Chapter Eighteen: Complicated

1.4K 35 4
                                    

Kasalukuyang nakahiga lang si Karylle sa kanyang kama nang bigla niyang marinig ang pagbukas ng gate, agad siyang tumayo para sumilip sa bintana ng kanyang kwarto at nakita niyang nagpapaalam na si Vice sa kapatid niyang si Zia. Nakatigin lang siya kay Vice hanggang sa makapasok na ito ng kotse.

"Thank you" sambit ni Karylle habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Vice na palayo nang palayo sa bahay nila.

........

Nang makauwi si Vice ng bahay, minabuti niyang 'di na muna siya kaagad bumaba ng kanyang sasakyan. Binuksan niya na muna ang kanyang phone para naman pumasok na ang mga text messages na dapat natanggap niya na kanina pa.


Sms from Coleen

Kuya Vice, tawagan mo daw si ate Anne

-

Tawagan mo na si Ate Anne.. si Billy kasi ako ang kinukulit

-

Si Anne kinukulit si Billy, si Billy ako kinukult >_< nagagalit pa sa'kin :(


Sms to Coleen

Sorry, nakapatay kasi phone ko kanina e. yaan mo, ako na kakausap kay bestie. Pasensya ka na sa abala ha?


Sms from Jhong

Vice asan ka?

-

Sama ka ba sa'min?

-

Naisip ni Vice na sagutin ang message ni Jhong pero dahil nga hapon pa ang text na 'yon at magaalas-nueve na ng gabi ngayon, ay naisip niya na baka nakauwi na ang mga kaibigan niya kaya 'di na siya makakahabol kung nasaan man sila ngayon.


Sms from +6399*******

I'm here outside your house, waiting for you.


Kaagad naman na tumingin si Vice sa harap at nakita ang isang Audi A3 na kulay pula na nakaparada sa tapat ng bahay niya. Bumaba siya ng kotse at lumapit sa may driver's seat, nadatnan niya doon si Anne na natutulog habang nakanganga at nakababa ang binatana ng sasakyan. Napangiti naman si Vice at dali daling kinuha ang phone niya para kuhanan ng letrato ang natutulog na si Anne. Ngiting ngiti naman si Vice kay Anne habang kinukuhanan niya 'yon ng letrato

Napadilat naman agad si Anne matapos siyang kuhanan ng letrato ni Vice dahilan na rin siguro ng flash ng camera.

"Vice?' sambit niya at agad na bumaba ng kotse habang si Vice naman ay 'di lang siya pinansin at akmang papasok na ng gate. "Vice, wait" sambit muli niya at hinawakan ang kamay ni Vice dahilan para huminto ito sa paglalakad.

Napatingin naman si Vice sa kamay niya na ngayon ay hawak ni Anne. Napangiti siya, tila ba batang kinikilig dahil hinawakan siya ng taong gusto niya. Napansin naman agad 'yon ni Anne kaya binitiwan niya si Vice.

"Anne-" panimula ni Vice "Ilang beses ko bang sasabihin, wala nga akong—"

"-at ilang beses ko din bang sasabihin sa'yo Vice, wala akong pakialam kung sasabihin mo kay Karylle yun! At ayan ka na naman e, dahil lang may kasama ako, nagiisip ka na naman ng kung anu-ano! Ganyan ba talaga kadumi tingin mo sa'kn?"

"So..sorry" sinserong sambit ni Vice. Alam naman niya sa sarili niya na wala siya sa lugar para maghinala, husgahan si Anne o kung ano pa man.

TwistedWhere stories live. Discover now