Chapter Twenty Two: Comfort Zone

1.2K 33 8
                                    

[AN: mutimedia -Taoist Temple]


Vice's POV

Nasa kalagitnaan ako nang pagligo ko nang biglang sumigaw si Karylle. 

"Ano!?" sigaw ko kay Karylle at pinatay muna saglit ang shower para magkarinigan kami. Hindi ko naman kasi siya narinig. Pero hindi naman na niya inulit ang sinabi niya. Nagpatuloy nalang ako sa pagligo. Lumabas ako ng banyo na naka-topless at nagpupunas ng buhok ko. Nakangisi pa nga ako dahil naisipan kong biruin siya, pero nang mapatingin ako sa kanya, galit na galit ang tingin niya sa akin. 

Nakaupo siya sa kama ko at hawak niya ang phone ko. Nakaramdam ako bigla ng takot.

"Magkatext kayo? Si Anne yung katext mo kanina pa!?" tanong niya pero halatang may galit sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi na ako nakapagsalita pa, bigla bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan ako dito mag-isa.

Muli kong tiningnan ang message thread namin ni Anne. 


Yeah I know I owe you a date

Hey! Make sure that you're deleting my messages after reading it. Karylle might see our message thread.


Kaya naman pala ganoon nalang ang reaksyon niya. Sasagot na sana ako sa text message ni Anne nang bigla naman akong makatanggap ng message mula sa kanya.


Sms from Anne loves

And please stop saying that you love me. I don't give a damn.


I sighed.  I just laid in my bed thinking of what am I going to do. Suddenly, she called me, I answered her call right away.

"Vice! Kausapin mo nga ako, nakakainis e." bungad ni Anne nang sagutin ko ang tawag.

Nagsimula na siyang dumaldal nang dumaldal tungkol sa kinaiinisan niya raw  sa opisina. Nakakatuwa dahil nagagawa niya na ulit na magkwento sa akin ng mga ganyang bagay. Noong mga panahong kami pa o kahit pa nga noong nililigawan ko palang siya, palaging ako ang takbuhan niya sa kahit na anong problema niya kahit pa gaano kaliit iyon.

Gusto ko sanang matuwa nang sobra sobra dahil nakakausap ko siya ngayon pero, nung umalis si Karylle kanina parang nasaktan din ako. Ewan ko ba! Dapat nga matuwa pa ako e. Pero parang di ko magawang matuwa nang sobra.

"Huy nakikinig ka pa ba?" sambit ni Anne na nagpatuloy lang sa pakikipagusap sa akin.

"Oo naman, sorry 'di lang ako sanay na sa akin ka nagkekwento ng ganyan" sagot ko naman at nagpatuloy lang ang usapan namin.


Karylle's POV

Padabog kong isinara ang pinto at iniwan ko si Vice sa kwarto. Lumabas ako ng hotel at nanatili lang doon. Hindi ko naman kasi alam kung saan ako pupunta. Ano bang alam ko dito sa Cebu?

Sumakay ako ng jeep at ginaya ko nalang ang isang babae doon sa sinabi niyang pupuntahan niya. Kaya naman kahit na 'di ko alam kung saan ako papunta. Sinabi ko sa driver na sa Ayala Center din ang punta ko. Bahala na. Ang importante, makalayo-layo muna ako.

Nang makapasok ako ng Ayala Center, nainis lang ako lalo. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan pupunta. Gusto ko lang talaga mapag-isa. Gusto kong magalit, gusto kong umiyak. Kinuha ko ang phone ko, sino nga kaya ang pwedeng makausap? Si Billy? Ewan! Palagay ko siya ang dapat na kausapin ko. 

TwistedWhere stories live. Discover now