Chapter Eight: Unreal

2.2K 51 2
                                    

Vice's POV

Tanghali na nang magising ako at karamihan sa mga kasamahan ko ay nageenjoy na kakaswimming sa infinity pool. Agad naman akong nagtungo sa kinaroroonan nila at humiga sa reclining chair.

I'm just wearing my sunnies, a white sando and a floral short. Pinanood ko lang sila habang nags-swimming.

"Uy Viceral, ikaw? 'di ka pa ba lalangoy? Ang init dito!" tanong ni Billy at umupo sa katabing upuan kung saan ako nakahiga

"Mamaya maya nalang" 

"Okay. Kukuha lang ako ng maiinom ha! gusto mo ba?"

"Hindi na."

I was just looking at my colleagues when suddenly, somebody stood up and walked away from the pool. Wow! She's so sexy! I removed my sunnies to have a better view. She looks damn sexy with her loose white shirt. Damn it! Bakit ka TOMBOY!!?

"Huy ano'ng nagyari sa'yo?" sambit bigla ni Billy

"Wal... wala! sabi ko ikuha mo ako ng juice.. bilis!"

"Sabi mo kanina hindi na?"

"BILISAN MO! IKUHA MO AKO NG JUICE ANG INIT!!!!!!!!!!!!"

"Sabi ko nga, eh pa'no tirik ang araw tapos ayaw mo magswimming.." sabi ni Billy at agad na tumakbo palayo sa akin.

Hinubad ko ang sando na suot ko at tinaklob sa mukha ko para 'di ko siya makita. Damn seriously she's so sexy with that shirt. Natutusta na yata ang utak ko sa sobrang init ng araw!

........

"Game nga Viceral, wrestling nga! girls nakasakay sa balikat natin at sila ang maglalaban laban!" sambit ni Billy habang palangoy langoy.

"'Wag na nga ako! Si Teddy nalang." sagot ko

"Si Jasmine nga partner niya bestie e. Si Jas at Teddy, ako and Coleen tapos kayo ni Karylle"

"Eh wala naman siya dito eh. kami nalang ni Coleen partner." pagiinarte ko

"Ayan na si K ohh!" sigaw bigla ni Teddy

Agad naman akong napalingon sa papalapit na si Karylle. Shit! Ayan na naman. 

"Eh! Ayoko nga! kayo nalang!"

"Puro ka arte! Eh nung nasa bus palang tayo hiling mo na 'to eh!" sabi ni Billy

"Yung wrestling, OO.  pero sinabi ko bang partner ko si ano!?" 

Bagamat ayaw ko, wala na rin naman akong nagawa kung 'di sumali sa laro nila. Kami kami lang naman din kasi ang magkakakilala ng lubos sa pool, ang iba kasi na nandoon ay taga ibag department na 'di naman namin gaano kakilala, ang iba naman naming kasamahan ay naglalaro ng volleyball. 'Di ko rin naman gustong mabansagang killjoy dahil nga ayaw ko sumali dahil naiilang ako sa kanya. Pero sa totoo lang, medyo naasar ako na ipinipilit ni Billy na maging magpartner kami ni Karylle e ayaw ko nga sa kanya. Naiirita ako sa buong pagkatao niya.

Nagtawanan naman ang lahat. Nanalo kasi kami ni Karylle sa wrestling match. Nakatatlong ulit na kami pero paulit ulit lang na natatalo ang grupo ni Billy at Teddy

"Yes!"  sabay naming sabi at nag high-five.

Nagka-ilangan naman kami nang dahil doon at bahagyang lumayo sa isa't isa.

"Talo naman kayo palagi eh! o ano na gagawin natin?"  tanong ko sa kanila


Sa hotel..

TwistedWhere stories live. Discover now