Chapter Forty Two: Shattered

1.3K 34 32
                                    

[AN: Okay.. expect for faster transitions but longer UDs]


Vice's POV

Hindi ako makatulog! Kanina pa 'ko paikot nang paikot dito sa kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Masyadong maraming gumugulo sa isip ko. Una, yung sa amin ni Anne, pangalawa yung bigla nalang na nalaman ni Anne yung sa amin ni Sam at...yung kay Vhong! 

Parang 'di ko yata kakayanin ang mga rebelasyon! Kaaamin ko palang kay Anne na nakikipagtulungan ako kay Sam tapos bigla nalang na malalaman ko na trinaydor ako ni Vhong. Oo alam kong sinabi niyang hindi niya ako trinaydor, pero hindi e. Pakiramdam ko talaga, trinaydor niya ako.

Oo nga't tama nga naman siya sa 'pag sabi na ako at ako lang ang dahilan kung bakit tuluyang nawalan ng tiwala sa akin si Karylle. Kung tutuusin, nakakatuwa nga't pinili pa rin akong pagkatiwalaan ni Karylle sa kabila ng lahat. Kung ako siya, hindi ko pagkakatiwalaan ang isang Jose Marie Viceral dahil unang una, ex boyfriend lang naman siya ng nagiisang dyosa na si Anne. Maliban doon, maraming marami pang dahilan, maraming maraming rason kung bakit hindi. Pero hindi ko alam kung sadyang mabait lang ba talaga siya o nagpapakatanga at pinagkatiwalaan niya pa rin ako.

Tinanong niya ako noon kung mapagkakatiwalaan niya ba ako isang araw habang nagiinuman kami sa bahay ni Eric, narinig ko iyon. Malinaw na malinaw ang pagkakatanong niya ngunit pinili ko lang na 'di sumagot. 'Di ko kasi alam noong mga panahon na 'yon kung ano ba ang mas matimbang, yung pagkakaibigan namin o yung gusto ko? Eh teka, ano nga ba ang gusto ko? Hindi ko na nga rin alam.

Gumulo na nang gumulo lalo na nung nalaman kong may kinalaman pa si Vhong sa mga nangyayari. Ano ba talagang namamagitan sa kanila? Ni minsan, 'di ko nakita si Vhong na nagmalasakit na kahit sino. Isa lang naman ang kongklusyon ko e, hindi kaya.... si Karylle yung sinasabi noon ni Jhong na nililigawan raw ni Vhong? Kung 'di ako nagkakamali, humigit kumulang isang buwan na nga raw niyang nililigawan yung babae at.....at may karelasyon siya...

Napabalikwas ako sa kama nang mapagtagpi-tagpi ko ang lahat. Tama! Si Karylle nga siguro yung sinasabi niyang niligawan niya at may kasintahan! Paanong hindi? Eh noong tinanong ko siya noon kung babae rin ba ang karelasyon nung babae, wala akong sagot na nakuha sa kanya. Pero...paano namang nangyari 'yon? Ang gulo!!!

Humiga nalang ulit ako sa kama nang bigla na naman akong may naalala. Si Anne! Hindi ko na siya naisip matapos namin magusap ni Vhong! Hay VIce bakit ba ang tanga tanga mo?

Sms to Anne loves

Hey! Sorry kung ngayon lang ako nakapagtext, I hope you're home already... sorry.

Matutulog na sana ako pero 'di ko naman inaasahang sasagot pa si Anne sa mensahe ko sa kanya.

Sms from Anne loves

Kanina pa 'ko nasa bahay. Bakit gising ka pa? Still can't get over of what happened earlier?

Sms to Anne loves

Actually oo. Hindi ko nga rin alam Anne eh. Sobrang ang gulo gulo na. 

OO nga pala, nakapagusap na nga kaya sila ni Karylle kanina? Hayy bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Nung kaninang nilapitan siya ni Karylle, parang gusto kong lumapit at pagalyuin sila kung 'di lang ako pinigilan ni Vhong..pero 'pag kasama ko naman si Anne, hindi rin kumpleto. Noong si K naman ang kasama ko, wala akong ibang naiisp kung 'di si Anne! HAYYYY!!!

Pero...yung mga mata ni Karylle kanina.. halatang halata na sobrang lungkot niya. Kasalanan ko 'to eh.. hindi hindi! Ano bang sinasabi ko? Kasalanan niya, kung 'di siya nangialam sa amin ni Anne noong una palang eh 'di sana... hay mali mali! bahala na nga!!

TwistedWhere stories live. Discover now