Chapter Thirty Six: Broken

1K 22 9
                                    

Karylle's POV

"So.. yeah basically, that's it" sabi ni Angel at isinara na ang folder.

"Wooh! Sa wakas! Thank you ha. Thank you talaga" sagot ko naman at saka siya niyakap. Sobrang saya ko lang.

"No worries. Basta ikaw. Sorry din kung medyo natagalan ha.. busy kasi ako at saka.. alam mo na.. si Anne kasi..."

"Yeah. Alam ko naman.. kaya nga salamat pa rin. Hmm.. kain muna tayo?" pagaaya ko sa kanya at naglakad na kami.

Nilibot namin ang mall at naghanap ng makakainan. Tuloy pa rin naman ang kwentuhan at harutan namin habang naglalakad. Tawanan pa nga kami nang tawanan kaya nga lang, biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang bigla kong makita si Anne. Patay! Lagot ako nito.

Sabay kaming napahinto sa paglalakad ni Angel habang si Anne ay pasalit salit kami na tinitingnan. Galit na naman...

"Anne.".        

"What the hell!? Kaya pala palagi mong nirarason na may practice practice ka sa kanta ha!?" halos pasigaw niyang bungad.

Gusto ko sanang matawa dahil sa 'di mabilang na pagakataon ay pinagseselosan na naman niya si Angel pero medyo nainis din ako dahil umiiral na naman ang pagiging eskandalosa niya.

"Anne.. let me explain" mahinahong sabi ko pero sinungitan niya lang ako at akmang lalakad palayo. Hinablot ko naman ang kamay niya para pigilan nang biglang....

"Anne, ito na yung ice cream na sinasabi ko sa'yo...ka-Karylle!?" bungad ni Vice na may hawak na dalawang cone ng ice cream sa magkabilang kamay niya. Binitiwan ko si Anne.

Now it's my turn to get mad. Why the hell are they together?

"What's... the meaning of this?" I said in a modulated voice trying to keep calm.

"Uhmm K.. ano.. uhmm ano kasi" Vice said trying to reason out.

"Shut up! I don't need your explanation. Anne, what!?"

"Pwede ba Karylle, 'wag mo ngang baligtarin! 'Di ba ikaw ang dapat na magpaliwanag???"

I sighed. She's now getting into my nerves.

"Uhmm.. guys guys kalma.. uhmm Anne kasi.." pagrarason na naman ni Vice, si Anne naman ay tinabig bigla ang braso ni Vice kaya natapon yung dalawang ice cream sa sahig.

"'Wag ka nga muna mangialam dito Vice!" bulyaw ni Anne sa kanya.

Unti unti nang dumadami ang mga tao sa paligid namin na nakikiusisa sa nangyayari ngayon. Napansin ko pa yung iba na kumukuha ng video pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.

"So akala mo dahil ginaganyan mo si Vice, wala ka nang dapat ipaliwanag??" naiinis na sabi ko. Agad naman akong hinawakan ni Angel para pakalmahin. 

"Alam mo? Bahala ka. Uuwi na ako!" sabi ni Anne kaya naman lumayo na siya sa amin. Kaming tatlo naman ay sumunod sa kanya. Palabas na sana kami ng naturang mall pero napatigil din kami nang makita namin na malakas ang ulan.

"Let's go Vice. Ihatid mo na ako" sabi ni Anne pero umayaw si Vice.

"Anne kasi, mas maganda yata kung magusap-usap na muna tayo..para ano.. para walang problema."

Napabuntong hininga nalang si Anne at tiningnan kami isa isa.

"FINE!" sabi niya at naglakad na ulit papasok ng mall, kami naman ay nakasunod pa rin sa kanya.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon