Chapter Forty Seven: Doubts

1.3K 33 21
                                    

Karylle's POV

Hayyy salamat! Makakauwi na rin. Grabeng napakatambak ng trabaho ngayong araw kaya naman kinailangan ko talagang mag-overtime. Tiningnan ko ang oras magaalas-dyes na. Sobra na akong inaantok. Sana lang makahanap ako agad ng masasakyan.

Bago pa man ako makahanap ng masasakyan pauwi, isang bata ang biglang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang bola ng bilyar. Oo yata? Bola nga yata ng bilyar pero hindi numero ang nakasulat kung hindi letrang "I". Napakunot noo naman ako.

"Ano 'to?"

"Sa inyo po 'yan. May nagpapabigay po." sabi ng bata at dali daling tumakbo.

Wala na akong nagawa kung hindi ilagay nalang ang bola sa bag ko. Para saan 'yun? Hayy ewan at tinatamad akong alamin.

May pumaradang taxi sa harapan ko kaya syempre, sumakay na rin ako agad. Kanina ko pa kasing gusto umuwi. Nabigla naman ako nang biglang may inabot rin na bola sa akin yung driver sa kalagitnaan ng byahe namin, pareho lang nung binigay nung bata kanina.

"Ano po 'to?"

"May nagpapabigay po."

"Sino?" tanong ko pero 'di naman niya akong sinagot.

Ano ba 'to? Napakalabo naman. Muli kong nilabas mula sa bag ko 'yung isa pang bola na bigay sa akin nung bata. Kung yung nauna letrang "I" ang binigay naman ng driver ng taxi ay may nakalagay na "W". Hmm.. ano naman kaya ang ibig sabihin nun?

Dahil na rin siguro sa pagod kaya 'di ko na kinulit pa ang driver kung kanino galing o kung para saan ang mga bola. Wirdo naman.

Nang makarating ako sa bahay, nagulat ako nang tinawag ako ng isang ale na nagbabantay ng tindahan na nasa harap ng bahay namin.

"Karylle!"

"Po? Ano po 'yon?" tanong ko naman at lumapit ako sa kanya.

"May nagpapabigay nga pala." sambit niya at sa muling pagkakataon, binigyan niya rin ako ng bola na kagaya sa naunang binigay sa akin. Napakunot noo na naman ako.

"Ahh ehh, para saan po ba 'to? At saka kanino po galing?"

"Malalaman mo rin Karylle. O siya, may gusto ka bang bilhin? Magsasara na 'tong tindahan" sabi ng ale.

Umiling iling nalang ako at pumasok na ng bahay. Kung kanina, "I" at "W" ngayon naman, "C". Kung anu ano na nga ang naiisip kong salita na maaring kahulugan nun pero 'di ko pa rin naman malaman.

Nako! Naalala ko, wala nga pala sina Zia at Coco sa bahay. Hayy sana naman naipaghanda na muna nila ako ng makakain. Dumiretso na ako ng dining area and to my surprise, Vice is there. But why?

"A-anong ginawa mo dito?"

"Karylle! Uhmm ano.. ano kasi e.." nauutal utal niyang sambit.

Napatingin nalang ako sa mga nakahain sa mesa. Ang dami namang potahe at mga paborito ko lahat. Napapikit nalang ako. Ano na naman bang gusto nito?

"Uhmm.. Karylle alam ko, gutom na gutom ka na. Kaya ayan, kumain ka na. Alam ko lahat 'yan paborito mo." sabi niya habang patuloy na nagluluto ng kung ano.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Uhmm Karylle, wait lang ha. Itong isa malapit na matapos."

"Ano ngang ginagawa mo dito!?"

Pansamantala na muna niyang hininto ang pagluluto niya at saka ako hinarap na para bang kinakabahan.

TwistedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora