Chapter Thirty Two: Karylle

970 23 4
                                    

Karylle's POV

"Hmm.. not bad for today" sabi ni Billy habang binibilang ang kinita naming pera ngayong araw. Nandito kami ngayon sa bar. 

"Pero, ang ganda ng blending niyo ni Billy talaga e." sabi naman ni Jugs. Tumango naman si Teddy sa sinabi niya.

Nandito kami para kumanta. Nagkataon naman na nandito rin pala sina Teddy at Jugs. At ayan na nga kasalukuyan nilang binibilang ang perang nalikom namin.

"Huy Karylle magsalita ka naman! May problema ka na naman ano?" sabi bigla ni Teddy

"Ha? Wala. Wala."

"Si Vice at Anne na naman ba ang kasama mo kaya 'di ka nakasama sa kantahan natin kahapon?" tanong ni Billy sa'kin. Umiling naman ako.

"Hindi. May iba akong kasama. Si Angel." sabi ko at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. "Uhmm. Mauna na ako sa inyo ha" pamamaalam ko.

Wala kasi ako sa kondisyon para makipagkulitan sa kanila. Kung tutuusin, hindi nga rin sana ako pupunta ngayon sa kantahan, kaya lang, naisip ko rin na sayang naman yung kikitain lalo na't wala akong kinita kahapon dahil si Angel nga ang kasama ko.

"Ihahatid na kita" sabi ni Billy pero tinanggihan ko lang siya. 'Di naman na kailangan. "Sure ka? Umuulan eh"

"Okay lang ako Billy. Salamat nalang." walang kagana ganang sagot ko sa kanya.

........

Nang makababa ako ng taxi, si Vice agad ang sumalubong sa'kin na basang basa sa ulan.

"Vice? Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Pwede bang papasukin mo na muna ako bago ako magpaliwanag?"

...agad ko naman siyang pinahiram ng damit at twalya. Pinagtimpla ko pa siya ng tsaa. Hayy ayan na naman, palagi nalang ganito ang eksena namin. Nasiraan daw siya ng kotse sa may kanto kaya dito agad siya dumiretso. Malas nga lang niya dahil wala sina Zia at Coco ngayon dito, wala tuloy nagbukas ng gate para sa kanya. Napakalakas pa naman ng ulan.

"Salamat Karylle ha. Pasensya ka na talaga sa abala."

"Oo na. Palagi naman!"

"Karylle? Basa brief ko pahiram ako ng brief mo"

"Nabasa ka lang naman ng ulan 'di ka naman tumalon sa swimming pool." masungit na sabi ko at 'di siya nililingon. Ang kulit na naman kasi niya. Nakakainis.

"Basa kaya. Pakita ko sa'yo?"

"Tss."

"Karylle?" sambit ni Vice at nilapag sa mesa ang tasa ng tsaa. 

"Hmm?" nilingon ko na siya sa pagkakataong 'to. Ang kulit talaga e.

"Mahal mo ba ako?"

"Pu-"

"Huy! Magmumura ka na naman. 'Wag mo kasi lagyan ng malisya. Mahal mo ba ako?"

Napatingin ako sa kanya. Tuwing nalang nandito siya, parang may kakaiba sa kanya. Parang ang bait bait niya at seryoso. Pero.. ewan.. naguguluhan na rin nga ako.

"'Di pa ba kaibigan ang tingin mo sa'kin Karylle?"

Parang nung nakaraan lang, ako ang nagtanong niyan sa kanya. Hindi naman niya ako sinagot. Tapos ngayon, gusto niyang sagutin ko siya?

"Huy Karylle, ano?"

"Hmm.. Kai...bi...." sabi ko pero napatigil din, dahil sa totoo lang, naguguluhan na rin ako. 'Di ko naman kasi alam kung ano'ng laman ng isip ni Vice.

TwistedWhere stories live. Discover now