Special Chapter: Unreal 2.0

1.8K 31 2
                                    

[A/N: "Unreal 2.0" nope.. this has nothing to do with Chapter Eight. This is just a special chapter. Wala lang gusto ko lang maglagay ng special chapter sana magustuhan niyo.. xoxo :)) xx]

----------

~

#OMG

Ayoko nang pumara kahit san mapunta~ ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama..ayoko nang pumara ayoko nang pumara ayoko na ahh~

Yun ang pinatutugtog sa jeep habang patungo ang magbabarkada sa bahay ni Bryan para sa kaarawan nito. Nakaupo sa dulo si Karylle at kaharap naman niya si Anne na nasa kabilang bahagi ng sasakyan katabi ang mga best friends niyang sina Solenn at Georgina. Sa kabuuan, ay labimpito sila ngayon na nasa loob ng jeepney maliban syempre sa drayber.

        "Si Angel?" tanong ni Karylle nang mapagtanto niyang kulang ang barkada ni Anne. Nasanay na kasi si Karylle na palaging kadikit ni Anne sina Solenn, Georgina at Angel. "May sakit eh." simpleng sagot ni Anne at sinalampak ang earphones sa tainga niya. Si Karylle naman ay pinipilit magtext sa kabila ng maalog na pagandar ng jeep. Pasulyap sulyap si Karylle kay Anne tila ba may inaalala.

Flashback

2 months ago...

at 70's Bistro

        "Thank You" sabi ni Nikki at ang lahat ng tao sa paligid ay pumalakpak na. Kaya naman umalis na sila sa stage at dali-daling lumapit sa pinaroroonan ni Billy.

        "Hi babe!" bati ni Nikki sa kasintahan at sinalubong ito ng halik. "Hi girl! How are you?" bati naman niya sa babae na kasama ng nobyo niyang si Billy. "Hi ang gagaling niyo." sagot naman sa kanya ng babae at bumeso sa kanya. "So Anne, where's Vice?"

        "Ah, wala eh. May lakad kasi siya ngayon kaya 'di makakapunta."

        "Sayang naman, ang tagal ko na din siyang 'di nakita.. Gaano na nga kayo katagal?"

        "We just celebrated our first anniversary last January." sagot ni Anne at ngumiti

        "Well that's nice naman. Oh! I almost forgot, Mga co-singers ko nga pala, this is Zia, and this is Karylle" pagpapakilala ni Nikki sa mga kasamahan at nakipagkamay naman sila agad sa isa't isa.

        "Hi ate, ang ganda mo!" bati ni Zia kay Anne 

        "Aw. Thank you! You're beautiful too" nakangiting sagot naman ni Anne kay Zia at tiningnan naman si Karylle. "Akala ko kanina lalaki ka e. Until you started to sing. Ang ganda ng boses mo! I wish my voice are like yours" sabi ni Anne at tumawa. Nakitawa na rin si Nikki at Billy sa kanya habang si Karylle at Zia ay nginitian lang siya.

         "Actually, matagal na kami magkakilala ni Karylle, we are college friends" singit naman bigla ni Billy. 

        "Kaya nga ang laki ng pasasalamat ko dito kay K, dahil 'di ko makikilala si Billy kung 'di dahil sa kanya" sabi naman ni Nikki at yumakap sa kasintahan habang nakatingin kay Karylle. "At, ito namang si Anne, girlfriend siya ni Vice na bestfriend ko naman. Sayang nga e. Gusto ko sana siya ipakilala sa inyo." sabi naman ni Billy kina Zia at Karylle. "Oh wait, kumain na kaya muna tayo, or drinks? ano bang gusto niyo?" sabi ulit ni Billy at nagsimula na sila maglakad ni Nikki para humanap ng mauupuan.

        "Why?" tanong naman ni Anne nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si Karylle. Umiling naman si Karylle at saka nagsalita. "Uhm. Nothing. You... you look familiar" nahihiyang sabi niya bago tuluyang inalis ang tingin kay Anne at sinundan na sina Billy.

TwistedWhere stories live. Discover now