Chapter Thirty Seven: Betrayal

1K 30 3
                                    

Vice's POV

"Titig na titig ah" sabi ni Coleen habang tinititigan ko si Karylle. Nilingon ko bigla si Coleen na nakangiting nangiintriga sa akin.

Paano ba namang 'di ko mapapansin si Karylle. Kakaiba siya ngayon, parang sobrang lungkot niya tingnan. 'Di pa rin ba sila nagkakaayos? Nakakainis lang isiping ako na naman ang dahilan ng awayan nila. Kahit na ayaw ko, doon at doon pa rin mapupunta. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito, sana pala 'di nalang ako nakipagkaibigan ulit kay Anne.

"Hello.. Vice! Nakikinig ka ba?" sabi ni Teddy.

"Ha? Ahh.. ano nga 'yon?" tanong ko dahil 'di ko naintindihan ang sinabi ni Teddy.

"Sabi ko, sasama ka ba mamaya, may kanta kasi si Karylle e. Si Karylle lang, hindi sila duet ni Billy pero syempre pupunta kami. Ano sama ka ba? Kaso nga lang sa ibang bar ang kanta niya eh.. sa may Mandaluyong.. ano game ka ba?"

"Ahh ehh.." pagaalangan ko, baka naman kasi ayaw ako ni Karylle doon. "Okay lang naman kaso kasi, magoovertime ako e. May tatapusin pa kasi ako. Pero.. try ko sumunod."

"Vice, kung susunod ka, siguraduhin mong 'di siya sasama" seryosong sabi nI Karylle. Nilingon ko siya at halatang seryosong seryoso siya.        

"Sinong siya?" tanong ko pero 'di niya ako sinagot at bumalik lang siya sa pwesto niya. Bakit ba naman kasi ako nagmamangmaangan? Eh halata namang si Anne ang tinutukoy niya.

"Alam mo bang sa amin nakitulog si K kagabi?" sabi ni Coleen at tumabi sa akin. "Iyak nga nang iyak eh"

Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang magkwento si Coleen. Alam ko kasing may kinalaman ako sa awayan nila. Bigla namang may tumawag sa akin at syempre't agad ko iyong sinagot.

"Hello kuya Vice? I have a good news for you" bungad ng lalaking kausap ko

"Ano yun?"

"Hiwalay na raw si ate Anne at K!" masayang sabi niya. Ako naman, nagulat at napalingon kay Karylle na nagpapakasubsob sa trabaho. Bakit ganun? Parang imbes na matuwa ako sa narinig ko, parang nasaktan pa ako. "Uy ano kuya Vice? O ehh at least break na sila 'di ba? Kaya nga lang-"       

"You know what Sam? Wala akong pakialam sa binabalita mo. Sige na bye!" sabi ko kay Sam at binaba na ang telepono. Ewan! Kahit na gusto kong matuwa na tinutulungan niya ako kay Anne, naiinis ako ngayon. Nakakapanginit ulo. Kung ganon, naghiwalay na pala sila, kaya pala sobrang lungkot niya ngayon.

........

"Oo katatapos ko palang dito e. Papunta na ako dyan. Nakakanta na ba si K?"

"Okay sige. Hindi pa naman kaya dalian mo! Ingat bye" sabi ni Coleen at saka na binaba ang telepono. 

Nagmamadali akong pumunta sa kung nasaan ang sasakyan ko pero napatigil ako nang makita ko ang babaeng nakasandal sa pinto ng sasakyan habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Anne?" sabi ko at saka ko siya nilapitan. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

"You're going to where K is right?" 

"Ha... ahh ehh.. hindi, bakit naman? Pauwi na ako e" pagdadahilan ko.

Ayaw ko naman kasing malaman niyang doon nga ako pupunta dahil ang sabi sa akin ni Karylle, 'wag ko siyang isama.  

"Stop with the lies Vice. Ihatid mo ako kung nasaan si Karylle" sabi niya at hinablot ang susing hawak ko at agad na pumasok ng sasakyan. 

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na rin ng sasakyan. Mukhang wala na yata akong magagawa.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon