Thirty Seven

485 29 4
                                    

Isabelle

"We're here." Dylan said as soon as we reached home. I just nodded and didn't look at him. Kanina pa kami hindi okay. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakararamdam nito o pati siya na rin. Pero matapos ang mga narinig ko sa kaniya kanina noong lumabas siya at sumunod ako, alam kong hindi na ako magiging okay ulit.

I just heard how much he hated the fact that he was hurting because of that wedding that we went to today. It hurts me deep inside. Lots of things are still running on my head right now and I'm afraid to know that I am gonna have a hard time in dealing with all these. Self is the most hard and dangerous opponent of all.

"Are you okay?" he asked.

Tumingin na ako sa kaniya sa pagkakataong ito. Nagpakawala ako ng isang ngiti. "Ayos lang ako. Mas ayos kesa kanina."

"Mabuti naman," aniya at huminga nang malalim.

"Uhm, sege. Bababa na ako. Nakakapagod eh. Gusto ko nang magpahinga."

"Okay. I'll text you when I get home."

Tumango ako. Noong akmang aabutin niya ang kamay ko, kaagad ko itong iniiwas at kinuha na rin ang mga gamit. Kunaway ako sa kaniya at saka mabilisang bumaba. Akala ko aalis na siya ngunit bigla niya pang ibinaba ang bintana ng kaniyang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko. Alam kong sanay na siya rito at pati na rin ang mga tao na nandito siya, pero kinakabahan pa rin ako. Artista pa rin siya, after all.

"B-Bakit?" tanong ko.

"You've been acting weird, Belle. Are you really okay?"

"Mm-mm. I am, Dylan. Nothing to worry about. Sege na, umalis ka na at lumalalim na rin ang gabi. Mag-iingat ka."

"Okay then. I love you."

"Ingat! Good night!" I waved at him again and immediately halted to go inside the house. Hindi ko na siya liningon pa. Alam kong lalo lang siyang nagtaka ngunit wala na akong panahon na pansinin pa iyon. Kahit wasak na ito, I still wanted to take care of my heart so dearly.

Noong makapasok ako, nakapatay na ang mga ilaw at wala na ring tao sa living room. Huminga na lang ako nang malalim at dumeretso sa kwarto ko. Naabutan ko ang mga magulang kong mahimbing na ang tulog sa kama. Ngumiti ako. For once, my smile became real tonight. Because of them.

"Sana ganiyan din katotoo ang sa aming dalawa ni Dylan, Nanay at Tatay. Too bad because I am living in a dream," I said before dropping my body to the prepared bed space for me on the floor.

Inihanda na siguro ito ni Nanay dahil alam niyang pagod na akong uuwi ngayon. I smiled at the thought again and just tried to close my eyes. Hinayaan ko na itong unti-unting makatulog at hindi na pinansin ang nanlalagkit kong pakiramdam. I was just too tired to give time for myself tonight.

I just wanna sleep and get some rest. Physically, mentally, and emotionally. Those kind of rest are what I need right now. I hope I could have it even just for a short while.

"Good morning, anak!" I smiled at Tatay. Linapitan ako nito at hinalikan sa tuktok ng ulo ko.

"Kumusta iyong kasalan?" tanong nito.

"Maayos naman, 'Tay. Lahat masaya."

Maliban sa akin.

Second Chances, How He Loved AgainUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum