Six

751 37 7
                                    

Dylan

Nandito pa rin ako at nakatayo sa kanto kung saan ako iniwan no'ng babaeng hinahabol ko kanina. I know that is was kind of creepy but I just needed to do it. Siya iyong babaeng kinausap ako sa event noong gabing iyon. Siya iyong babaeng hinahanap ko nang ilang linggo na rin ngayon. I was happy when I saw her earlier because finally, di'ba? Finally I saw her at akala ko ay hindi na ako mahihirapan pa. 

Kaso ang hindi ko maintindihan eh ang lahat ng ginawa niya sa akin ngayong gabi. She let me chase her, she was intentionally hiding her face, she even blowed her coffee right in front of me. Pati iyong supplies na hawak niya kanina ay ibinato niya pa sa akin. Gano'n niya ba ako kaayaw makita at makausap pa ulit? Akala ko ba bias niya ako sa showbiz? I don't understand her.

Napapitlag ako noong tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag. Huminga ako nang malalim saka iyon sinagot. "Kaylin," tawag ko sa nasa kabilang linya. 

"Nasaan ka na ba lalaki ka, ha? Inubos mo ba ang kape riyan sa cafe at hindi ka na nakabalik dito sa condo? Kanina ka pa namin hinihintay ah. Alam mong kahit celebrity ka eh iba kami sa fans mo ah. We're your friends and you can't let us wait for you always. Bumalik ka na nga rito!" 

Nagsimula na naman akong bungangaan ng babaeng 'to. Kahit kailan na lang talaga eh.

"Yeah, pabalik na ako. Pero wala akong nadalang kape. I tried fixing something and it kept me busy kaya wala na akong oras para ro'n," turan ko and I heard her heaved a deep breathe. She's annoyed at me. Again. Malabo nga yatang maging fan ko 'to.

"Ano ba naman 'yan Pangilinan oh. Ang tagal mo riyan sa labas tapos wala ka palang nabili na kape," aniya sa kabilang linya.

"I'm sorry, okay? Medyo importante lang talaga iyong inasikaso ko."

"Oo na, oo na. Bumalik ka na rito para makakain na tayo. Mag-iingat ka." 

"Concerned naman pala eh," I laughed and she just dropped the call without saying anything. Napakamaldita kahit kailan eh. 

Sumulyap ako sa mga kabahayan na nasa harapan ko. Mukhang squatter's area 'to rito. She really lives here?  I hope she's safe.  Pumihit na ako upang bumalik sa kotse ko at nang makauwi na rin pero naalala ko iyong plastic bag na ibinato sa akin ng babaeng 'yon kaya bumalik ako ulit sa kinatatayuan ko kanina at pinulot iyon. School supplies pala 'to, bakit ibinato niya pa? She could freely run without throwing these away. Sayang naman.

Pero dahil hindi ko rin naman siya kilala at hindi ko alam kung kanino iiwan 'to,  bumalik na rin ako sa kotse. Dadalhin ko na lang muna 'to, bahala siya. 

***

"O. Anong nangyari sa'yo at ganiyan ang itsura mo bro?" tanong kaagad ni Caleb noong makapasok ako sa condo unit ko.

Hindi ko naman siya pinansin at dumeretso na lang sa couch saka roon naupo. Ipinikit ko ang mga mata ko saka pinahinga muna ang sarili ko. Napagod talaga ako sa habulan na 'yon.

"O. Andiyan na pala 'yan eh. Hoy Dylan kumain ka na rito. Lumalamig na pagkain mo," dinig kong turan ni Kaylin. 

"Ang dugyot ng itsura mo ah. Anyare sa'yo?" si Cielo naman iyon. 

"Hala oo nga. Ano bang inasikaso mo at naging madumi ka naman ata?" ani Kaylin ulit. 

"I already found the girl." Dumilat ako at umayos ng upo. 

"Woah," ani Caleb.

 "Totoo nga?" tanong naman ni Cielo habang natahimik lang si  Kaylin. 

"Yeah." At ikinwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari ngayong gabi.

"Grabe. Kaya naman pala ang tagal mo eh," komento ni Cielo noong matapos ako.

"Oo nga. Pero bro ah. Medyo creepy ka ro'n." Tumawa si Caleb. 

"Bakit mo ba kasi hinahabol 'yon, ah?" Iniabot ni Kaylin sa akin ang wet wipes na galing sa bag niya. Tinanggap ko naman 'yon at pinunasan ang katawan ko. Sobrang lagkit na rin kasi sa pakiramdam.

"Gusto ko ngang makausap ulit. She knows the right words to say to make me calm down," tugon ko.

"Eh kaso kita mo naman. Tinakbuhan ka lang. Maybe she doesn't want to talk with you," turan ulit ni Kaylin na nasa tabi ko naman ngayon.  

"Hindi ko rin talaga alam kung bakit tumakbo 'yon eh. Wala naman akong gagawing masama sa kaniya." 

"Wala ka ngang gagawing masama sa kaniya. 'Yong career mo naman ang mero'n. Alam mo namang marami sa fans mo ang issue maker eh," ani Cielo. 

"Oo nga. Baka iyon pa ang magdadala ng kaguluhan sa buhay niya. Isipin mo naman 'yon. She's a total stranger to you and to everyone else tapos biglang magkakaroon siya ng connection sa'yo?" ani Caleb naman. 

"Hay ewan!" Tumayo ako at nagtungo sa dining area. Hindi na sumunod sina Kaylin at Cielo but Caleb did. 

"Hahanapin mo pa ba siya ulit bro?" tanong nito no'ng magsimula akong kumain pagkatapos kong maghugas ng mga kamay. Madumi pa ako galing sa labas eh. Naupo pa talaga si Caleb sa harap ko. 

"Baka. Ewan," I said and went to my seat. I started eating while Caleb was in front of me.

"Anong ewan? Kailangan ko ng klarong sagot mo," anito.

"Gusto ko. Pero ano naman bang paraan ko para hanapin 'yon, di'ba? Isa pa, hindi ko rin naman kasi mahahanap ang taong ayaw magpahanap." 

"Eh hanggang saan mo ba siya nasundan kanina?" 

"Hanggang sa kanto ng bahay nila. But you can't suggest to let me look for her there. Celebrity ako, baka nakakalimutan mo."

"Wala naman akong sinasabi." 

"Malay ko naman." 

"Eh kung ako na lang kaya ang maghanap bro? I mean, gwapo rin naman ako---"

"No to joke time bro, please. I'm eating here. Can't you see?"

"Ang sama ng ugali mo 'no? Kanino ka ba nagmana?"

"Sa'yo ata." 

"Tss." 

Tumawa ako. "No, seriously. You will look for her?" 

"Oo naman. Ituro mo na lang sa akin kung saang kanto ba 'yon. Pwede ko namang simulan bukas eh." 

"Sege bro. Thanks. Ituturo ko sa'yo bukas din agad." 

"Bakit mo ba tinutulungan na manira ng buhay ng tao 'yang kaibigan mo Caleb ha?!" biglang sigaw naman ni Kaylin galing sa sala.

Narinig niya talaga ang usapan namin? Wow. She's something else.

"Just let him be, Kay!" I shouted back. 

"Tss. Uuwi na ako!" 

Kumunot ang noo ko. Ano bang problema no'n? I asked Caleb through my eyes but he just shrugged it off hanggang sa magpaalam na rin sila ni Cielo na uuwi. Sabay sila tutal parehas naman ng daan. I just nodded and wished them for safety. 

Pagkatapos kong kumain, lininis ko na ang mga pinagkainan ko. Naglinis na rin ako ng katawan at naghandang matulog. I have a big event tomorrow and I need to have enough rest. It's actually a university event and it it's not too much, I'm really hoping to see her there. 

Sana nga mangyari, because I badly need her in my life right now. That I believe so.

***

Yay! Done!

Read. Vote. Comment. Share. Enjoy!

Love,
Gen ♡

Second Chances, How He Loved AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon