Seventeen

669 38 23
                                    

Isabelle

"Ang sakit pala na makitang gano'n 'no? Unti-unti, papasok din sa isip mo na wala na nga talagang pag-asa na makuha mo ang babaeng mahal mo. Wala kang magawa kun'di panoorin siyang hawakan at pasayahin ng iba," ani Dylan habang umiiyak na nakatingin sa dagat na nasa harapan namin ngayon. Dito kami napadpad noong umalis kami sa venue kanina. Sa isang dalampasigan malapit sa restaurant nina Elha at Tyrone.

Nasa biyahe pa lang iyak na nang iyak si Dylan. Kahit anong isip ko ng paraan upang pigilan siya, alam ko namang hindi ko magagawa. Wala akong magagawa kasi sobrang wasak niya lang talaga ngayon. Sa palagay ko, kahit ang mga salita ko na sinasabi niyang nakapagpapagising sa kaniya ay hindi ko magagamit at hindi eepekto sa kaniya ngayon.

Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya. Sometimes, a good listener is much better than someone who talks a lot and then not realizing that he already says a lot of nonsense things. I don't want that to happen right now. I just want to make Dylan feel that I am here, even with all these silence that I have been giving him since earlier.

Actions speaks louder than words naman, di'ba?

"I should never loathe love, di'ba? Kaso ngayon, pakiramdam ko napakalugi ko eh. Talong-talo ako, at sobrang sakit no'n. Sometimes I ask myself... if I was Tyrone, would she love me too?"

Iyon na ang hindi ko kayang pakinggan na lang. I need to speak up, he's dragging himself down way too much already.

"Hey, stop. Hindi ka si Tyrone, but you have your own skills and abilities. You have your own attitude and characteristics. Hindi mo kailangang maging ibang tao para lang mahalin ka," turan ko at hinawakan ang kamay niya.

"She didn't love me, Isabelle. Hindi niya ako nakikita the way that you do. Unang beses kong magmahal. Bakit naman ganito agad?"

"It doesn't mean na talo ka sa una, eh talo ka na ulit sa susunod. Sometimes, some things are not just meant to be. Siguro dadaan sa atin, mararanasan natin. But, the purpose of it? It's to make us stronger and better people in the future. Kasi kung minahal ka nga ni Elha, how sure are you na tatagal kayo o na kayo na nga hanggang dulo? Dylan, everything happens for a reason. You don't need to question it. Just go and fight, make yourself better. Para kapag nakilala mo na ang taong para sa'yo, proud ka na hindi ka sumuko. Kasi at least, natagpuan mo siya. Di'ba?"

"Kung minahal nga ako ni Elha, I was sure that I was gonna do everything to make us last," aniya.

"But things happened. You know the movie, 'The Mistress'? Sabi ro'n sa isang eksena nina John Lloyd at Bea, 'di dahil gusto mo, makukuha mo. Pero alam mo ba? Sometimes kahit hindi natin nakukuha ang mga bagay na gusto natin, mas nagiging better naman ang kapalit. Na akala natin hindi natin magugustuhan pero mas mamahalin at mas pahahalagahan pala natin. What can you say about that, hmm?"

Tumingin siya sa akin. Bumitaw naman ako sa kamay niya at nginitian siya. Naaawa ako sa kaniya pero hindi iyon ang mukhang ipinakita ko sa kaniya. Ipinakita ko ang isang ngiting nagsasabing kaya niyang malampasan 'to at ang ngiting nagsasabi na andito ako para sa kaniya.

"This is just a phase, sir. At kagaya ng sinabi ko sa'yo noon, kakayanin mo. Kasi naniniwala ako sa'yo kaya magagawa mo 'to."

He chuckled after looking at me that way.

"Hindi ko alam kung paano but everytime I listen to your words, nawawala na lang lahat ng iniisip ko. How do you even do that?" he asked.

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now