Part 49

1.3K 90 6
                                    

Two hours ago before the wedding...

Nagdadabog na nagtungo si Ria sa kanyang kuwarto pagka-himpil ng sasakyan sa mansiyon. Sa likod niya ay nakasunod ang kanyang ama at Kuya Vinz.

"Ria! Ria! Buksan mo 'tong pinto!" pagkatok ng kanyang kapatid.

Humihikbing naupo siya sa kama. Itinaas niya ang mga tuhod at niyakap. Walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha. Dumako ang tingin niya sa nakaempakeng mga damit. May ticket na siya sa Airlines na naka-schedule ang flight sa mismong araw na 'yon. Plano na niyang bumalik sa Barcelona.

Ngunit di nangyari ang resultang inaasahan niya. Hindi iminulat ni Rio ang mga mata nito kahit na anong pagsigaw pa ang gawin niya. Kagagaling lang nila sa lugar kung saan nananatiling tulog ang kakambal niya. Walang masabi ang doktor na tumitingin dito sa mga tanong niya. Rio wasn't even in critical condition. Bakit nasa state of comatose pa rin ito?

Pakiramdam niya tuloy ay pinagkakaisahan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

"Ria! Ria, anak!" tawag ng kanyang Papa. "Kapag walang sumipot sa kasal, wala nang matitira sa pamilyang 'to. Pakiusap, huling paghingi 'ko na 'to ng pabor."

Tinakpan niya ang magkabilang tainga. Ayaw niya nang marinig pa ang nagmamakaawang boses ng ama at kapatid. Kung gagawin niya ang sinasabi ng mga ito, para na rin niyang pinatay ang sarili. She already had enough. Ang pagbibigay niya ng sarili kay Hiro ang wakas ng lahat. It seemed that Hiro didn't suspect anything after that blissful love making. Hindi niya alam kung ikatutuwa o ikababahala niya ang naging pananahimik nito. Marahil ay buong-buo pa rin sa paniniwala nito na siya si Rio.

Pero siya, iyon na ang limitasyon niya. Ang hangganan ng mga puwede niyang gawin. Di niya kayang magpakasal ng aktuwal sa lalaking mahal niya gamit ang ibang pangalan at pagkatao. It was worse than a heartache. Dapat niyang isipin ang sarili niya. Wala nang matitira pa sa kanya sa oras na pumayag siya sa kagustuhan ng kanyang pamilya. Respeto. Dignidad. Identidad. At pagpapahalaga sa kanyang sarili. Lahat nang 'yon ay isinantabi niya lang. Hindi niya tuluyang itinapon. Ang pagmamahal niya kay Hiro ang lalong nagpapatibay ng paninindigang 'yon. Ayaw na niyang dagdagan pa ang mga kasalanan at pagsisinungaling niya dito. Lalung-lalo na sa sagradong panunumpa sa harap ng Diyos.

Lumakad siya palapit sa tokador at isinuot ang naka-hanger na jacket. Binuksan niya ang cabinet sa bedside at kinuha ang plane ticket. Hila ang travelling bag, lumabas siya ng kuwarto. Nilagpasan ang ama at kapatid niyang natigilan sa biglaang pagbukas niya ng pinto.

"Sandali Ria! Saan ka pupunta?!" paghabol ng kanyang Papa. Humarang ito sa daraanan niya.

"Babalik na 'ko ng Spain. Noong una pa lang, mali na pumayag ako sa mga plano niyo ni Kuya Vinz. Itakwil niyo na 'ko. Wala akong pakialam. Matagal nang naglaho ang posisyon 'ko sa pamilyang 'to." She was about to walk again when someone grabbed her arm. Ang Kuya Vinz niya.

"Ria, hanggang seremonyas lang naman sa kasal. Pagkatapos no'n, puwede ka nang pumunta kahit saan. Kami na ang gagawa ng paraan sa maiiwang gusot dito. Basta maikasal lang sina Hiro at Rio."

Umiling siya. "Hindi na 'ko magpapauto sa inyo. Walang ibang mahalaga sa inyong dalawa kundi si Rio. Ni di niyo inisip kung anong nararamdaman 'ko. You're only using me for your own selfish reasons. Nagpagamit ako kasi pamilya 'ko kayo. Pero tama na... hindi ko na kaya... Kung ano man ang kahihinatnan ng lahat, di 'ko na 'yon problema." Hinila niya ang kamay at nagpatuloy bumaba ng hagdan.

Naabutan niya sa salas ang inang si Doña Estrella. "Rio, bakit hindi ka pa gumagayak? Nandito na 'yong wedding dress mo at parating na rin 'yong hairdresser at make-up artist." Her Mom's smile faded away when she looked at her bag. "Aano ka?"

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now