Chapter Twenty Five: Caught

1.4K 30 4
                                    

"Karylle!?" gulat at kabadong sambit ni Anne at dali daling itinago ang wallet ni Vice sa bulsa niya. "Ano'ng ginagawa mo dito!?"

Napataas kilay naman si Karylle dahil sa inaasal ni Anne.

"'Di ba sabi ko, natuloy yung flight namin? Ewan ko ba dun sa airline na yun. Ang labo nila." sagot naman ni Karylle at akmang papasok sa loob ng bahay pero hinarang siya ni Anne.

"I know, but.. akala ko naman kasi 'di ka na pupunta. Syempre napagod ka.. iniisip ko lang na-"

"Bakit ba parang ayaw mo akong makita!?" masungit na sambit ni Karylle at pumasok na ng bahay. Dumiretso siya kaagad sa dining area at ipinatong ang mga dala dala niyang pasalubong para kay Anne. Napataas naman ang kilay niya sa nadatnan sa mesa.

"May nauna na pala." sambit ni Karylle nang makita ang mga nakalagay sa mesa. Alam niyang galing iyon kay Vice. Mas kinabahan naman lalo si Anne at naisip na sana iniligpit nalang muna niya ang mga binigay ni Vice sa kanya bago pinagbuksan ng pinto ang bisita.

Isa isa ring inilbas ni Karylle ang mga pasalubong niya mula sa plastik. Parehong pareho pa nga ang dala niya sa nakalagay na sa mesa. Isang kahon ng lechon, tatlong plastik ng dried mangoes, meron ding piyaya, rosquillos at banana chips.

"Hmm.. mabuti wala siyang dalang ganito" malumanay na sambit ni Karylle at inilabas ang t-shirt na may naka-print na 'Cebu' at inabutan niya din si Anne ng isang tangkay ng rosas na kulay pula. 

"Thank you" nakangiting sabi ni Anne. Si Karylle naman ay walang kagana-ganang umupo sa counter table at tahimik na tinitingnan lang si Anne na inilagay ang rosas na bigay niya sa flower vase na nakapatong din sa dining table.

Isa isa namang tiningnan ni Anne ang mga pasalubong ni Karylle sa kanya at binuksan niya rin ang nakaplastik na shirt na bigay din sa kanya. Napangiti naman siya habang tinitingnan kung kasya sa kanya at tinitingnan niya rin ang magandang print ng shirt.

Kinukuyakoy lang ni Karylle ang paa niya habang nakatingin pa rin kay Anne, wala siyang imik at hindi rin niya makuhang ngumiti. Lumapit na si Anne sa kanya, nakatayo lang siya sa harap ni Karylle na nakaupo pa rin sa counter table.

"Thank you~" sambit ni Anne habang hawak ang kamay ni Karylle. "Galit ka?" tanong pa niya at sumimangot tapos ay niyakap niya si Karylle. "Sorry K. I miss you. Sorry na.. 'Wag ka na magalit. Uhmm kasi K-"  may halong lambing na sambit ni Anne na nakayakap pa rin kay Karylle. 

"Okay lang." walang kagana-ganang sambit ni Karylle at hinawakan ang kamay ni Anne at inalis ito sa pagkakayakap sa kanya.

"Galit ka? Nasa labas lang naman ng gate si Vice e. 'Di ko siya pinapasok. 'Di ko naman dapat tatanggapin yan e pero nagpumilit siya kaya tinanggap ko na. 'Di ko naman talaga siya pinapasok e. Saglit lang siya. Kung gusto mo itatapon ko nalang yang mga yan." sunod sunod na sambit ni Anne kay Karylle pero hindi siya makatingin ng diretso sa kanya.

"Okay nga lang." malumanay na tugon ni Karylle kay Anne at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Bumaba na si Karylle mula sa counter table at umupo nalang sa dining chair.


Samantala...

"Hello? Oh bestie? Bakit?" bungad ni Vice sa kausap sa telepono. "Wala pa ako sa bahay e. May babalikan lang ako. Kaasar nga e traffic na naman" sambit niya habang 'di iniaalis ang tingin sa kalsada. "Naiwan ko kasi wallet ko sa bahay ng... ah basta sige na bye na tawag nalang ako mamaya"  at ibinaba na niya ang telepono.

Tinawagan naman niya si Anne para sabihing babalik siya pero nakapatay ang phone nito kaya hinayaan nalang niya at patuloy nalang siya na nagmaneho.

TwistedWhere stories live. Discover now