Part 60 (Last Part)

2.4K 214 40
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Rio. "Anong pinagsasasabi niyo?"

"Inamin na sa'kin lahat ni Vinz na ikaw ang kliyente ng nagbebenta ng cocaine sa unibersidad. Ikaw ang sangkot at hindi si Ria."

Marahas na bumaling ang dalaga sa kanilang Kuya Vinz. "Inilaglag mo'ko Vinzent?!" Lumapit ito sa lalaki at pinagbabayo ang dibdib. "Traydor ka! Sino ka para gawin sa'kin 'to? Ampon ka lang naman sa pamilyang 'to! Isa kang sampid!" Biglang bumiling ang mukha nito nang walang habas na sampalin ito ng kanilang ama.

"Sumosobra ka na! Wala kaming naging pagkukulang sa'yo, Rio. Lahat ng pangangailangan mo ay ibinigay namin sa'yo ng Mama mo. Ano bang problema mo?"

Parang bata na sumibi ang kakambal niya. "I hate you Papa! I hate you!" Nang masipatan nito ang pagbungad ng kanilang ina mula sa kuwarto ay doon ito nagtatakbo. "Mama! Mama!" Yumakap ito sa baywang ni Doña Leticia. "Inaaaway nila 'kong lahat, Mama. Pagalitan mo sila. Pagalitan mo si Ria."

"Rio?" Itinulak nito ang dalaga. Sa gulat nila ay lumapit ito sa kanya at sinapo ng magkabilang kamay ang mukha niya. "Rio... bumalik ka na! Bumalik ka na, anak ko!" Mahigpit na niyakap siya nito. Di nakahuma si Ria. "Salamat naman at nandito ka na! Bigla ka na lang umalis noong kasal at hindi ka na bumalik."

"Mama! Anong ginagawa mo?! Hindi siya si Rio! Ako si Rio!" nanggagaliting sigaw ng kapatid niya. Lumingon dito ang kanilang ina pero di siya nito binitiwan. Blanko ang ibinigay nitong tingin kay Rio. "Lahat kayo, pinagkakaisahan niyo 'ko!" Gulantang silang lahat nang maglabas ito ng pocket pistol mula sa bulsa ng jacket. Itinutok nito ang baril sa kanya. "Dapat matagal na kitang pinatay."

"Rio!" hilakbot na duweto ng Papa at Kuya Vinz niya.

Sa pagkatulala ni Ria, nahimasmaasan lang siya nang humarang bilang pananggalang si Hiro. "I won't let you hurt her."

"Damn you all!" Ipinutok nito ang hawak na armas. Ang Kuya Vinz niya ang tinamaan nang takbuhin nito ang distansiya sa pagitan nila. Duguang bumagsak ito sa sahig.

"Kuya Vinz!!!" hindik na sigaw niya. Agad siyang tumalungko upang daluhan ito. Samantalang pigil-pigil ni Hiro at ng Papa niya sa magkabilang braso si Rio. "Kuya Vinz!" Hindi niya malaman ang gagawin sa bumubulwak na dugo sa dibdib nito. Diniinan niya 'yon ng kamay niya para maampat. "Kuya Vinz... diyos ko!" hagulgol niya.

"Ria..." Namumungay ang mga matang tiningnan siya nito. "I'm sorry. For me, don't hate Rio. Don't hate your sister." Napasigaw siya nang tuluyang lumunguyngoy ang ulo nito. Nag lapitan siya ni Hiro at hawakan sa balikat ay tumatangis na yumakap siya sa binata. Hinaplos nito ang ulo niya. Bumubulong na magiging ayos din ang lahat na siyang nagpapayapa sa kanyang kalooban.

Two years later...

Magkatabing nakatanaw sina Ria at Hiro sa dalampasigan. Nakaupo silang dalawa sa buhangin ng beach kung saan ginanap ang taimtim nilang pag-iisang dibdib. Kaunti lamang ang dumalong mga bisita. Pili at karamihan ay ilang kamag-anak at kaibigan.

"Rio sent a gift," ani Ria habang binubuksan ang kahon na ipinadala ng kakambal sa isang madre. Isa 'yong hand made na pin sa buhok. The flower design was intricately woven and the beads were decorated in details. "Ang huling sinabi niya sa sulat na pinadala niya nahihilig siya sa pottery. Baka banga ang susunod na iregalo niya sa birthday ni Kash," tukoy niya sa isang taong gulang na anak.

"It's been a year since she was sent to the convent from the sanitarium. Alam kong mas panatag ka na naroon siya." Ngumiti sa kanya ang asawa. "Sa huli nagawang iligtas ni Vinzent ang puso't kaluluwa ni Rio."

Pinangingiliran ng luha na tinanaw niya ang paglubog ng araw sa dulo ng karagatan. "Unconditional love. Walang hinihintay na kapalit si Kuya Vinz sa naging pagtingin niya sa kakambal 'ko." Ginagap ni Hiro ang kamay niya sa buhangin.

"You are very much alike, Ria. You love me unconditionally and I'm very thankful for that." Nilingon niya ito at nagsalubong ang paningin nilang dalawa. Magpahanggang sa oras na 'yon ay nalulunod siya sa sobrang kaligayahan. Nag-uumapaw ang pag-ibig niya para sa lalaking katabi niya. Hindi naging madali para sa kanila ang lumantad sa publiko. Subalit wala silang naging pakialam sa sasabihin ng ibang mga tao. Ang importante ay kapiling nila ang isa't-isa.

Hiro remained as the CEO of GBS. Pinanindigan at ipinaglaban ni Don Benigno ang posisyong 'yon para sa apo. Napatunayan ng kanyang asawa na karapat-dapat itong mamuno dahil sa pag-angat ng ratings ng istasyon na siyang nagligtas sa reputasyon nito.

Ipinagbili naman ng mga magulang niya ang kanilang mansiyon at kumuha ng pension house ang mga ito na siyang nakabuti sa kalagayan ng kanyang ina. Kumpleto ang kanilang buong pamilya sa tuwing dinadalaw nila si Rio sa kumbento.

"Your other Daddy talk to me the last time we went to Spain," untag ni Hiro. "Isinuko niya na raw ang pag-asang magiging daughter-in-law ka niya dahil sa pag-entrada 'ko. Pero ngayon naman napagdiskitahan niyang ipagkasundo pagdating ng araw si Kash at ang anak na babae ni Giovanni."

Napatawa siya. "Elsa was three years older. Pero okay lang sa'kin."

Naningkit ang mga mata nito. "Sabihin mo nga sa'kin, nagka-crush ba sa'yo si Giovanni?"

"Nakaraan na 'yon." Naaaliw na tiningnan niya ito. "Isa pa may Mildred na siya ngayon. Magpapakasal na sila sa susunod na taon. Ang seloso mo talaga!"

"Mahal na mahal kasi kita Mrs. Ria dela Cerzo Buencamino." Dumukwang ito at hinalikan siya. Mariin. Matagal. At punong-puno ng damdamin.

"Hoy! Ano yan?!" Si Greg ang sumigaw sa di kalayuan. Kaantabay nito si Karylle. "Celebration muna bago ang honeymoon! Kaya pala bigla na lang kayong nawala sa reception."

Sabay silang humagigik ni Hiro. Magkahawak-kamay na tumayo sila. Sa likuran nina Greg ay nakasunod ang mga magulang nito, ang ngiting-ngiti abuelo at Mama ni Hiro. Even the reserved Don Miguel was smiling while cuddling Kashiel—ang pagkaguwapo-guwapong anak nila ni Hiro. Ang bata ang nagbuklod sa dating malamig na pagsasama ng pamilya. Nagkasundo din ang lolo at ama ni Hiro. Nangunguna kasi ang mga ito sa pang-i-spoiled kay baby Kash. Mabuti rin ang samahan nila ni Doña Leticia. Mahilig din pala itong magluto tulad niya. Wala nang mahihiling pa si Ria sa buhay niya sa kasalukuyan.

"I love you, Hiro," bulong niya sa hangin.

"How much?" tanong ng asawa na naulinigan pala siya.

"With all of me."

—The end—

Author: Thank you so much for being with Ria & Hiro all throughout this story. Paki-vote naman po kung nagustuhan niyo ang istorya. Abangan niyo po ang mga susunod ko pang kwento and kindly drop your question at the conversation kung may tanong po kayo tungkol sa'kin o sa mga series ko dito sa platform. I'll try to answer as much as I can. And if you want me to dedicate a chapter to you, just say so and message me. I'm not going to be stingy at my readers. Love you guys at umabot naman sana sa 5k ang aking followers. Again thank you for reading!

All of Me [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin