Chapter Fifteen: Friendly Date

1.7K 46 6
                                    

Vice's POV

"Uy ano na?" tanong ni Karylle at napatingala ako sa kanya.  "Ice cream naman ngayon?" tanong ko sa kanya. Magiisang oras na yata kaming naghihintay sa wala. Kanina pa ako nakaupo dito sa bench at siya ay kung saan saan naman sumusuot. Kanina, manggang may alamang ang kinakain niya ngayon naman ice cream."Baka magtae ka niyan ha" natatawang sabi ko sa kanya at nag-unat.

"Kanina ko pa nililibot 'tong Enchanted Kingdom na 'to pero wala naman akong Billy at Coleen na makita" sabi niya at tiningnan ang phone niya "Basahin mo" sabi ulit niya at pinakita sa akin ang phone na hawak niya.


Sms from Coleen

Sorry K, can't come e. Kayo nalang. Bawi ako next time. :)


Nagkatinginan naman kami nang bigla ring tumunog ang cellphone ko.


Sms from Billy

Bestie, ikaw na bahala kay K ha. Enjoy kayo. Pasensya na may biglaang lakad ako sa Taguig e.


"Tss" tanging sagot  ni Karylle at tumalikod habang dinidilaan ang ice cream na hawak niya. Tumayo naman din ako at inagaw sa kanya ang ice cream at binawasan 'yon."Hmm sarap ah"

"Yuck"

"Oh bakit ayaw mo na ba?" tanong ko sa kanya habang nilalapit ang ice cream sa kanya. Siya naman ay lumalayo at parang direng-dire. "Ayaw mo, akin nalang 'to." sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Pero tingin ko talaga nag date lang yung dalawang yon e. Akalain mong sila 'tong nagyaya dito sa Enhanted Kingdom tapos sila yung mawawala. So.... ano ba una nating sasakyan?" tanong ko pero parang wala siyang narinig.

"Laguna! Hayy so much memories in here. Alam mo ba na dito sa Laguna, dito ako sinagot  ng-" napahinto ako. Mali naman yata na ikwento ko pa sa kanya na sa Laguna ako sinagot ni Anne.

"Mamatay na nagtanong." matamlay na sagot niya at naglakad pa rin

"Chill chill! Ito naman, 'di naman ako makikipagkaibigan sa'yo kung bitter pa rin ako. In fact, there's ths someone that inspires me."

"Okay." sagot niya at 'di pa rin ako nililingon. "Lagi naman e. Lalo na 'pag nagbaba-bar ka o nagca-clubbing you just play around with girls"

"Selos ka?" nakangising tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya sa paglalakad at tiningnan ako nang masama. "Kung 'di ka nagseselos, uubusin mo 'to" sabi ko sa kanya at hinarap ulit ang ice cream na malapit na mangalahati. 

"Eh 'di nagseselos na ako. Oh? Masaya ka na?" sabi niya at muling naglakad. "Madali ako kausap." Tumigil ako saglit at tiningnan lang siya habang papalayo sa'kin. Kakaiba siya ngayon, parang ang lalim ng iniisip.

"Si bestie ba? Tinext ka? Si Coleen nagtext na rin sa'kin e." tanong ko nang makasunod ako sa kanya. Umiling lang siya at patuloy lang sa paglalakad. Saan ba talaga kami papunta? "Magkagalit ba kayo? Hindi kayo nagpapansinan mula pa kahapon e."


Karylle's POV

"Magkagalit ba kayo? Hindi kayo nagpapansinan mula pa kahapon e." 

"Ferris wheel tayo." sabi ko at pagiiba ko ng usapan.

"Ferris wheel? Ayoko nga tingnan mo nga ohh! tirik na tirik ang araw tapos gusto mo agad ferris wheel? Alam mo bang—" sunod sunod na sabi niya pero pinutol ko rin.

TwistedWhere stories live. Discover now