Twenty Three

605 30 13
                                    

Isabelle

Kaagad kong binuksan ang unit ni Dylan noong makarating ako. For a month of being his consultant, aminado akong we really got closer to each other. He even told me his unit's pass para sa ganitong mga pagkakataon ay magiging madali para sa amin ang mag-usap. That's how much he trusts me and I am beyond grateful for that.

Noong makapasok ako ay nakita ko agad siya sa lapag. Nakayuko, yakap-yakap ang sariling mga tuhod. On his television, there played a music video of Tyrone and Elha. Their pre-nuptial video, to be exact.

Kaya naman pala.

Lumapit ako sa kaniya saka naupo sa tabi niya. Pinulot ko rin ang remote at kaagad na pinatay ang TV niya.

"Dylan..." I called out.

He raised his head a bit to see me and swear. His eyes... they were tired. They mirror so much pain and longing in there. Mahal na mahal niya talaga ang babaeng iyon. Well sabagay. Who ever beats first love?

Tss.

"Hey. You came..." he said. I gave him a small smile.

"Lagi naman akong pupunta kung ikaw ang dahilan eh," tugon ko.

"Thank you."

"Bakit hinayaan mong lamunin ka ulit ng lungkot, Dylan?" I asked him.

"They were unwelcomed, Isabelle. Hindi ko ginustong magpalamon sa kanila ngayon. But well. I just found myself looking for that video, playing it over and over again, and then here. You saw me in this state right now," aniya.

"Again." Dugtong pa niya at saka nagpakawala ng isang mapait na tawa.

"You keep hurting yourself, Dylan. Alam mo naman ang dapat at hindi dapat gawin eh. Bakit ginagawa mo pa rin?" I asked.

Bigla siyang tumayo noong marinig ang sinabi ko. He stood some few inches away from me.

"I told you it just happened," aniya.

Tumayo na rin ako at hinarap siya saka tinitigan nang maigi. He suddenly scoffed at me.

"Bakit, nakakasawa na ba?" he asked.

"What?" I asked too, confused of his question.

"Halos isang buwan na rin kasi Isabelle eh. Nakakapagod na ba akong pagsabihan? Nakakapagod na bang maging ranting machine ko? Nakakapagod na bang makita ako sa ganitong ayos?"

"Dylan, stop."

"Sabagay. Sino ba naman ang hindi mapapagod, di'ba? Eh ako 'to eh. Marupok ako pagdating kay Elha. Na kahit ikakasal na siya, hindi ko pa rin matanggap na talo ako sa puso niya. Paulit-ulit pa rin akong bumabalik sa sakit. Patuloy ko pa rin siyang hinahanap. Pasensiya ka na, Isabelle ha? Hindi ko rin naman ginusto 'to eh."

"Dylan tumigil ka na nga. Wala akong sinasabing ganiyan."

"Pero iyon ang ipinaparating ng tanong mo kani-kanina lang, di'ba? Tss. Sabi ko na nga ba eh. Pare-parehas lang kayo. Mapapagod din kayo sa pagtanggap at sa pag-intindi sa akin."

Second Chances, How He Loved AgainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz