Chapter Thirty Four: Confusions

1.1K 26 3
                                    

"Ang ganda talaga ng blending niyong dalawa!!" bati ni Coleen kina BIlly at Karylle nang makababa sila ng entablado.

Sinalubong niya agad ng yakap si Karylle at sabay sabay silang umupo. Walang tigil naman ang pagpuri sa kanila ni Eric at Teddy habang si Vice naman ay nanatiling tahimik lang at nakatitig sa baso niyang puno pa rin ng alak.

Narito sila ngayon sa bar na pinagkakantahan nga nina Billy at Karylle. Masaya naman ang dalawa lalo na't sinusuportahan talaga sila ng mga kaibigan at kahit pa may pasok kinabukasan ay magkakasama pa rin sila na nagiinuman sa naturang bar.

"Oy painumin niyo na 'yang sina Billy at Karylle, ang daya eh. Kanina pa tayo nagiinuman tapos sila wala pa." sabi ni Teddy

"Oo nga oo nga, bottoms up guys!" sabi naman ni Eric. 

Iinom na sana si Karylle nang bigla nalang siyang hawakan ni Vice sa braso at nakatingin sa kanya nang masama

"Halika nga dito!" sabi bigla ni Vice at hinila siya palayo sa mga kaibigan nila. Narinig pa nga ni Karylle ang pagtawag sa kanila ni Eric ngunit hindi nalang ito pinansin ni Vice at patuloy na lumayo sa kinalalagyan nila.

"Bitiwan mo nga ako!" sigaw ni Karylle at hinila ang braso niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Vice. "Ano na naman bang problema mo ha!?"

"Ahh.. matapang ka na ha!" sabi ni Vice at muling hinawakan ang magkabilang braso ni Karylle pero kumalas lang ulit si Karylle at tiningnan rin nang masama si Vice na para bang pinapakitang hindi siya takot dito

"Alam mo ikaw! Ang landi mo ano?" sabi bigla ni Vice habang dinuduro si Karylle

Napakunot noo naman si Karylle sa sinabi ni Vice habang si Vice naman ay nakatingin pa rin nang masama kay Karylle

"Ano bang problema mo Vice?" malumanay na tanong ni Karylle na bahagyang nakaramdam ng takot dahil sa pagtitig ni Vice sa kanya.

"Akala ko ba tibo ka? Sabi ko naman sa'yo, magpagupit ka na ulit. Mas okay pa yung gupit mo dati e. Bakit ka ba nagpapahaba ng buhok? Sinabi ba ng girlfriend mo? Sinabi ba ni Billy? ANO!?"

Napakunot noo na naman si Karylle dahil 'di niya alam kung saan patungo ang pinagsasasabi ni Vice sa kanya.

"Okay fine! Didiretsuhin na kita, para saan ba yun ha? Magkakantahan nalang may paglapit mukha pa kayong dalawa ni Billy."

Natawa naman bigla si Karylle nang dahil sa sinabing 'yon ni Vice. Naisip kasi niya na kaya ganoon nalang kung mainis si Vice sa kanya ay dahil sa pagaakala nito na nagiging taksil siya kay Anne. Alam naman kasi ni Karylle na palagi namang konektado si Anne sa kung ano mang inuugali ni Vice.

"HUY ANO!? KARYLLE, Alam mong-"

"Vice, for show lang yun, syempre dagdag rin sa kita namin yun 'pag nagustuhan ng audience kaya dapat may konting paandar, tsaka kung magpopormang lalaki ako dito, mahirap na baka maubusan ka ng chics lahat kasi sa akin pupunta" biro niya para mabawasan sana ang tensyon sa pagitan nila ngunit tila lalo pang nainis si Vice. 

"Karylle, Alam mong may gusto sa'yo si Billy 'di ba?" seryosong sabi ni Vice. Natuwa naman si Karylle sa pagaakalang nagmamalasakit si Vice sa damdamin ng bestfriend niya

"Ano ka ba, alam naman ni Billy na for show lang yung sa amin. At saka ang alam ko meron na siyang ibang gusto, ang alam ko nga eh-"

"KARYLLE!" sigaw niya sabay tulak kay Karylle sa pader. Napapikit pa si Karylle dahil medyo nasaktan siya sa pagtulak sa kanya ni Vice. Kinabahan pa ito at halos 'di makatingin nang diretso sa kanya.

TwistedWhere stories live. Discover now