Part 7

1.1K 80 3
                                    

BUWISIT

Padarag na ibinato ni Hiro ang nilukot na tissue sa mesa sa loob ng bakanteng dining hall kung saan niya hinihintay ang babaeng pinadalhan niya ng mensahe. The girl was thirty-minutes late!

"Sir, gusto niyo bang ikuha ko kayo ng maiinom?" tanong sa kanya ng babaeng empleyado sa hotel na iyon. Kausap niya kani-kanina lang ang administrator para sa pagpili ng venue sa magiging reception ng kasal nila ni Rio. Nai-tawag na ng Tita Ivy niya ang gagawing preparasyon at pipili na lamang sila kung anong magandang lokasyon. Subalit halos umusok na ang smart phone niya sa kada-dial ay hindi pa rin sinasagot ng magaling na babae ang phone nito. Tumawag na siya sa landline sa mansiyon ng mga dela Cerzo at tanging katulong ang sumagot. Kanina pa raw nakaalis ang señorita nito.

"I don't need anything so stop bothering me," masungit na sagot niya. Agad na tumalilis paalis ang babae sa pagsinghal niya. He was actually nice with girls on the right mood. Pero hindi sa pagkakataong iyon na nasasayang ang oras niya. May naka-schedule siyang shooting ng isang commercial pagdating ng hapon. Subalit dahil sa labas ng Manila gagawin ang taping, ilang oras pa ang aabutin sa pagda-drive. He was very professional when it comes to his job. Lalong istrikto siya sa oras at alam iyon ng ilang celebrity na nakakatrabaho niya. Rio knew it very well when they had a chance to work together. Kahit sa mga bilang na dinner dates at family gathering ay parati itong nauuna sa kanya. Ano na naman ngayon ang drama nito?

Huminga siya ng malalim at matalim na nilingon ang entrada nang may pumasok doon. Sa wakas ay dumating na rin ang hinihintay niya.

"Nananadya ka ba, Rio? Sabihin mo lang kung ayaw mo nang ituloy 'to—"

"Sorry!" Hinihingal na naupo ito sa harap niya. Kumunot ang noo ni Hiro nang mapagmasdan ang dalaga. Kumakawala ang ilang hibla ng buhok nito sa pagkakapusod. Pawisan ang noo. Walang make-up. Gusot ang suot na blouse. Wala pa sa tamang hanay ang pagkakabutones ng ohales.

"Did you even bother to look at the mirror?"

"Ha?" Kumukurap na tumingin lang ito sa kanya. Ni walang kaide-ideya na tumubo na at namunga ang iritasyon niya sa pagiging late nito.

"Never mind," sarkastiko niyang gagad. "Bakit ka late? Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?"

Lumingun-lingon ito sa paligid. "I took a cab. Nakasagasa ng gradeschooler yung taxi na sinakyan ko. Tumulong akong dalhin sa ospital yung bata." Noon lang napansin ni Hiro ang bahid ng dugo sa braso ng babae maging sa harap ng paldang suot nito. "Thank god it's not serious. Just a few stitches on his wounded head." Nanginginig ang dalawang kamay nito nang dukutin ang smart phone sa shoulder bag. "I'm sorry, wala ako sa sarili ko sa loob ng ER. Iyak ng iyak yung bata. Hinintay ko pang dumating ang parents niya kaya nahuli ako."

"Bakit ka nag-taxi? Nasaan ang driver niyo? Nasa casa pa rin ba ang sasakyan mo? For God's sake! You just made me wait! Alam mo ba kung gaano ka-importante sa'kin ang oras ko?!"

Natigilan ito. Tumuon ang mga mata sa kanya. "Ipinaliwanag ko na ang dahilan. Kaya nga nagso-sorry ako, di ba?"

"That won't take back the time I wasted in here!" Pinukpok niya pa ang mesa.

Lumunok ito. "Are you even a human? I said I got into an accident."

"Anong malay ko kung totoo ang sinabi mo? Kung yung huling aksidente mo, palabas lang. Ano ngayon ang gusto mong isipin ko?"

"Jesus," she muttered. "Why would I lie? I can't even stop shaking up until now." Bumaba ang tingin nito sa mga nanginginig na kamay. "Stop tormenting me, please. This is too much." Pumanaog ito patayo pero nagawa niyang pigilan sa braso bago pa man makalayo.

"Saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan wala ka. Sa lugar kung saan puwede akong kumalma. Sa lugar na hindi kita maririnig o makikita."

Napatayo na rin siya. "Nakalimutan mo na bang hindi puwedeng ma-cancel ang appointment natin? My grandfather would confirm the hotel if we are able to get a reservation."

"That's why I drag myself in here. Kahit pa pakiramdam ko, tutumba ako ano mang oras. Pinilit kong pumunta dito kahit pa ang umuwi at magkulong sa kuwarto ang pinakanais kong gawin. I already gave my apology, what else do you want me to do? Do you want me to die? Then release me!" Hinila nito ang braso. "I'm gonna go and die."

Di niya ito pinakawalan. "Nasisiraan ka na ba ng ulo?"

"Oo! Malapit na akong masiraan ng ulo!" Bigla itong humagulgol ng iyak. "Look, I'm doing my best just to be able to face a jerk like you. Don't you have a bit of consideration?"

"Why are you crying?"

"Dahil ang sama-sama mo!" sigaw nito na may kasama pang pagduro sa dibdib niya. "Sarili mo lang ang iniitindi mo! I'm neither your slave or someone you can order around!"

Hiro felt the trembling of the girl while holding her arm. Tigmak sa luha ang dalaga sa kabila ng matalim na pagtitig sa kanya. Waring kinalabit siya ng sariling kunsensiya. Hindi niya maialis ang tingin sa mukha nito. Did he ever see her that way? Rio cried a few times in front of him but it never bothered him. 

There was no sincerity in her yelp back then. It was just a wailing of a spoiled brat. Pero sa pagkakataong iyon ay tila may naantig at nasagi sa loob niya. Damang-dama niya ang pinaghalong galit, takot, at sakit ng babaeng nasa harap niya sa mga oras na 'yon. 

"Sorry..." wala sa sariling bulong niya sa hangin. Isang salitang kailanman ay hindi narinig ng mga taong nakapaligid sa kanya. They were always the one who's saying sorry to him. It was their mistake. Apology was just a word. Galit siya sa mga taong nagkakamali dahil uyon ang kinalakihan niyang mundo. 

Hiro blinked then let go of her hand. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa lumabas sa sariling bibig. 

Iniiwas niya ang mukha at tinalikuran ito. "Go home." Nagmamadaling nilisan niya ang lugar.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"YOU'RE home, Ria." Umangat ang tingin ng dalaga mula sa binabasang magazine. Isang pamilyar na pigura ang namataan niyang papasok sa living area.

"Kuya Vinz." She stayed on her seat and just stared at her brother. Matanda ito ng limang taon sa kanilang dalawa ni Rio. But everybody in the family was aware that he's adopted. Her brother was pretty tall but lanky. May itsura subalit di ganoong kalakas ang dating tulad ng fiance ng kambal niya. 

Di nawawala ang salamin nito sa mata. May astigmatism kasi ang Kuya Vinz nila simula pagkabata. Hindi na naging normal pa ang vision at dumepende na lang sa corrective glasses. Sa kanilang dalawa ni Rio, mas naging malapit ito sa prinsesa ng pamilya. He took care of Rio like a precious gem. Naging sandalan ito ng kapatid niya—tigagawa ng research at projects, private tutor, confidante, at taga-pagtanggol mula sa mga pang-aapi niya. In short—a knight in shining armor.

Hawak ang attaché case, yumuko ito at hinalikan siya noo. "Welcome back."

"How's the company, Kuya Vinz?" kaswal na tanong niya. Ito ang tumatayong presidente ng Advertising agency ng pamilya nila. Kaagapay lang nito ang Papa niya na nananatiling creative director ng GBS.

"That would be up to you, Ria." Naupo ito sa tabi niya. "We are still hanging there. Kulang pa rin ang pondo para suportahan ang malalaking kliyente like SanMig Corporation and any other IT business. Pero magbabago ang takbo ng lahat sa oras na makuha natin ang suporta ng number one TV station at mga sikat na endorser sa bansa." 

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now