Part 4

1.2K 78 7
                                    

"RIO... Rio. Nagbalik na ang anak ko."

Hindi na nagawang itama pa ni Ria ang ina nang sugurin siya nito ng yakap. Parang gripo ang mga mata niya na hindi maampat ang pagtulo ng mga luha. She couldn't even return the hug of her mother whom she had not seen for years. She could only choke herself to hold back her cries.

"Saan ka ba nagpunta, Rio? Sobrang nag-alala ako sayo. Nang makita kita sa hospital bed, alam kong hindi ikaw 'yon. Ang kawawa kong anak."

The pain inside her chest aggravated with every word from the woman who bore her. Ilang beses niya bang pinangarap na yayakapin at aaluin siya ng ina tulad niyon? But not that way. It was too much for her. Hindi siya si Rio. Kahit ang buhok niya at estilo ng pananamit ay ibang-iba sa sopistikadang kakambal niya. 

She had a straight-short hair tied in a ponytail while her sister had long wavy curls. She got four piercings on one of her ear and a small star tattoo on her nape. Pudpod ang kuko niya at wala siyang make-up sa mukha. Nakasuot siya simpleng t-shirt at pares ng jeans. 

Rio was the kind of girl who never wore jeans even in her teens. Kung hindi man ito naka-dress o naka-skirt, maikling shorts ang isinusuot nito bilang casual attire. She loved flaunting her beautiful and shapely legs. Taliwas niyang asiwang-asiwang magpakita man lang ng binti. And Ria was much more tan than her snow white sister. Imposibleng hindi 'yon matukoy ng kanyang ina.

Marahang umiling lang ang kanyang ama na nasa isang tabi ng kuwarto. Humihingi ng pang-unawa sa sitwasyon. Pero hindi niya iyon kayang unawain. Don Nestor said that her mother was undergoing a lot of stress and depression. Ayon sa doktor ay mas mabuting sang-ayunan ang pasyente sa ganoong mga kaso upang hindi maging histerikal. 

Prone daw kasi ito sa self-harming kapag nakakaramdam ng frustration. But it was too much for her to endure. Ilang taon siyang tila namamalimos ng atensiyon nito at sa isang iglap ay hindi na nag-e-exist pa si Ria sa mga mata nito. Wala ba talaga itong ibang nakikita kundi ang kakambal niya? Wala ba siyang naging puwang sa puso ng sariling ina?

"Ma... hindi ako si Rio," anas niya. "Hindi ako si Rio." Itinulak niya ito palayo. Hinawakan sa balikat at inalog-alog. "Ako si Ria, Ma. Kakambal ko si Rio."

Natigilan ito pero walang rekognisyon na rumehistro sa ekspresyon. "Ano bang sinasabi mo, Rio? Ikaw lang ang anak ko." Umiling ito at sinapo ang kanyang mukha. "Ikaw si Rio. Ikaw ang nag-iisa 'kong si Rio."

Tuluyan nang humalagpos ang tinitimpi niyang paghagulgol. She whimpered in front of her mother. "Nakalimutan niyo na ba ako? Inihanda ko na ang sarili ko sa mga sermon niyo at pagkokompara niyo sa amin ni Rio. Pero Ma, hindi ako handa sa ganito." Hilam sa luhang tiningnan niya ito. "Anak niyo rin ako. Huwag niyo akong itrato ng ganito, Ma. Sobrang sakit."

"Nagagalit ka ba sa'kin, Rio? May ginawa bang masama si Mama?" Puno ng pag-aalalang kinabig siya nito. "Patawad, anak! Huwag kang magalit sa'kin."

She couldn't spoke a word any longer. Her mother wouldn't listen to her at all. Bingi na ito noon pa man na may kapintasan si Rio. Tuluyan na nitong isinara ang pang-unawa para harapin ang problema. Wala na itong pakialam pa sa nararamdaman ng iba. Lalung-lalo na sa nararamdaman niya sa mga oras na 'yon.

"Bigyan mo siya ng panahon, anak," pasimpleng bulong ng ama niya na lumapit sa kanila. Inakay ng nurse palayo sa kanya si Doña Estrella. Sinaksakan ng pampakalma at iginupo ng antok sa kama. Nanlalatang lumabas siya ng kuwarto at dumausdos pasalampak.

"Why is she like that?" bulong niya sa hangin. "If I was the one who's laying in that hospital bed, she wouldn't even budge, right? She would treat it as nothing and just go on with her life. Mom, it's so unfair of you." Muling gumulong ang mga luha sa kanyang pisngi. "I really hate you. I hate this family so f*cking much!"

"Ria, huminahon ka." Tumalungko si Don Nestor at hinawakan siya sa balikat. "Hate us as much as you want but please... don't desert us."

"Nasaan si Rio?" wala sa sariling tanong niya.

"Naka-confine siya sa isang pribadong klinika."

"Bring me to her. I'll wake that girl. I'll slap her until she regains consciousness."

His father took a sigh. "You can't do that, Ria. Maselan ang kondisyon ng kapatid mo. Pakiusap, hayaan mo muna ang lahat. Kapag nagising si Rio, babalik sa normal ang buhay natin."

"Yeah, right," sarkastiko niyang gagad. "You are prepared to destroy my life to be able to fix hers. Pagpapanggapin niyo akong siya habang wala siyang malay. Kapag tapos na ang lahat, muli niyo 'kong isasantabi. You can't fool me, Papa. Stop this drama. I'll do as you say so stop buying my sympathy. Bilang anak niyo, sino ba 'ko para tumutol kung ang kapalit no'n ay ang kapakanan ng pamilyang 'to? At least you feed me in your palms even though you never once became a father to me. Sapat na iyon para hindi ko gustuhing bumagsak sa putikan ang mga magulang ko."

"Ria..."

Tinabig niya ang kamay nito at tumayo siya. "When shall we start this act? Hurry up before I get crazy and spill everything to the whole nation. Kapalit ng impluwensiya at pera, gagawin niyo ang lahat. At kapalit ng kaunting pagtingin niyo ni Mama, nakahanda akong magpanggap. Samantalahin natin ang isa't-isa. Doon kayo bihasa, tama?"

Lumatay sa ekspresyon ng patriarka ang impact ng mga salitang binitawan niya. "I can't blame you being like that. We are the one who pushed you away. I'm the one who made you like that. Bakit sa ganitong sitwasyon ko pa nakikita ang pagkukulang at pagkakamali ko?" Namumula ang mga matang iniiwas nito ang mukha. "I thought it's better if you are away from the parents who adored your perfect sister. Naging masyado kaming masaya ng Mama mo sa mga achievements ni Rio. Nakita 'ko kung anong epekto no'n sayo kaya mas ginusto naming nasa malayo ka. You got such selfish parents who tried to avoid problems instead of solving it. I'm really sorry, Ria."

Umismid siya. "Naniwala ba kayo sa'kin noon nang itanggi 'kong kailanman hindi ako gumamit ng drugs? Ilang beses kong iginiit sa inyong ipa-drug-test niyo ako para pasubalian ang bintang ng eskuwelahan sa kumalat na balita. Pero ano? Hindi niyo iyon ginawa dahil buo na ang desisyon niyong alisin ako sa landas ng pamilyang ito na waring tinik sa lalamunan niyo. Don't use my jealousy as an excuse for your unfair sanction. Sa simula pa lang, hindi niyo na ako pinahalagahan, Papa. Iyon lang ang tanging paliwanag doon."

Hindi na ito nakakibo pa. She avoided looking at the hurt expression of her father. Parang boomerang na bumabalik sa kanya ang mga sinasabi niya dito. Ria wanted to shut that guilt because she knew her father deserve that. Yumuko na lang siya para kahit papaano'y maibsan ang bigat sa dibdib niya. Ang humahangos na katulong ang nagpa-angat sa kanyang mukha.

"Sir, may tawag po kayo."

Inabot ng kanyang ama ang telepono sa kawaksi at kinausap kung sino man ang nasa kabilang linya. Bakas ang gulat na tumingin ito sa kanya. 

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora