Chapter Forty Nine: Decisions

1.4K 50 30
                                    

AN: I'm open for negative feedbacks hahaha.. pero guys guys guys, pakinggan niyo yung kanta kasi super ganda niyan. Distance - Jireh Lim


"Is love really sweeter and greater the second time around? Do you believe in second chances?"


"Do you agree that in the eyes of love we are all genderless? Do you believe that true love could only be found in same sex relationship?"


"Have you ever imagined yourself falling in love with the lover of your ex? Do you think HATRED could possibly turn into LOVE?"


"Ang gulo ang gulo gulo" sambit ni Vice habang nanglalakad nang pabalik-balik sa harapan ni Billy.

"Hoy Viceral! Nahihilo ako. Maupo ka nga."

"Eh kasi ang gulo e." sabi naman ni Vice at saglit na umupo sa tabi ni Billy. "Ikaw, ano ba sa tingin mo?"

"Love is genderless" singit ni Coleen kaya napatingin si Vice sa kanya.

"Love is genderless? So ano? Anne at Karylle forever ganon? Coleen naman eh. Akala ko ba boto ka sa amin ni K?"

"Relax bestie. Love is genderless, ikaw, lalaki ka, si Karylle isang out and proud lesbian.. so... "Love is Genderless""

Napangiti naman si Vice sa narinig niya mula kay Billy. Kilig na kilig.

"Isali niyo naman ako dyan" singit naman ni Teddy.

"Sige, ano'ng sagot mo?" tanong naman ni Vice.

""Love is sweeter the second time around". Kasi kung ako ang tatanungin, everybody deserves a second chance" nakangiting sabi naman ni Teddy na nakapagpakunot noo kay Vice.

"So.. kami ni Anne?" natatawang sabi ni Vice. "Second chance.. love is sweeter the second time around.. kami ni Anne!?"

"Bakit kayo ni Anne?" biglaang singit naman ulit ni Coleen. "Kung kayo ni Anne, eh 'di third chance na 'yon. Sino ba ang isang beses palang na naghihiwalay? 'Di ba si Anne at Karylle? Oh.. love is sweeter the second time around. Anne and Karylle" nakangiting sabi niya.

"Teka muna teka.. akala ko ba..." tila naiinis na sambit ni Vice pero pinigilan siya ni Billy.

"Bestie, sabi nga ni kuys Teddy, everybody deserves a second chance.. kaya ikaw at si Karylle, kahit na nagkasira na kayo, may chance pa rin. Okay?"

Napayakap naman sa tuwa si Vice kay Billy.

"Nako, bubuo kami ng loveteam. Ikaw ang president. Ito kasing si Coleen e. Ang labo eh.."

"Bakit ako? Basta for me.. it's Annerylle all the way"

"Yung pangatlo." biglaang sabi ni Karylle na kadarating lang.

Dirediretso siyang pumunta sa desk niya at ang mga kaibigan niya ay sinundan nalang siya ng tingin.

Natahimik nalang si Vice at saka inisip ang nais iparating ni Karylle. Oo nga naman, tama nga naman siya. It is possible to fall for someone you once hated."Hate could possibly turn into Love". Siya nga 'di ba? Galit siya noon kay Karylle pero ito siya ngayon, naghahabol sa kanya. Para ngang mala Disney's Maleficent na nga ang storya e. Nung una, paghihiganti lang naman ang nais niya. Pero sa paglipas ng panahon, natutunan niyang pahalagahan ang dating kinaiinisan niya. Ngayon pa, kung kailan huli na ang lahat. Huli na nga ba?

TwistedWhere stories live. Discover now