Chapter Fifty: How It Ended

1.1K 40 4
                                    

Vice's POV


Is love really sweeter and greater the second time around? Do you believe in second chances?


Do you agree that in the eyes of love we are all genderless? Do you believe that true love could only be found in same sex relationship?


Have you ever imagined yourself falling in love with the lover of your ex? Do you think HATRED could possibly turn into LOVE?


One thing is for sure. Love is really that complicated


It's been six months mula nung umalis siya. Oo, mas pinili nga niyang lumipad patungong France para kay Anne. I had no choice but to let her go. I've learned my lesson. Alam kong mali na ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa taong 'di naman ako kayang mahalin pabalik. The last time I fight for the girl I love it just turned into a mess so this time I know what to do.

Naalala ko pa nga kung ano yung eksaktong kinahantungan ng paguusap namin noong gabing iyon.


"Are you flying to France for her? Or are you willing to take a chance on me?"

"Vice.. kasi.." naluluhang sambit ni Karylle sa akin. Huminga siya nang malalim at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm sorry but no."

Nagpatango-tango nalang ako at saka tumayo na. Gusto ko sanang magsalita pero wala akong ibang nagawa kung hindi ilagay sa palad ko ang singsing, napayukom ako at sinuntok nang napakalakas yung pader. Hindi ko alam, ginusto kong sumigaw pero walang tunog na lumalabas sa bibig ko. Gusto kong umiyak ngunit walang luha na lumalabas mula sa mga mata ko.

"Vice..sorry. Nabibilisan ako sa mga pangyayari.. naguguluhan.. para kasing-" sambit niya. Nilingon ko naman siya at pilit na ngumiti.

"Okay lang. Karylle, wala kang dapat na ipaliwanag. Again, it's just a matter of yes or no.... You're good to go" sabi ko at saka tumalikod na sa kanya. Ayaw ko na kasi e. Nasasaktan ako.

"Thank you. Thank you Vice." pinipigilan ko lang na umiiyak. Katunayan, hinihintay ko siya na yakapin ako pero wala, hindi nangyari.

"Kailan..mo.. plano umalis?" tumingin ulit ako sa kanya pero nagaalangan siyang magsalita pero bakit ko nga ba tinatanong pa? Alam ko naman na aalis siya agad agad. Nagpailing-iling nalang ako at saka muling nagsalita. "Karylle, sakaling wala ka nang Anne na mabalikan. Tandaan mo, nandito ako. Mahal kita"


Anim na buwan. Sa loob lang ng panahon na 'yan, marami na ang nabago. Nakakasama na ulit namin si Vhong sa mga inuman. Oo, nagkaayos na nga kami sa wakas. Walang nagbago, solid friends nga kami 'di ba? Buo na ulit ang barkada. Ako, si Jugs, Jhong at Vhong. Kung mayroong mang pinagkaiba ang samahan namin noon sa ngayon yun ay lahat kami 'di na paibaiba ng babae. Si Vhong, kasama lagi si Angel, si Jugs naman kasama si Andie habang kami ni Jhong, parehong wala. Masaya na kami na masaya na ang mga kaibigan namin sa kasalukuyan nilang kasintahan.

Si Billy na ang department head namin. Napromote kasi si Miss Kris kaya si Billy rin, tumaas ang posisyon. Si Coleen, Teddy at Eric, wala ganun pa rin magkakaibigan pa rin kaming lahat at sila pa rin ang nakakasama ko tuwing break time ang pinagkaiba lang, mas umikli ang daldalan namin tuwing lunch.

Isa lang naman ang 'di pa rin nagbabago eh. Yung nararamdaman ko kay Karylle. Kumusta na nga kaya siya? Wala na akong naging balita sa kanya mula nang nilisan niya ang bansa.

TwistedWhere stories live. Discover now