Chapter Twenty Eight: Someone

1.3K 31 6
                                    

Karylle's POV        

"Hey, ito na yung date na sinasabi ko ha. 'Wag ka na magexpect" narinig kong sinabi ni Anne kay Vice. Katatapos lang namin manood ng movie at hanggang ngayon, wala pa rin silang tigil sa pagtawa. 

Nakakainis naman kasi, horror sana ang gusto kong panoorin, nawala sa isip ko na 'di nga pala hilig ni Anne ang ganun. Si Vice naman, matatakutin din pala kaya ang nangyari, comedy ang pinanood namin at tawang tawa sila kahit na para sa'kin wala namang nakakatawa.

Sabay silang naglalakad ngayon at patungo na kami sa food court para makapaghapunan. Nauna na ako maglakad dahil nakakainis na silang dalawa.

"Uy bakit ang bilis mo maglakad? Selos ka na naman." sabi ni Anne at sinabayan ako bigla maglakad at inangkla ang braso niya sa braso ko. "Bakit ba 'di ka natawa dun sa movie? Promise pipilitin ko na manood ng horror for you"

Oo magkakasama kaming tatlo ngayon. Kaninang hapon pa kami magkasama, well of course kami lang ni Anne ang magkasama nung umaga dahil nandun kami sa bahay ko. Ewan ko ba! Kung tutuusin, dapat nga na ipagdamot ko si Anne kay Vice pero part of me thinks he's still a good friend. Wala naman sigurong masama kung magkalapit sila ni Anne.

........

"Hahaha oo nga ehh nakakatawa talaga yun at yung sa isa pa Vice! Yung sa part na tinanim nila yung mga buto tapos naging Plants Versus Zombies HAHAHA"

...at ayan na naman nandito na kami sa food court at kumakain pero tungkol pa rin sa movie ang pinaguuspaan nila.

"Blah blah blah"

"Ano na naman K? Nagseselos ka na naman?? Ihh ikaw lang love ko sweetie, lavs, honey"

""Di ako nagseselos Anne, naririndi ako sa usapan niyo"

"Ito kasing si k, parang tinulugan lang yung movie eh." sabi naman ni Vice na patawa tawa pa rin.

"'Di ako nakatulog, ang corny lang talaga."

"NAKAKATAWA KAYA!" sabay na sagot naman nila sa'kin.

"'Di ka pala mahilig sa comedy? Kami kasi ni Anne favorite talaga namin yun eh. Lalo na 'pag MMFF na, nako pinanonood talaga namin yung artsita na yun, paborito namin siya kaya sinisigurado talaga namin na makakapanood kami ng unang araw palang"

"Uhmm Vice, I don't think you should bring that up. Uhmm ano ba? Kumain nalang nga tayo" nakangiting sabi ni Anne at nagpatuloy nalang kami sa pag-kain.


Anne's POV

"Hey, sinong katext mo?" I asked Karylle because she's busy with her phone again. Samantalang kami ni Vice, kanina pa kami naguusap.

"Dessert guys gusto niyo?" Vice suddenly offered while lokking at us alternately.

"Sure! Basta ba libre mo eh" sabi ko naman.

"Oo nga libre ko nga. Ano tara?"

"Uhmm.. Anne, I have to go" Karylle said then stood up, so I did it as well.

"Sige, tara na."

"No Anne, it's okay but I really have to go ahead. Si dad kasi, nasa bahay alam mo naman na bihira na kami magkita nun." she said then came close to me

"You sure?"

"Yes. Vice, ihatid mo siya ha" she asked Vice who just nodded. 

"Bye sweetie, take care." I said then kissed her.

Twistedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن