Chapter Thirty: Realizations

1.2K 31 18
                                    

Vice's POV

"Kuya Vice, I'm just saying na medyo mali lang yung parte na may pahalik-halik ka pa sa kanya. Matuto ka naman mag-control. Mas lalo siyang mawawala nyan sa'yo eh" sabi niya tapos ay nilagok niya ang natitirang alak sa baso niya. 

"Mabuti nga at mabait si ate K at ayos lang sa kanya na maging magkaibigan kayo ni Ate Anne eh" tumango nalang ako sa mga sinasabi niya. May punto nga naman kasi siya.

Oo, siya nga ang katext ko mahigit isang buwan na ang nakalilipas tinutulungan niya lang naman akong mabalik si Anne sa akin. Bakit? 'Yun naman kasi talaga ang gusto ko eh. Walong buwan na at 'di pa rin bumabalik sa'kin si Anne. Oo, kaibigan ko nga si Karylle pero hindi ibig sabihin nun, nalimutan ko nang bawiin si Anne sa kanya.

Nandito kami ngayon sa isang bar. Sa bar kung saan kasalukuyang kumakanta sina Billy at Karylle. Kasama rin namin ang mga kaopisina kong sina Eric, Teddy at Coleen pero hindi ko sila kasama ngayon. Humiwalay ako saglit para maikwento dito sa kasama ko ang nangyari nung magkakasama kami ni Anne at Karylle at may kasama pang bata.

"Try giving her gifts or... basta something na ginagawa mo na sa kanya noon. By that, matutuwa siya, hindi yung bigla mo nalang siyang hahalikan or something. Well, lalaki rin naman ako at naiintindihan ko 'yang nararamdaman mo, pero if you really want ate Anne, eh kailangan mo talaga magpigil pigil muna" 

"WOW. You kiddo! 'Di ko alam kung magaling ka lang talaga manligaw o mas player ka pa sa'kin" sabi ko dahil talaga namang nakakamangha siya. Mas bata siya sa'kin pero parang mas alam niya pa ang dapat na gawin.

"No! Of course I'm not. Seryoso naman ako sa girlfriend ko ano! Pero syempre, as a guy, you should know how to win girls. And besides, kilala ko rin naman si ate Anne, kahit papaano may alam din naman ako sa kanya'" sabi naman niya tapos ay tiningnan ang phone niya. "Ay, kuya Vice, I have to go na. Sunduin ko pa girlfriend ko e. Goodluck kay ate Anne" tumango naman ako at nagpaalam na ako sa kanya. 

Napalingon naman ako sa stage kung nasaan sina Karylle at Billy. Tapos ay naglakad na rin ako sa table kung nasaan ang mga kaopisina ko. Mabuti at 'di nila alam na may kasama ako kanikanina lang.

........

........

........

"Ohh baby I was made to love you~" pagkakanta ni Karylle at Billy.  "Thank you very much! Thank you Thank you!" sabi pa nilang dalawa sa mga kasalukuyang nanonood sa kanila.

Matapos noon ay tinawag na nila ang susunod na magpe-perform sa stage. Inalalayan pa ni Billy si Karylle sa pagbaba sa entablado at kaagad silang dumiretso sa isang table kung nasaan sina Teddy, Eric , Vice at Coleen.

"Nga pala Billy, Karylle. Congrats sa inyo ha" sabi ni Eric. "Balita ko may kumukuha sa inyo na mag-guesting sa isang TV show ha. Baka ma-discover kayo." natuwa naman si Billy at Karylle sa sinabi niyang 'yon.

"Oo, tinulungan kasi kami ng kaibigan kong si Luis para makapasok dun. Marami kasing koneksyon yung father niya eh" pagpapaliwanag ni Billy at nagorder na sila ng isang tower ng alak.

"Basta kahit na sikat na kayo, mamansin pa rin kayo ha?" sabi naman ni Coleen.

"Oo naman ano ka ba?" sagot naman ni Billy

"So feeling mo naman talaga magiging sikat ka?" sarkastikong tanong ni Vice at saka sila nagtawanan

"Op Op tama na 'yan! BOTTOMS UP! BOTTOMS UP!" 

Teddy said so they raised their glasses and all of them said:

"CHEERS"

        

TwistedWhere stories live. Discover now