Chapter Six: Summer Outing

2.5K 38 2
                                    

Vice's POV

 A familiar voice called out my name as I enter Miss Kris' office.

"Good morning Mr. Viceral!"

I looked back at the person slowly and greeted with a smile.

"Good morning too!" I said shyly.


O crap! She's here. She's back.

 ........

"So ano na'ng plano mo?" tanong ni Jhong habang papalapit sila ni Vice sa isang bench para maupo

"Wala. Wala naman akong magagawa e."  sagot nito at uminom ng tubig

Tagatak ang pawis ng dalawa dahil katatapos lang nila maglaro ng volleyball kasama ang iba pang kaibigan ni Jhong. Sa pagkakataong ito ay 'di nila kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Vhong at Jugs dahil may iba rin silang lakad.  Maaga pa lang ay nandito na sila sa sports complex para magpapawis dahil na rin sa paanyaya ni Jhong  at para naman makapagusap din ang dalawa patungkol sa problema ni Vice.

 ........

"So, makikipagkumpitensya ka ba?" tanong ni Jhong nang mailapag ang tray ng pagkain sa mesa.

Ngayon ay nasa isang fast food chain na sila para kumain ng agahan. Nauna na silang umalis sa lugar dahil mas pinili ng iba pa nilang kasama na maglaro ulit. Humiwalay nalang sila para makapagusap nang masinsinan.

"Ewan."

'Yun lang ang nasagot ni Vice sa tanong ni Jhong. Humigop siya ng kape at nagsalita ulit.

"Kung bakit ba naman kasi dirediretso ang kamalasan sa'kin e." dagdag nito.

"Eh kasalanan mo din naman kasi Viceral ehh. Kasi naman kung hindi ka—"

Napahinto naman sa pagsasalita si Jhong nang mapansing 'di nakikinig ang kaibigan sa sinasabi niya. Dalawang pamilyar na mukha ang bumungad sa pinto ng fast food chain na agad naman nakakuha ng atensyon ni Vice. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makapunta ang dalawa sa counter para mamili ng makakain. Agad naman itong napansin ni Jhong kaya naman nilingon niya rin ang dalawang iyon at muling tiningnan si Vice.

"HUY!"

Sigaw ni Jhong at malakas na ipinalakpak ang kamay ng isang beses para makuha ang atensyon ni Vice.

"Ano ba!? 'wag ka ngang manggulat." naiiritang sabi ni Vice at inialis na ang tingin sa dalawa na nasa counter.

"Kilala mo?" tanong ni Jhong na natatawa-tawa pa rin sa naging reaksyon ng kaibigan sa panggugulat niya.

Tumango lang si Vice habang patuloy ang pag-kain.

"Mga ka-opisina ko." sabi nito.

 

"Good morning Sir Vice." bati sa kanya ng isang babae habang hawak ang isang tray ng pagkain.

"Good morning din Lyka." Sagot ni Vice at nginitian siya. "Okay lang kahit Vice nalang, wala naman tayo sa opisina e." dagdag nito.

"Uy, Viceral baka pwede mo naman ako ipakilala." Sabat ni Jhong habang nakatingin sa dalawang babae na kausap ng kaibigan

Agad naman siyang sinunod ni Vice.

"Ay oo nga pala. Ito si Jhong bestfriend ko. Jhong, mga kaopisina ko pala, si Miss Lyka at si MISS Karylle" sabi ni Vice na sadyang binigyang diin ang salitang 'MISS' para asarin si Karylle.

TwistedWhere stories live. Discover now