Chapter Twenty Three: Going Back

1.2K 36 0
                                    

Vice's POV

Iminulat ko ang mga mata ko at nadatnan si Karylle na nagaayos ng sarili sa harap ng salamin. Umupo ako sa kama at tiningnan lang siya sa salamin.

"Gising ka na pala. Magayos ka na dyan. Bilisan mo kasi kailangan nakacheckout na tayo ng alas dose." sabi niya habang nakaharap pa rin sa salamin. 

"May dadaanan lang ako saglit. Kumain ka nalang sa baba, nakakain naman na ako. Nakaayos na rin ang gamit ko, text ka nalang kung okay ka na. Alis lang ako." Sabi pa niya at may kinuha saglit sa bag niya tapos ay lumabas na siya at iniwan ako sa kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako at humiga ulit habang nakatingin lang sa kisame. Naisipan kong tingnan nalang ang phone ko at magbasa ng mga textmessages.


Billy (1)

Uy ano'ng balita?

-

Teddy(1)

Uwi na kayo mamaya 'di ba? Pasalubong ha.

-

Anne loves (3)

Hey what time is your flight?

Why is K not answering her phone?

May bagyo sa Manila, 'di ba cancelled flight niyo?

-

+63906*******

Hey honey.. I miss you.

-

Coleen(1)

Vice, may bagyo dito ah. hindi naman ba cancelled ang flight?

-

Jhong(1)

Vice, remember Ruby? Yung nakasama natin nung nakaraan sa Makati? Binigay ko number mo. Hinahanap ka. Sabi ko nga, nasa Cebu ka..Shet pre! Pahiram muna ako. Hahaha.

-

Jugs(1)

Kailan uwi niyo from Cebu?


Cancelled flight? 'Wag naman sana. Babangon na sana ako para makaligo na pero bigla namang tumunog ang phone ko.


Anne loves calling...


I smiled then answered her call.


Karylle's POV

"So what are you planning to do now?" tanong ni Angel bago kami maupo sa bench sa grotto ng simabahan. Nagkibit balikat lang ako sa kanya dahil 'di ko naman talaga alam ang isasagot ko.

"Eh ikaw din naman kasi ang may problema e. 'Pag nandyan si Vice, aasar asarin mo si Anne sa kanya tapos ngayon, nagseselos ka pala. Labo mo rin ano!" sabi pa niya pero ako tahimik lang ako na nakaupo.

"Tumatawag nga siya kagabi e, pero 'di ko sinasagot" sabi ko naman.

"Why don't you talk to her? Alam mo, 'wag ka kasi maghinala agad. Magkatext lang, nagkabalikan na?" sabi naman ni Angel at umusog palapit sa akin. "Pero alam mo, sabi nila "Friendship may, and often does, grow into love, but love never subsides into friendship.""

TwistedWhere stories live. Discover now