Part 33

1.2K 86 10
                                    

"DISCORD. Hatred. Pain. Sadness. There is an emotion that could stop all those negative feelings. It is love. That's all we learned from Shakespeare."

Binato ng nababagot na tingin ni Hiro ang pinsang si Greg. "Love? Huwag mo 'kong patawanin. Simpleng pagnanasa lang 'to na naidadaan sa cold shower." Ipinagpatuloy niya ang pag-iinspeksyon sa video production equipment na nakahanay sa studio. Sa araw na 'yon, naka-schedule ang tatlong araw na shooting sa cyber commercial ng kontrata sa Samsung. Kahapon pa ibinigay ni Greg sa kanya ang listahan ng mga magiging endorser at lalabas sa patalastas. Siyempre ay kabilang si Rio sa mga magiging modelo.

"Pero para tugunan mo ang pagnanasang 'yan sa babaeng pinakamumuhian mo. Iyon ang bago. Noon, kulang na lang ay huwag mo siyang tingnan. Ngayon naman ay madalas siyang nagiging topic ng usapan natin." Umalis ito sa pagkakasandal sa pader at naupo sa nakahanay na stool na naroon. Samantalang siya'y biglang natigilan sa pagkilos.

Hiro turned his face to Greg—his expression was ignorant. "Really?"

Umalog ang balikat nito. "What? You don't realize it yourself? Bukambibig mo na ang fiance mo simula ng ianunsiyo ni lolo ang petsa ng magiging kasal niyo. Hindi ko 'yan inaaasahan sa'yo. I thought that even if you marry the girl, you would just treat her as a non-existent. Na magiging malamig ang pakikitungo mo sa kanya."

He snorted. "How can I? Rio deserved to be punished. Sa lahat ng tao dito sa mundo, ako ang may pinaka-karapatang magpataw ng parusang 'yon. I'm not going to tolerate her this time. Sisirain 'ko siya sa paraang alam 'ko."

"Don't you think you're blaming the girl too much?"

"Nawala sa'kin si Mariel!"

"Dahil si Mariel ang nagdesisyong kusang lumayo. Well, hindi sa sinisisi 'ko siya. Pero ano sa tingin mo ang patutunguhan ng lahat ng ginagawa mo, 'insan?"

He paused for a few seconds then heaved a sigh. "Walang magandang kalalabasan. But I don't care at all. I'm just going to follow the path that Rio threaded for me. Siya ang naglagay sa'kin sa ganitong sitwasyon."

"Bakit hindi mo ipahanap si Mariel at humingi ng tawad sa kanya? Huwag mong ibunton lahat ang frustrations mo kay Rio." Isang suhestiyon 'yon na di niya inaakalang lalabasa sa bibig nito.

 Nasusuyang itinigil niya ang ginagawa at tinutukan si Greg. Kailan pa ito naging kakampi ni Rio? "There's no way she can forgive me. Nor I intend to forgive myself. I couldn't even protect her." Mapait na napaismid siya at inilisya ang mga mata sa tsismosong pinsan. "Let's just drop this nonsense topic. At kung balak mong mag-stay dito para panoorin ang shooting, hindi ako magrereklamo kung magkakaroon ka ng silbi." Lumapit siya dito at inabot ang tripod, audio cables, DSLR, at camcorder. "Mamaya ikaw ang humawak sa boom pole."

Umiling-iling na tumalungko ito at ikinabit ang mga dapat ikabit—isaksak ang mga dapat isaksak. Pamaya-maya pa ay napuno na ng tao sa studio sa pagdating ng kanyang filming crew. Magalang na bumati ang mga ito sa kanya at kay Greg. Kanya-kanyang galaw ito sa mga sariling puwesto at espesyalidad.

Agad na lumipad ang mga mata ni Hiro sa isang partikular na taong bumungad sa entrada. Nawala ang konsentrasyon niya sa pagkakabit ng macro lens sa video camera. Rio dela Cerzo came with a fresh aura. Mangilan-ngilang empleyado doon ang nag-good morning dito. Bitbit nito ang isang gym bag at di nito kabuntot ang karaniwang PA sa GBS. Maging ang manager nito ay sa susunod na buwan pa ang balik.

Rio was wearing a white loose shirt, skinny jeans, and tennis shoes. Her hair was tied in a bun exposing that delicate neckline and prominent clavicle. Noong isang gabi lamang ay pinagpasaan iyon ng mga labi niya. She tasted so damn good! Ramdam niya ang reaksiyon ng sariling katawan. Hiro entered a wild fantasy as he reminisced his sexual acts on the beautiful girl. Nang mapagtanto niya ang paninikip ng pantalon, umiling-iling siya para itaboy ang makamundong imahe sa pag-iisip. He wasn't a freaking teenager anymore to have such fancies! Kung maika-kama niya si Rio sa lalong madaling panahon, sigurado siyang maiibsan ang pagnanasang 'yon. Fuck love or anything! She's just going to be my whore.

Mabilis na iniiwas niya ang mukha nang maglakad palapit sa direksiyon niya ang dalaga. Ang akala niya ay siya ang lalapitan nito kaya nakahanda na ang linya niyang busy ako, hindi mo ba nakikita? But to his utter surprise and disappointment, nilagpasan siya ng babae para batiin ang pinsan niya.

"Good morning," Rio spoke on a cheery voice.

"Oh, you're here." Tumayo si Greg mula sa pagkakatalungko. Binigyan siya ng nanunuksong sulyap. "Pretty as ever." Abot-tainga ang ngiti nito nang pasadahan ng tingin si Rio.

Namumulang yumuko ang dalaga matapos magpasalamat. "Bakit ka nandito?"

"Boring sa office. At tsaka may mga bagong talents sa agency na gusto 'kong tutukan. Gusto mo ng coffee? May malapit na Starbucks dito. My treat."

"Sige. May oras pa naman," wika ng babae matapos tumingin sa relo.

"Ikaw Hiro? Gusto mong sumama?" kaswal na tanong ni Greg nang madaanan siya. Mabilis niyang itinuon ang pansin sa ginagawa.

"Busy ako," labas sa ilong na sabi niya. Kunwang inuusisa niya ang camcorder kahit pa naka-adjust na 'yon sa tamang graphic.

"Busy daw. Tara na." Hiro just heard their footsteps. Kahit pa pilitin niya ang sariling huwag lingunin ang papaalis na dalawa, hindi niya napigilan ang sarili. For all he knew, Greg was crazy in love with that brat—Karylle. 

But it didn't stop him from flirting with other girls. Isang patunay ang pagkaka-akbay nito kay Rio. Nagsalubong ang kilay niya nang balingan siya ng pinsan at iwan ng nakakalokong ngisi. He cursed him silently as the pair headed outside. Pawang nakasunod sa mga ito ang karamihan ng mga paningin na naroon—halata ang kyuryosidad. Nang makalabas ang dalawa sa studio ay sa kanya naman awtomatikong nalipat ang tingin.

"What are you looking at?" maangas na tanong niya. Patay-malisyang inalis ng mga ito ang mata sa kanya. Dali-daling balik sa mga kanya-kanyang ginagawa. Mariin naman siyang napapikit. Inis na tumingala siya at minasahe ang batok. "Lester!" malakas na tawag niya sa isa sa mga production assistant. Nagkukumahog na nilapitan siya nito. "Take over for me." Padaskol na ibinigay niya dito ang camcorder at nagmamadaling tumakbo palabas.

I just can't leave those two alone! Agad na namataan niya sa gilid ng kalsada sina Rio at Greg. Masayang nag-uusap ang mga ito. "Kailan pa sila naging close?" sarkastikong bulong niya. His cousin never approached her fiance before. Di nito isinantinig ang pagkadisgusto kay Rio pero pareho ang paniniwala nilang first-class prostitute ang babae. Naikuyom niya ang mga kamay isipin pa lang na kasiping ng dalaga ang ibang lalaki. Sa pagkakataong 'yon, hinding-hindi niya na 'yon mapapayagan.

I'll satisfy your sexual needs enough for you to be burned out. Hiro deliberately bumped in between the two. Pinag-taasan niya ng kilay si Rio nang gulat na lumingon ito sa kanya. "Nagbago ang isip 'ko. Kailangan ko pala ng kapeng pampagising." Nakapamulsang pinangunahan niya ang mga ito. Pasimpleng hinagip niya ng tingin ang pinsang si Greg. He was suppressing a laugh. The moron was enjoying the situation too much. Gayong walang nakakatawa para sa kanya.

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now