Part 11

1.1K 81 2
                                    

HUMANTONG sila sa isang bar. Sa counter ay katabi niya si Hiro na agad na humingi ng alak sa bartender. Tumutungga ito ng tequila samantalang piñacolada lang ang sinisimsim niya.

"Balak mo bang maglasing?" kalabit niya dito. May limang hanay pa ng maliliit na baso, platito ng asin at lemon sa mismong harap nito.

"Mataas ang alcohol tolerance 'ko. Di ako madaling malasing." Bumaba ang mga mata nito sa hawak niyang baso. "Sa pagkakatanda ko, hard drinker ka rin, di ba? Ba't 'yan lang ang iniinom mo?"

"Wala akong tiwala sa alcohol tolerance mo," pangangatuwiran niya. "Dapat isa sa'tin ang matino sa pag-uwi."

"Are you holding back? Don't mind me, I can handle myself."

"I'm not in the mood to drink." Di niya tipo ang mga klase ng alak sa bar na 'yon. She could drink two bottle of wine but only the wine she made from Spain. Iyon lang ang kilala ng sikmura niya. "Sana kasi hinatid mo na lang ako pauwi bago ka dumiretso dito."

"How can you do your job without being here?"

"Anong trabaho?" Lasing na 'ata 'to.

Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Humor me."

Napabuntong-hininga siya. "Di sana sa Malate ka nagpunta, maraming stand-in comedians doon. Gugulong sa katatawa sa ginagawa nilang pamimintas." Tumaas-baba ang mga mata niya dito. "Sabagay wala silang maipipintas sa gaya mo. Baka harassment ang makuha mo. Mukhang ikaw pa naman ang tipo na nambabangas ng third sex. You're literally a demon in human disguise."

Sa gulat niya ay hinitit ito ng tawa. "You're doing fine, alright." Humagikgik ito at tinungga ang pangatlong baso ng tequila. Sabi na nga bang wala siyang tiwala sa alcohol tolerance nito. Namumungay na ang mga mata ng binata. "You still find me attractive, doesn't you Rio?"

She looked at his face. He really was a knock-out good-looking guy even on that groggy state. "No, I never find you attractive," kaila niya. Umiling pa siya at iwinagayway ang isang kamay sa ere. "Not at all." 

Why am I lying? Totoo namang minsan akong naakit ako sa gandang lalaki niya. Ayoko lang sigurong aminin dahil masyado nang malaki ang ulo niya.

Umismid ito. "Sinungaling ka. Patay na patay ka sa'kin, di ba? Anong feeling mo ngayong pakakasalan ka na ng lalaking pinipilit mong makuha?"

"Yeah, yeah, yeah." Tumangu-tango siya. "I'm so happy I could die," pagsakay niya na lang para matigil na ito.

Kumunot ang noo nito. "You know, there is something different about you."

Bigla siyang sinalakay ng kaba. "H-ha?"

"Dati hantaran ang pagpapakita mo ng pagkagusto sa'kin. You were always vocal on what you feel about me—that you like me-blah-blah-blah and we were meant for each other-blah-blah-blah. You tripped me in the middle of my journey. I couldn't say sorry to you because you were the one who was always saying sorry to me. I didn't buy that sh*t because that's your specialty—saying things with no sincerity. You loved to cry in front me saying nonsense that you can't live without me." Hiro shook her head and chuckled. "Ang katotohanang kaya kong mabuhay ng wala ka, hindi 'ko 'yon nagawang sabihin sa'yo dahil kahit papaano may pinagsamahan tayo, Rio." Iwinasiwas nito ang hintuturo sa harap niya. "Inisip kita. Pinaintindi ko sayo sa mahinahong paraan na may babae nang nagmamay-ari nito." Tinapik nito ang sariling dibdib. Namumula ang mga mata nito at may bahagyang piyok na ang tinig. "Why didn't you understand back then? Why did you cling to me? Didn't I push you enough?"

"M-may mahal kang ibang babae?" gulat na tanong niya.

Tumawa ito. "You're acting dumb again. Nakalimutan mo na bang ikaw ang nag-iisang dahilan kung bakit siya nawala sa'kin?"

Suminghap siya at natakpan ang bibig. Anong ibig nitong sabihin? "A-ako? Si Rio?"

"Yeah, you Rio. You paid someone to rape her! To assault her!" pagduro pa sa kanya nito. "Kung galit ka noon, sana ako na lang. Sa akin mo na lang sana ibinunton!"

Tigagal siya sa narinig. Pakiramdam niya ay may humampas sa kanyang dibdib. Dumulas mula sa mga kamay niya ang hawak na baso ng piñacolada. Nabasag 'yon sa marmol na sahig. Agad na may nag-asikasong waiter mula sa counter sa pag-iimis ng kalat. 

Ria was still awed on her seat. She understood the words but she didn't want to fully comprehend. Gusto niyang mag-salita pero di niya alam kung ano ang sasabihin. Nanatiling nakaawang ang mga labi niya at tanging ungol ang kumawala sa kanyang lalamunan. When she looked at Hiro, his eyes bore into her. Pain and regrets were written all over his face. He was clearly blaming her. 

"Ah... I... ah..." Nang maglumikot ang mga mata niya ay kusang bumagsak ang mga luha. "D-did I d-do that?" Sa wakas ay nagawa niyang isantinig. But that was actually a yelp. She couldn't contain the emotion that flew inside of her. Ang mga pang-iinsulto ni Hiro, ang mga paratang at masasakit na salitang binibitawan nito, lahat ba 'yon ay may basehan? Kaya ba iyong gawin ng kakambal niya? Rio would not do that kind of thing, right? She was insane at times but she wouldn't go that far. She wouldn't hurt someone that way.

"A year ago, inamin mong ikaw ang dahilan ng paglayo sa'kin ni Mariel," pagpapatuloy ng binata. Ni wala siyang kaide-ideya kung sino ang Mariel na tinutukoy nito. "You had a guy with you named Dylan, right? Kasama mo siya sa pagbuntot sa'kin sa isla ng Coron. Akala ko okay na sa atin ang lahat. That you're cool with our break-up. Sinabi mo pa no'n na tutulungan mo 'kong sabihin kay lolo na seryoso ako kay Mariel. Na ikaw na mismo ang tatanggi sa engagement. Naniwala ako sa mga salita mo, Rio. Laki 'kong tanga! Inutusan mo ang Dylan na 'yon para gawan ng masama si Mariel nang malingat ang pansin ko. Umiiyak na nagsumbong sa'kin ang girlfriend ko. Hiyang-hiya at ni hindi makapagsampa ng kaso. I persuade her to sue that bastard, to sue you, but she threatened me that she would kill herself if the assault leaks out."

Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Hiro. Dala ba 'yon ng alak? Kung sana nga ay ganoon. Anong hiling niya na humahabi lang ito ng kuwentong pampelikula. Was Rio capable of doing a horrible thing like that?

"Iniwan ako ng kauna-unahang babaeng minahal ko dahil sa trahedyang 'yon. Kahit anong kumbinsi ko sa kanyang tanggap ko siya kahit anong mangyari, siya ang hindi tumanggap sa sarili niya. Tell me Rio, how could you do that to me? Sinasabi mong di mo kayang umurong sa kasal dahil sa pamilya mo pero sobrang sama ng naging paraan mo para makuha ako. Do you want me to believe that you could justify that act with your good Samaritan reason? Hell no! Makasarili ka at ganid! Why wouldn't I call you a trash when you're totally a rotten garbage?!"

Sunud-sunod ang hikbing kumawala sa bibig niya. She started to hiccups while tears were falling. Tuptop ang taas-babang dibdib na parang hinihika.

Padabog na tumayo si Hiro at naglapag ng isang libo sa counter. Marahas na hinila siya nito ng walang anu-ano palabas ng bar. Tuluyan na siyang humagulgol nang makarating sila sa parking lot. Umiyak siya umiyak hanggang sa mamaos siya. Di pa rin nito binibitawan ang kamay niya.

"Is that the cry of your soul? Kinatok ka na ba ng kunsensiya mo?"

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon