Twenty Six

593 29 3
                                    

Isabelle

"Hay..." I breathed heavily once again. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan na iyon. Basta ang alam ko, kanina pa ako hinga nang hinga nang malalim.

Nasa trabaho ako ngayon pero nakakainis dahil walang-wala ako sa focus. Nasa isip ko pa rin ang cold treatment ni Dylan sa akin kagabi. Ni hindi niya pa nga rin pinapansin ang mga text ko na hindi niya naman gawain dati. Hindi ko maintindihan kung anong mali ko. Isipin ko man nang isipin, wala talagang sumasagi sa isip ko.

Naguguluhan na ako... at nalulungkot na rin.

Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Gurl ano ba? Pang-ilan mo na 'yan?" Iritableng tanong ni Franz sa akin noong muli ay magpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.

Katrabaho ko siya na siyang pinakaclose ko rin dito. Nakikipag-usap naman ako sa iba, pero dahil pareho kaming nagdedeliver, kami ang mas malapit sa isa't-isa.

"Pasensiya ka na. May iniisip lang talaga ako," tugon ko.

"Alam ko girl. Kanina pa kaya kita pinapanood. Ano bang problema?" Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. Wala pa naman kaming idedeliver kaya malaya kaming mag-usap.

"Wala. 'Wag mo na lang akong pansinin."

"Ano ka ba? Alam mo namang pwede mong sabihin sa akin kung may gumugulo sa isipan mo di'ba?"

Tinignan ko siya. Alam niyang nagtatrabaho rin ako kay Dylan pero hindi alam kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Sa mga ganitong pagkakataon, I'd rather talk to Laya since she knows me better. She also knows how close my relationship with Dylan is.

Pero pwede ko naman sigurong sabihin sa kaniya nang hindi nagn-namedrop di'ba? I don't want her to feel like I don't trust her enough to keep any secrets from her when she has always been transparent with me ever since this unexpected friendship began two years ago.

"Well kasi ganito 'yon..." Mas lumapit siya sa akin noong magsimula na ako sa sasabihin ko.

"Okay, I'm listening..." aniya at nangalumbaba pa sa harapan ko.

"I have this close friend of mine. He's a guy. We can confide to each other about anything. Sobrang close rin namin talaga sa isa't-isa. But that doesn't mean anything. Wala, normal closeness lang gano'n. Then last night, he suddenly became cold to me. Hindi ko maintindihan kung anong maling ginawa ko for him to act that way. Nakakainis. It makes me frustrated that he could suddenly act like that to me with me being clueless of his reasons." Huminga ulit ako nang malalim noong matapos magsalita. Tinitigan lang naman ako ni Franz. Kita mo 'tong babaeng 'to. Kanina, she kept on bugging me about my problem, and now she's not even saying anything to me when I badly needed it now.

"May iba ka pa bang close friend na lalaki rin?" she asked.

"Hindi gano'n kaclose, but we just started talking lately. Bakit?" tugong tanong ko sa kaniya.

"Problem solved," she shrugged her shoulders and turned her back at me. Ano raw? Pinagsasabi nito?

"Ano?" Hinabol ko siya para mas malaman kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

"Problem solved, Isabelle. 'Wag kang manhid-manhiran diyan. That close guy of yours probably likes you that he doesn't like it when you talk to some other guys out there. Hindi niya nga lang masabi sa'yo 'yon kasi nga, magkaibigan lang naman kayong dalawa. Why would he tell you such absurd thing di'ba? Mamaya iwasan mo pa siya."

Second Chances, How He Loved AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora