part 39

1K 82 1
                                    

Pinapakiramdaman ni Ria ang katabing si Hiro sa sasakyan. A while ago, he was almost bursting flames from his eyes. Kung hindi niya ito napigilan ay uupakan nito ang dumating na nagngangalang Dylan Encarcion—isa sa mga nakarelasyon ni Rio ayon na rin sa mga pasimpleng pagtatanong niya kay Diana Henderson noong shooting. Modelo ang lalaki sa isang malaking ahensiya na kakumpitensiya ng star production company na pagmayma-ari ng mga Gustavo. 

It seemed that Rio already broke-up with the guy but he still had lingering feelings remained. Hindi na siya nagugulat sa mga lalaking nababaliw sa kakambal niya. Nature na yata nito na habul-habulin ng mga kalalakihan.

"You were looking at him," Hiro muttered all of a sudden. "You were looking at that bastard's face!" Rio rattled on her seat with the man's anguish tone.

"I-I was," pag-amin niya. Paanong hindi siya titingin sa lalaking noon niya lamang nakita ang pagmumukha? Matagal na siyang curious sa Dylan na 'yon, lamang ay wala na siyang naging oras upang pagtuunan pa ng pansin.

"Huwag mong sabihing nakikipagtagpo ka pa rin sa tarantadong 'yon lingid sa kaalaman 'ko?"

"No!" malakas na tanggi niya. "I never saw him since that accident." Or I really never saw him at all.

Kinabig nito ang manibela at inihinto ang kotse sa may gilid ng daan. "Sigurado ka ba, Rio? Nagsasabi ka ba ng totoo?" Pumagkit sa mga mata nito ang pagdududa. Ria was hurt with Hiro's uncertainty. Sinungaling pa rin ba ang tingin nito sa kanya?

"Why is that guy makes you work out?" may iritasyong tanong niya. "Nagseselos ka ba sa kanya? O baka naman galit ka pa rin sa kanya dahil kay Mariel?" She mentioned the taboo. Ria didn't intend to but she couldn't help feeling so insecure with the girl she din't even meet. Kahit na wala na ito sa buhay ni Hiro, nananatiling malaki ang parte nito sa emosyon ng binata.

Hiro's brows furrowed in annoyance. "Bakit kailangang marinig ko sa'yo 'yan? Sino ba ang responsable sa galit na 'yon? Hindi ba't ikaw!" pagduro nito sa harap niya.

Mariin siyang napapikit sa narinig. "We are just running into circles, Hiro. Kahit ano pang magbago sa pagsasama natin, hindi no'n mababago ang tingin mo sa'kin, hindi ba? You really are a cruel guy." Iiling-iling na tiningnan niya ito. Pinangingiliran ng luha ang mga mata. "Hanggang sa huli, ipapamukha mo sa'kin ang kasalanang 'yan. Just get back with the girl! You still love her." Akmang bababa siya ng kotse pero napigilan ni Hiro ang braso niya.

Hirap na hirap ang ekspresyon ng binata nang lingunin niya ito. "Do you want me to throw away my conscience?"

Mapait na ngumiti siya dito. "Then do you want to torment me forever with that conscience?" A teardrop fell from her eye. "Kung ako ang nagkasala, ako ang dapat na makunsensiya, Hiro. Hindi ikaw. Kung kasalanan ang mahalin ka, ako mismo ang magtatapon sa sarili 'kong kunsensiya. I chose not to die. I chose not to be sorry. I chose to love you despite of everything I had done. I chose to be the source of your happiness. Pero mukhang kahit kailan, hindi kita mapapasaya. Hindi ka magiging akin—" Naputol ang litanya niya nang siilin siya ng halik ng binata. Mariing kabig nito ang batok niya. Wala siyang nagawa kundi ang pumikit at damhin ang halik. Mabuti na lamang at tinted ang windshield ng sasakyan.

"Don't go anywhere I couldn't see you," Hiro whispered after he let go of her lips. "Let's talk in the office, Rio. Pag-usapan natin ang lahat-lahat ng tungkol sa'tin. Saloobin. Nakaraan. Kasalukuyan. Plano. Buhay. At kinabukasan." Lumayo ito at ikinabit ang seatbelt. "Sa condo ko sana makakapag-usap tayo ng masinsinan kaya lang may naiwan akong mga dokumento sa opisina na kailangan 'kong pirmahan."

"Hiro?" kumukurap na tawag niya dito.

Hinawakan nito ang kamay niya sa kandungan matapos buhayin ang makina ng kotse. "I will settle my life with you. Even if it means throwing away the past, I will gladly jump to hell with you."

Ria's chest throbbed hearing those words. Napakasarap no'n sa tainga pero alam niyang hindi nararapat sa kanya ang mga katagang 'yon. Pigil na pigil niya ang paghikbi hanggang sa makarating sila sa building ng opisina ng binata. Di nito binitawan ang kanyang kamay kahit na sinusundan sila ng tingin ng ibang empleyado sa establisyimento.

"Leslie, huwag kang magpapasok ng kahit na sino sa office ko," bungad na instruksiyon nito sa sekretaryang naabutan nila.

"Pero Sir! Sir!" habol nito sa kanila. "Sir may naghahanap sa inyo. Nasa loob na siy—"

When Hiro opened the door, they were welcomed by the most unexpected presence. Pumasok sila sa loob at nakita ang bulto ng isang babaeng nakatanaw sa may bintana. Bigla itong lumingon sa kanila. Ria had always been curious on what this person looked like. Sa isip-isip niya ay namumuo na ang ganoong senaryo. Kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling magtagpo ang landas nila ng babaeng ito. Kung ano ang dapat niyang maging reaksiyon bilang si Rio at kung ano ang mararamdaman niya bilang siya. Kahit pa na isang estranghera ito dapat sa kanya, sa isang tingin lang, bakit alam niya nang si Mariel ang babaeng nakatayo sa harap nila? It wasn't because of her pretty face. Nor her submissive stare on the two of them. Iyon ay dahil sa nakikita niyang reaksiyon ni Hiro.

The man was looking at the woman with astonishment. Ang gulat ay napalitan ng lambong. Ang lambong ay napalitan ng lungkot. At ang lungkot ay napalitan ng pangungulila. Ang kamay niyang tangan-tangan nito ay unti-unting nabitawan. Ang kanina-kaninang determinasyon sa mukha nito ay unti-unting naglaho. His gaze wasn't the same with Karylle. That was fondness. And his gaze wasn't the same as hers. It was lust. Ang klase ng tingin na 'yon ni Hiro sa babae ay punong-puno ng emosyon na tila ba nais nitong umiyak. 

The way Jack stared at Rose and the way Edward stared at Bella—there was yearning and love. And then she realized one thing as her presence was slowly disappearing in the background, she would never have Hiro's heart because Mariel took it away. At kasabay ng pagbalik nito ay ang muling pagtibok ng pusong 'yon ng binata. Tila siya sinaksak ng reyalidad. Her twin's jealousy on the girl—she perfectly understood it. Mariel was Hiro's true love. She was and would always be. There was no place for her or Rio from the start.

"Long time no see, Hiro," malambing na bungad ng babae. Kay Hiro nakatuon ang mga mata nito.

"M-Mariel..." Hiro uttered—completely stunned. Inilang hakbang ng dalaga ang distansiya sa pagitan nila at dinamba ng yakap ang lalaki.

"I miss you. I miss you so damn much," Mariel murmured.

Ilang segundo lang na natulala siHiro. Sa pag-angat pa lang ng mga braso ng binata upang balikan ng yakap ang ex-girlfriend, nakuha nang ilisya ni Ria ang mukha. Ang puso niya ay parang pinipiga. Sumasakit ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. Dalangin niya ay huwag sanang pumatak ang kanyang mga luha. Kung puwede lang na maglaho na lang siyang bigla. 

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now