Chapter Three: Rivalry

2.7K 44 6
                                    

Vice's POV

It was on our third year when lots of things happened. I never expected that this will come. I thought everything was perfect. Siguro nga may mga pagkakamali ako, may mga pagkukulang.. Pero lahat ng 'yun pinagsisisihan ko. Kung pwede ko lang maibalik sa dati ang lahat.

........

"Mr. Viceral, I'll be out of town for a couple of months, I need you to take over the company for me while I'm gone"  

"Yes. Miss Kris. I will"

Isang buwan na ang nakakaraan magmula nang umalis si Miss Kris, at dahil nga malapit na kaibigan ng pamilya namin ang pamilya niya, sa akin niya ipinagkatiwala ang departamentong kinabibilangan namin. Nang dahil dun, nabawasan ang oras namin sa isa't isa ni Anne. Bihira na akong makapagtext sa kanya. Masyado nang gabi kung matapos ako sa trabaho kaya 'di ko na nagagawang sunduin siya sa trabaho niya o kahit daanan sa bahay nila. Sa isang buwan na yun, bilang lang sa daliri ang panahon na nakasama ko si Anne. Nadagdagan din kasi ang trabaho ko dahil obligasyon ko rin na alamin at kumustahin ang pangyayari sa bawat departamento ng kumpanya.

"Bestie? may problema ba?" sambit ni Billy "Kanina ka pa tahimik ah. Ano bang problema?" muli niyang tanong sa'kin

"Oo nga, 'di mo pa nga ginagalaw yang pagkain mo ohh. Matatapos na ang lunch break" sabi ni Teddy na nakaturo sa pagkain ko

Masyado na yatang lumilipad ang isipan ko, nawala ako sa ulirat na lunch break nga pala namin. Kasama ko ang mga malalapit na kaibigan ko sa opisina, si Coleen, Teddy at ang bestfriend kong si Billy.

"Sige Teddy kunin mo na 'yan. Wala akong gana kumain." sabi ko sa kanya at agad naman niyang kinuha ang pagkain.

Tumingin nalang ako sa malayo at nanahimk, habang nakatingin ang mga kasama ko sa akin.

"Alam mo bestie, iinom nalang natin yan!"

"Tss,, 'di naman yan ang solusyon e. "  sabi ko at tumngin kay Billy.  "Teka nga, ikaw yata ang may problema e." dagdag na sabi ko dahil nakita ko ang lungkot sa mga mata niya

"Basta, inuman mamaya ha? Wala naman pasok bukas e. Saka, okay na rin 'to noh nang mabawasan naman ang stress sa trabaho." 

Napatingin naman kaming tatlo sa sinabi ni Billy, sa tono kasi ng pananalita niya parang may problema siya.

"Sagot ko, don't worry.. Coleen, sama ka ha?" 

Napangiti nalang si Coleen na kanina pa tahimik sa isang tabi.

"Hindi na, boys' night out yun e. Kayo nalang" nahihiyang sagot ni Coleen kay Billy

"Nako, hindi.. yayayain ko rin naman yung mga kaibigan ni Nikki eh. Yung... mga kasama niya sa kantahan." sagot naman ni Billy sa kanya

Si Nikki Gil, girlfriend ni Billy. Maliban sa nagtatrabaho siya bilang isang sekretarya sa isang kumpanya, kumakanta rin siya sa mga bar. Ang alam ko, may mga kasamahan din siya na 'di naglaon ay naging kaibigan din ni Billy. Ngunit ni minsan ay 'di ko pa sila nakilala.

"Sige, susunod nalang ako sa inyo" sagot ko kay Billy

"Sabi mo 'yan Vice ah... isasama ko rin yung mga tropa ko sa sayawan. Para naman maipakilala ko kayo" 

Tumango nalang kami sa sinabi ni Billy at naghanda na pabalik ng opisina. Matapos ang napakahabang oras na nilaan namin sa pagtatrabaho, nagpaalamanan na kami sa isa't isa.

Magaalas-dose na nang makapunta ako sa Guilly's. Lumapit ako kung nasaan sina Billy at nakita kong nagtatawanan at nagaasaran na sila, mukhang madami-dami na din ang nainom nila.

TwistedWhere stories live. Discover now