Chapter Twenty Four: Back To You

1.2K 31 1
                                    

Vice's POV

"Bakit? Dahil monthsary niyo?" tanong ko sa kanya ngunit bago pa man siya makasagot, iniwanan ko na siya at bumalik ako sa kaninang pinanggalingan ko para makapagpare-book.

Nang makabalik ako sa kaninang pinipilahan ko, nagtaka  ako dahil bigla nalang nagsisialisan ang mga tao at parang ang saya nila. Bakit? Ano'ng meron?

Biglaan silang nagsigawan na tuloy na raw ang flight kaya naman dali-dali kong binalikan si Karylle at kinaladkad ko siya papunta sa eroplanong sasakyan namin. Ang labo! Sobrang labo lang! Sinabi nilang cancelled ang flight pero ito kami ngayon, tumatakbo dahil baka iwanan kami ng eroplano.

Hingal na hingal kaming pumasok ng eroplano namin. Si Karylle naman, nagtataka pa rin at walang kaalam-alam sa nangyayari. Gayumpaman, masaya kami at 'di madedelay ang aming flight.

Habang umaandar ang eroplano ay napayakap ako kay Karylle. Nagalit tuloy siya at sinabihan pa akong duwag. Eh paanong 'di ako matatakot, e mukhang nakakaapekto na ang bagyo sa byahe namin. Mayroon pang nagsalita sa mic at sinasabing nakakaranas daw kami ng 'Turbulence' dulot ng masamang panahon.

Pero sa totoo lang, maliban sa natatakot ako sa kakaibang byahe namin ngayon, naiinis din ako na nag-iba bigla ang pakikitungo sa akin ni Karylle. Alam ko naman e. Alam kong dahil 'yon sa nalaman niyang magkatext kami ng girlfriend niya. Hayy kung alam lang niya ang tunay na dahilan kung bakit kami naguusap ni Anne.

Nang makababa na ang eroplano, nakahinga na rin ako nang maluwag. Sa wakas nakabalik din ng Manila! Dali daling bumaba si Karylle bitbit ang mga kagamitan niya. Ang bilis niyang maglakad, kaya binilisan ko rin pero mas lalo naman niyang binibilisan.

"Karylle!" sigaw ko para huminto siya pero patuloy pa rin siyang naglalakad. Halos wala ng tao sa airport dahil nga marami ng flight ang nakansela. "Uy yung kotse ko nasa bahay niyo pa kaya sabay na tayo sa taxi" huminto naman siya nang dahil sa sinabi kong iyon at sabay na kaming naglakad palabas ng airport.

........

Humigit kumulang isang oras ang naging byahe namin mula sa airport patungong bahay niya. Tuluyan na kasing nag landfall ang bagyo. Nang makarating kami sa bahay ni Karylle, agad niyang kinuha ang mga gamit niya at dirediretsong pumasok sa bahay nila nang 'di ako nililingon.

"Papasok ka pa ba?" biglang may nagtanong sa akin, si Zia pala. Umiling nalang ako. "Mabuti nakauwi kayo, text niya sa akin kanina 'di na daw tuloy ang flight e." sabi pa niya. 

"Oo nga e. Kahit naman kami nabigla. Ang gulo lang nila. Cancelled na daw tapos tuloy naman pala" natatawang sambit ko. Nagpaalamanan na kami sa isa't isa at sumakay na ako sa kotse ko na nakaparada sa bahay nila dahil dito ko ito pinarada noong Linggo.

[AN: nangyari kasi talaga sa amin 'to e. cancelled daw tuloy naman pala hahaha kshare.]

Habang nagmamaneho, naisip ko ang mga nangyari sa amin ni Karylle sa Cebu. Napakamot ulo pa ako dahil naalala kong kailangan pala namin magreport kinabukasan patungkol sa pakikipagugnayan namin sa kumpanyang Hawk Eye. Plano ko pa naman sanang 'wag pumasok bukas.

Hayyy. Parang tinatamad ako umuwi. Saan naman kaya magandang pumunta?

.......

"Vice? Ano'ng?" bungad sa akin ni Anne nang binuksan niya ang gate.

"'Di mo manlang ba ako papapasukin?" nakangiting tanong ko sa kanya at pumasok ako ng bahay nila kahit na walang pahintulot niya. Agad din naman niya akong sinundan at 'di na umangal pa. "Ikaw lang magisa dito?" tanong ko nang mapansin kong wala si Jasmine.

TwistedWhere stories live. Discover now