Part 3

1.3K 82 4
                                    

"ARE we calling off the wedding, perhaps?" Balewalang sinangga ni Hiro ang dulo ng baston na umigkas sa direksiyon niya. Ang blanko niyang ekspresyon ay unti-unting nauwi sa pagngiwi nang gumapang ang pamamanhid sa kanyang braso. "Ouch! Sh*t!" Tumayo siya at tumalun-talon habang hawak ang nasaktang kamay. Agad siyang dinaluhan ng katabing ina na si Doña Leticia.

"Papa naman!" ungot nito habang hinihimas ang braso ng anak. "Si Hiro ang kaisa-isang tigapag-mana niyo! Anong gagawin niyo kapag nabalian siya ng buto?"

"That damn brat is spewing nonsense under my nose!" sigaw ng matandang nasa sixties na ang edad. He was the epitome of every film makers and anyone who's submitted in entertainment industry in the country. Si Don Benigno Gustavo ang nananatiling CEO ng pinakamatagumpay na star production company at may-ari ng pinakasikat na istasyon ng telebisyon sa Pilipinas. Sa ilalim ng pamamalakad nito ay mahigit dalawampung taon nang namamayagpag sa takilya ang GBS o channel one.

"Magiging mahaba ba ang pag-uusap na ito? May meeting pa ako." Tumingin sa suot na relos ang ama niyang si Miguel Buencamino. Head news anchor ito sa karibal na istasyon. Di kaila sa pamilya ang nanatiling rift sa pagitan nito at ng kanyang lolo. Kulang na lang ay dalhin nito ang apelyido ng mga Gustavo nang pakasalan nito ang kaisa-isang unica hija ni Benigno Gustavo.

"Maupo ka, Miguel. Nakasalalay sa pag-uusap na ito ang kinabukasan ng nag-iisa mong anak," puno ng awtoridad na utos ng kanyang abuelo. Walang nagawa ang kanyang Papa kundi ang mapa-buntong-hininga at umayos ng upo.

"Talaga bang may taning na ang buhay niyo, lolo? Sa sakit ng hampas niyo, mukhang mas malakas pa kayo sa kabayo." Ang komento niyang iyon ay umani ng tawa ng pinsan niyang si Greg. Tumahimik lang ito nang sawayin ng Tita Ivy at Tito Larcel niya. Pamangkin ng kanyang lolo ang ama ni Greg na siyang tumatayong vice president ng GBS. Sekretarya naman ni Don Gustavo ang kanyang Tita Ivy.

"Nakakapagsalita ka pa ng ganyan, Akihiro! Hindi na ako nagugulat na di mo man lang nabisita miski isang beses sa ospital ang fiancé mo! You are such an inconsiderate brat," galit na turan ng kanyang abuelo.

"That bitch would live. That accident was just a show to gain more sympathy from the people. I guarantee it," balewalang tugon niya. Nagmamadali siyang umiwas nang muling sumuray sa hangin ang baston ng lolo niya. Nagtago siya sa likod ng umaaawat na ina.

"Anong itinawag mo sa mapapangasawa mo?!"

"Kayo lang naman lolo ang may gustong pakasalan ko ang babaeng 'yon! Mom hates her. Uncle and Aunt aren't favor to that side as well. Di niyo na kailangang hingin ang opinyon ni Papa dahil balewala iyon sa inyo. And Greg-"

"I like her face," putol ng pinsan niya sa kanyang sasabihin. "Sobrang telegenic. Pasalamat ka na lang 'insan at ang naging scholar ni lolo ay ang creative director at hindi ang head producer ng GBS. Kundi kay Peggy ka babagsak," tukoy nito sa matabang chef ng isang culinary show na naging classmate nila. Kaisa-isang babaeng anak ito ng kasalukuyang producer ng ilang mga palabas sa istasyon.

"You, traitor!" Akmang susugurin niya si Greg subalit malakas na tumama ang baston ni Don Benigno sa mesitang nasa gitna.

"Tumahimik ka Hiro!" Itinuro ng kanyang lolo ang iniwan niyang bakanteng espasyo ng sofa. "Bumalik ka sa pagkakaupo kung ayaw mong umuwi ng lumpo sa pad mo."

He took a sigh, scratched his head, then go back on his seat. Masamang ginagalit ang kanyang lolo at talagang hindi iyon magugustuhan ng sino man sa pamilya. Kahit nais niyang padapuin ang kamao sa pinsan niyang alam niyang tahimik na inaasar pa rin siya mula sa kinauupuan, pinilit niyang magpakahinahon.

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now