Ten

712 36 6
                                    

Isabelle

"Isabelle, magsalita ka." turan ni Laya sa akin. Mas lalo akong kinabahan sa tono niya. Minsan lang siyang mag-interrogate sa akin kaya ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon. She is also a very jolly person. Minsan lang siya magseryoso and when she does, I know that she'll really get to the bottom of it all.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nadatnan siyang mataman na nakatitig sa akin. Huminga ako nang malalim. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"O ano? Magtititigan na lang tayo rito 'te? Alam mo naman siguro na may pasok pa tayo," aniya.

I heaved another deep sigh. I guess this is it. I guess I really need to tell her the truth already. She's my friend, after all. She deserves all honesty from me.

Marahan ko siyang hinila sa maliit naming couch dito sa sala. Hindi naman siya nagsalita pero nakatingin pa rin siya sa akin. I got the note and skimmed it then looked back at her again.

"You are right, Laya. Lahat ng pagkaing 'yan ay galing kay.... Dylan," panimula ko pa.

"Jusmiyo 'te. Kailan pa kayo nagkaroon ng koneksiyon na dalawa?"

Hindi ako kumibo. Hinintay kong malaman niya mismo kung paano at hindi naman ako nagkamali. Natahimik siya saglit at tinitigan ako bago narealize kung paano nga akong naging konektado ng personal sa ultimate idol naming dalawa.

"Ikaw ang fan na hinahanap niya?!" hestirikal niyang pagkakasabi. Napangiwi na lang naman ako no'n. Ang ingay ng babaeng 'to kahit kailan.

"Hinaan mo ang boses mo, Laya. Baka marinig ka ng mga tao sa labas. Pasikat na ang araw, siguradong marami nang gising ngayon," anas ko.

"Jusmiyo, Isabelle. Ikaw lang pala 'yon? Ni hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"Sinasabi ko na nga ngayon."

"'Wag kang ano 'te. 'Di mo sinabi, hinulaan ko."

Umirap ako sa kaniya. Akala ko magiging seryoso siya dahil sa topic na 'to. Well I guess I was wrong, at all.

"So, bakit siya nagpunta rito? Jowa mo na? Dream come true ka?"

"Dumi ng utak mo, Laya. Walang gano'n."

"Ay 'te? Paano namang hindi ako mag-iisip ng kakaiba sa inyong dalawa? Pinuntahan ka ng madaling araw na may dalang breakfast? With the note na sobrang sweet? Ano naman ang ibig sabihin no'n di'ba? Kahit sino gano'n ang iisipin." Umirap pa siya.

"May hinihingi siyang pabor sa akin kaya niya ginawa 'to." Napatingin siya sa akin mula sa pagpapaypay sa sarili niya gamit ang kaniyang mga kamay na parang stressed na stressed talaga siya sa sitwasyon ko ngayon.

"Anong pabor naman? Nalaman niya na ngayon kung anong gagawin niya sa fan girl na 'yon which is ikaw nga?"

"He wants me to work for him."

"Ha?"

"He wants me to work for him. Iyon na 'yon, Laya."

"At tinanggihan mo?"

Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya. Iniiwas ko naman ang sarili ko noong muntik niya na akong batukan sa ulo.

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now