Part 42

1.2K 93 15
                                    

Nakapamulsang tumutok ang paningin nito sa larawang nasa harap nila. "It was just a hunch though at di 'ko alam kung aware si Hiro sa bagay na 'yon."

Interesadong pinakatutukan niya si Altair. "Tell me about it."

"Kilala mo ba ang bunsong anak ng mga dela Cerzo?"

"Rio's younger sister? 'Yong nalulong sa droga at ipinasok sa rehabilitation center sa ibang bansa?"

Tumawa ito. "That's the most foolish farce I've ever heard just to cover a university scandal. May mga estudyanteng nasangkot pero hindi lahat 'yon ay totoo. Gumamit ang mga magulang at guro ng ilang di kilalang pangalan para pagtakapan ang ilang estudyanteng may maganda at mataas na reputasyon sa paaralan. Inosente ang ilang na-kick-out."

"Totoo ba 'yan? Saan mo naman napulot ang impormasyong 'yan?"

"Kakilala 'ko 'yong isang reporter na nabayaran para isara ang bibig niya. Nadulas lang siya minsan sa'kin. We were covering a boring event and he spilled it accidentally. Pinakiusapan niya na lang 'kong huwag ipagkalat 'yon kapalit ng paglalahad niya ng kabuuang pangyayari."

Naguguluhang umiling siya. "And what it's got to do with the current Rio?"

"Yong isa sa mga pangalan na napatalsik sa eskuwelahan—Ria. Ria dela Cerzo."

"Yes. That's Rio's younger sister."

"Younger sister?" Tumangu-tango ito. "More like Rio's twin sister." Altairs eyes focused on Rio's picture and Dylan followed his gaze. "Two months ago, hindi ba't naaksidente siya kasama mo? Ni minsan ba nakita mo ng personal na ayos lang ang lagay niya? Kahit sa balita, hindi pinakita ang footage video niya sa mismong ospital kung saan siya naka-confine. Pagkatapos ng ilang linggo, bigla na lang siyang sumulpot na parang walang nangyari. Hindi ba't kaduda-duda 'yon?"

"So what are you trying to say, Altair?" Dylan knew that the guy was pretty smart. Di ito basta-basta maglalahad ng tsismis na walang basehan at katuturan tulad ng ilang mga paparazzi. Altair wasn't even a nosy person and a busybody to tell such lies. Wala itong pakialam sa showbiz dahil mas importante para dito ang dignidad sa trabaho.

"Hindi 'ko pa nakikita ng personal si Ria dela Cerzo pera nakita 'ko na 'yong picture niya sa isang highschool yearbook na hiniram 'ko sa pamangkin ko noong naghahanap ako ng mga prospect para maging modelo. At sasabihin 'ko sa'yo Dylan, para silang pinagbiyak na bunga ni Rio. Hugis ng mukha, tangos ng ilong, at kulay ng mga mata. Parehong-pareho."

"Of course, you said that they are twins!"

"'Yon na nga ang ipinupunto 'ko. Kambal sila kaya puwede ring pagtakpan nila ang isa't-isa."

Napamaang siya. "W-wait a minute. Sinasabi mo bang ang Rio sa kasalukuyan ay isang peke?"

Makahulugang ngumiti siya dito. "Para sa'kin hindi siya isang peke. She was just covered by the shadow of the original but she's definitely the real deal, Dylan. She will shine brighter than anyone. It's just unfortunate that all the credits she earns would go to an undeserving name."

Dylan shook his head. "No, hindi ako naniniwala. It's absurd!"

"The more absurd a thing is, the more reality connects. Well, it's just my hunch."

"Kung gano'n bakit hindi mo ipinaalam sa kaibigan mo?"

"Kay Hiro?" Again, he waved his shoulders. "Ayokong pangunahan ang relasyon nila at wala sa bokabularyo 'ko ang makialam sa buhay ng iba. Isa pa, gusto 'ko ang kasalukuyang Rio. Her personality isn't that bad. I don't hate girls like her. And she's a fortune to my career. I won't mind if she marry my friend and be with him for good."

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now