Part 16

1.1K 78 5
                                    

ANG tunog ng paghampas ng tubig sa mga bato ang nagpamulat sa namimigat na mga mata ni Ria. Dagat ba ang naaaninag niya sa harap? Tuluyan siyang napabalikwas nang matanaw ang alon ng karagatan na humahalik sa buhangin.

"N-nasaan ako?" Tinuptop niya ang ulo. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. At ang sasakyan ay nakaparada sa tabi ng dagat. Luminga-linga siya sa paligid hanggang sa mabaling ang pansin niya sa binatang katabi.

Nakasandal din si Hiro sa driver's seat. He was sleeping mutely beside her. Wala itong suot na coat. Doon niya pa lang napansin na nakabalabal sa katawan niya ang coat nito. Halos mapatalon siya sa kinauupuan sa sobrang taranta. Agad niyang inalis ang coat at dahan-dahang itinabing naman sa katawan nito.

Tumingin siya sa relos na suot. Alas-kuwatro na ng hapon. Umaga silang umalis ni Hiro mula sa opisina nito at hapon na silang nakarating doon. Ria didn't know where exactly they are but from the looks of it—maybe outside Metro Manila. Sa haba ng biyahe ay marahil sa ilang probinsiyang kalapit. Nakatulog siya at hindi man lang siya ginising ng kumag na katabi niya.

"Tsk! Hindi ko mahulaan kung anong tumatakbo sa isip mo," kausap niya sa walang malay na binata. "Galit ka, inis ka, o asar ka. Ano man sa tatlo puro 'yon negatibo." Humalukipkip siya at sinulyapan ito. Sa pagkakasandig ng binata at sa pagkakapikit ng mga mata nito, tila ito nasa isang payapang mundo. His brows weren't furrowed, his forehead didn't have crease, and his lips weren't smirking to mock. Napakaamo ng mukha ni Hiro sa mga oras na 'yon. Masarap titigan. "Alam mo masyado kang guwapo. Di na nakapagtataka kung may nararamdaman sa'yo si Rio. If I were to see you in your brighter side, maybe I would also fall with your charm. Mas mainam bang hindi maganda ang pagtrato mo sa'kin?" Umangat ang isang kamay niya. Nag-aalangang lumapat ang palad niya sa makinis na pisngi ng lalaki. "Kung mas una kitang nakilala, hinding-hindi ko nanaising masaktan ka. Pahahalagahan ko gaano man kaliit ang koneksiyon ko sa'yo. Bilang kaibigan, kakilala, o isang estranghera na nakabangga mo sa daan. Di ako gagawa ng bagay na ikagagalit mo o ikalalayo ng loob mo. Somehow, I just want to see you smile, Hiro. I really want you to be happy that's why I'd rather wish for you to forget everything than to live in anger forever. Alam 'kong wala akong karapatan na pakialaman ang buhay mo bilang si Rio pero kailangang kapalan ko ang mukha ko para makabangon tayo pare-pareho. What my twin sister intended to do, I don't know. She's not innocent. It's obvious. But I want to bet on the small percentage of her love. Loving someone isn't a bad thing, right? Maaaring hindi puro at malinis. May nagkulang at may sumobra. Kung kaligayahan ang nakataya, may maghahangad at may masasaktan. But a scheme to lose your trust, your relationship, and your warmth—I believe that Rio won't risk these at stake. Yes, she was selfish but that was also the main reason why I believe that she couldn't hurt you that way. Di niya hahayaang mawala ang kahit na kaunting pagtingin mo sa kanya, Hiro. Hindi niya magagawang sirain ang imahe niya sa mga taong pinahahalagahan niya."

Ria sighed and stroked the guy's face gently. Bawat hagod ng daliri niya sa makinis na balat nito ay naghahatid ng kung anong kaba sa sistema niya—na baka magising ito sa ginagawa niya subalit hindi niya mabawi ang kamay. May isang uri ng nerbiyos na hindi nagdadala ng takot kundi ng pagkasabik. The feeling was overwhelming that it engulfed her. She liked it but it wasn't convincing. It was like seeing her own reflection in the water then her face was suddenly erased by the current. Isang pakiramdam na waring nasilip lang niya sa banaag ng malabong tubig. At hindi niya alam kung muli niyang masisilayan ang sariling mukha sa kalmadong repleksiyon o kung siya ba talaga ang naroon. Di siya sigurado. Pero para siyang tinuka ng ahas nang di sinasadyang sumagi ang daliri niya sa labi ni Hiro. Tumining ang imahe sa tubig na tumigas at nagyelo. Tila siya naging estatwang bato. She quickly took her hand off of him. Napatuwid siya sa pagkakaupo dahil sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.

"Hah!" she gasped as she clutched her chest. "Kabaliwan," humihingal na bulong niya sa hangin. Nagmamadaling lumabas siya ng sasakyan na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang binata. Sinalubong siya ng samyo ng karagatan. Maingay na nilanghap niya ang hanging amihan. Kinabog ang dibdib upang humupa ang kabang nararamdaman. "Sobrang guwapo lang siya kaya nagkakaganyan ka," kumbinsi niya sa sarili. "Parang kapag nakaharap mo ng personal si Tom Cruise o si Lee Min Ho, siyempre nenerbiyusin ka." But it wasn't the first time she saw Hiro. At hindi ito artista gaya ng mga nabanggit niya. Fiance ito ng kakambal niyang si Rio! At iyon ang mas malinaw pa sa opisyal na anunsiyo na bilog ang mundo. Tulad din na bilog ang kanyang ulo para pasukan ng mga weirdong ideya. "Just don't think about it," she muttered while shaking her head.

Muli siyang naglakad palapit sa sasakyan ngunit bigla siyang kumambiyo patalikod nang makita niyang lumabas si Hiro.

Diyos ko po! Diyos ko po! Bakit biglang nagising kaagad ang isang 'to?

"Rio! Hoy Rio! Saan ka pupunta?" pagtawag nito sa kanya.

Awtomatiko siyang huminto. Kalma lang. Huwag kang magpahalatang may kahibangang tumatakbo sa isip mo. Sugod! "Bakit ba kasi dinala-dala mo 'ko dito? Akala mo ba natutuwa ako sa ginagawa mo?" buwelta niya pagharap.

Tumigil ito saktong kalahating metrong distansiya mula sa kinatatayuan niya. Nakaangat ang isang kilay. "Akala mo ba natutuwa din akong kasama ka dito? FYI, it's my job."

"FYI, I don't have anything to do with your job," ganting balik niya na tuluyan nang nalusaw ang kaba sa kagaspangan ng ugali ng kasama. "At kung trabaho mong languyin ang dagat, sige lang magpakalunod ka!" Itinuro niya pa ang malawak na karagatan. "Saang lupalop ng Pilipinas mo ba ako dinala?"

"Bataan. May private beach kami dito," balewalang sabi nito. "At tungkol doon sa una mong sinabi, maling-mali dahil empleyado ka ng GBS. Huwag mo akong simulang inisin diyan sa kaartehan mo. Direktor ako at announcer ka lang sa istasyong pag-aari ng pamilya ko. Naka-leave ka pa ng isang buwan kahit okay ka naman. Walang masama kung bigla ka mang pumirma ng kontrata kung ako naman ang mamamalakad ng lahat. Ginawa na natin ito noon, bakit nagrereklamo ka ngayon?"

"T-trabaho? Ayoko!" Eksaheradong umiling pa siya. Papaano siyang papayag kung hindi siya pamilyar doon? Anong malay niya sa mass communication? Nagbigay ng assurance ang Papa niya na ni hindi niya kailangang tumuntong sa istasyon na pinagtatrabahuhan sa loob ng isang buwan.

"Oo, Rio. Gagawin mo kapag sinabi ko." Walang sabi-sabing dinamba siya nito at hinila sa braso.

"T-teka lang. S-saan mo 'ko dadalhin?" nagpa-panic na tanong niya.

Itinuro nito ang isang bahay na nakatayo sa isang talampas. "Sa cabin. Hindi mo naman siguro gustong magpalipas ng gabi sa tabing-dagat?"

Buwisit! Sarap ne'tong ihagis at ilublob sa tubig. Naku, kung puwede lang talaga... 

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now