Chapter Twenty Seven: Monthsary

1.2K 33 4
                                    

[AN: Eh kasi nga sabi ko, ViceAnne, Annerylle Vicerylle fanfic 'to ehh.. Kaya paghandaan niyo na yung mga susunod na chapters ^_^]       


"We're almost there..."

"Ano ba kasing meron?"

"Just trust me on this K" sabi ni Anne habang inaalalalyang maglakad si Karylle patungong kung saan. "And.... here we go!" she happily shouted, and with that, she removed Karylle's blindfold.

"WOW" it took a while before Karylle managed to say that word. She examined  every corner of the place where they are at this very moment.

"Nagustuhan mo ba?" napatango nalang si Karylle bilang kasagutan sa katanungan ni Anne.

Nandito sila ngayon sa isang private resort sa Batangas at alam ni Karylle na hindi basta basta nakapapasok ang kung sino sino doon dahil nga pribado iyon at ang mga kilala at tanyang na personalidad lang ang nakakagamit ng lugar na iyon.

Talaga namang napakaganda ng lugar at 'di maipaliwanag ni Karylle kung ano'ng nararamdaman niya ngayon. Ang alam lang niya, at ang alam nilang dalawa, masaya sila dahil magkasama sila ngayong espesyal na araw sa buhay nila.

At sinimulan na nilang libutin ang kabuuan ng lugar, panay ang kuhaan nila ng letrato at panay din ang tawanan nilang dalawa. Palubog na ang araw at talaga namang sinulit nila ang ang araw na iyon para sa kanilang monthsary. 

Umaga nang magtungo si Karylle sa bahay ni Anne para magsalo sila sa agahan. Syempre pa't si Karylle ang naghanda ng makakain nila. Matapos noon, ay agad naman na nagayos si Anne ng kanyang sarili para makalabas naman sila ni Karylle. 

Nanood ng pelikula, nag-shopping, naglibot sa mall, nagkulitan, nagtawanan at kung anu-ano pa. Iyan ang mga ginawa nila sa buong araw. Syempre naman at 'di nawala ang sorpresa ni Karylle kay Anne na isang set ng alahas na matagal na nitong pinapangarap. 'Di rin naman nawala ang dati nang ginagawa ni Karylle na pagbibigay ng bulaklak at cake sa girlfriend.

Matapos ang paglilibot nila at kung anu-ano pa sa naturang resort, dinatnan na rin sila sa wakas ng gutom. 

"Tara kain na tayo" pagaaya ni Anne at tumayo na mula sa reclining chair. Tumango naman si Karylle at sinundan si Anne hanggang sa makapunta sila sa tapat ng pinto kung saan naroon ang kakainan nila.

"Wait. May naiwan lang ako sa kotse. Mauna ka na pumasok." sabi ni Anne kay Karylle at dali daling tumakbo palayo. Si Karylle naman ay sinundan muna siya ng tingin bago siya tuluyang pumasok ng kwarto.

Nang makapasok si Karylle, nagtaka siya dahil medyo madilim ang lugar. May kaunting liwanag lang na nanggagaling sa gilid ng kwarto ang naroon. Ikinagulat naman niya nang biglang lumiwanag sa may harapan niya kaya agad na nabaling ang atensyon niya sa tinatapatan ng ilaw, isang white screen na nasa stage.

"Anne!?" she called out because she knew she's the reason behind this.

...and the music started playing, it doesn't have any lyrics at all but merely just a melody. A melody pleasant to Karylle's ears. She smiled as a slideshow started playing through the white screen. Several pictures of her with Anne were projected. She smiled as she remembered every memory they have in each pictures shown.

"Nang kita ay makilala, napatulo ang laway ko...Binti ko ay nangatog..ako'y sumemplang at nauntog" at nagsimula na ngang kumanta si Anne matapos ipakita ang slideshow ng pictures nila.

Nakangiting nakikinig lang si Karylle sa pagkanta ni Anne sa kanya, 'di rin naman kasi niya inaasahan ang ganitong klaseng sorpresa mula kay Anne.

"Tinamaan na ako.. walang hiya ka kupido~"

TwistedWhere stories live. Discover now