Chapter One: How It Started

4K 65 11
                                    

Let me introduce myself first, I'm Jose Marie Borja Viceral. My friends simply call me 'Vice'.

Wala na 'kong ama matagal na siyang namayapa, habang ang ina ko naman ay nasa Amerika at doon na namuhay kasama ang mga kapatid ko. Ako? mas pinili ko manatili sa Pilipinas at dito makipagsapalaran sa kabila ng mahirap na buhay dito. Dito kasi, walang magingialam sa akin. Pwede kong gawin ano man ang gustuhin ko. Walang magbabawal dahil lahat naman ng kamag-anak ko, malayo sa akin.

Pero ano pa nga ba? Nagkaroon naman ako ng maayos na buhay at isa pa, maganda rin naman ang posisyon ko sa trabaho. Siguro nga dahilan na rin na isa kasi sa malapit na kaibigan ng pamilya namin ang may ari ng kumpanyang yun. Ang Aquino Family. Pero alam kong nakatulong din naman ang pagsusumikap ko para marating ko ang kinalalagyan ko ngayon.

........

"Wooh! Wala na talagang mas sasarap pa sa Saturday night kasama ang barkada" sabi ni Vhong

"At hindi lang yun ang nakapagpasaya ng gabing 'to. 'Di ba Viceral?" sabi naman ni Jhong 

Nandito ako ngayon sa isang bar sa Timog. Kasama ko ang mga highschool bestfriends ko na sina Jugs, Ferdinand at Virgilio. Pero tulad ko, ayaw din nila na tinatawag sa mga pangalan nila. Mas gusto ni Ferdinand na Vhong ang itawag sa kanya habang si Virgilio naman ay Jhong. Matagal na kaming magkakaibigan, natapos kami ng highschool at college na kami ang magkakaramay. At ngayong nagtatrabaho na kami, wala pa ring nagbago, silang tatlo pa rin ang kasama ko sa hirap at ginhawa lalo na pagdating sa kalokohan at syempre, sa usapang panlalaki.

Ito na ang nakagawian naming magkakaibigan, ang gumimik every Saturday night. Minsan, tumatambay kami sa bahay ng isa sa amin pero kadalasan, nagpupunta kami sa bar o club at nagsasaya.

Masasabi kong, pagdating sa trabaho, pamilya at kaibigan, seryoso ako. Pero sa pagibig? Isang malaking kalokohan yan. I play around with girls. Kaming apat na magkakaibigan, nakasanayan na namin na tuwing magpupunta kami ng bar, kanya kanya kami ng pinapamalas na diskarte para makakuha ng babae. Minsan pa nga, nagpapaunahan pa kami.

Si Jugs, kadalasan, nakukuha niya ang mga babae dahil sa pagkanta niya at pagiging maalam niya sa pagtugtog ng gitara at drums. Si Vhong at Jhong naman ang mananayaw sa grupo. Minsan hahataw lang sila sa dance floor at nakakakuha na agad sila ng babae. At ako? 'Di ako kasing galing sumayaw nila Jhong at Vhong o kasing galing kumanta at tumugtog ni Jugs, aminado ako dun. Pero kung paano 'ko nakukuha ang mga babae, simple lang.. 'Charm' . 

Wala akong sineryosong babae. Masaya na ako sa ganito, they will like me, I'll take them out on a date, they will become my girlfriend and I'll just get what I want and then that's it! Doon na matatapos ang pakikipagugnayan ko sa kanila. Well I guess I made myself clear in saying that "I'll get what I want" 'Di ko na problema kung mahulog ang loob nila sa akin. Basta ako, wala lang 'to kung 'di isang laro at wala kang ibang dapat gawin kundi magpakasaya. 

 ........

"Masyado yatang lumilipad ang isip mo ahh" sabi ng babae na nasa tabi ko at yumakap sa akin.

"'Di naman, sorry" sabi ko dito at hinalikan ito sa leeg

Naramdaman kong nagugustuhan niya ang ginagawa ko. Ngumiti lang ako at bumulong sa kanya. 

"Iniisip ko kasi kung ano'ng gagawin natin mamaya" I seductively said.

Napangiti naman ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Uminom muna ako at tumingin sa paligid, napansin kong nawala na pala sina Jugs, Vhong at Jhong sa table namin.

Maya maya pa'y lumapit sila ulit sa table namin pero sa pagkakataong ito, anim na sila. Tss.. ano pa nga ba? Nakapaghakot na ng chics.

"Oy! ano Viceral, mukhang nageenjoy kayo dyan ah?" sabi sa akin ni Jugs na nakaakbay sa babaeng kasama niya

TwistedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant