Forty Three

567 23 6
                                    

Isabelle

Three weeks. Gano'n na katagal simula noong hiniwalayan ako ni Dylan. Mahirap pero pinipilit kong bumangon sa bawat araw na dumadaan. Naging malaking tulong na rin ang mga magulang saka kaibigan ko sa akin and I am happy about that. Kahit na minsan ay bumabalik pa rin sa isip ko ang lahat, pinipili ko na lang na iwasang malunod sa sarili kong mga katanungan.

Sa loob ng tatlong linggo na iyon, pinili kong magfocus sa pagrereview ko. Aral, basa, memorize, familiarise, nood Youtube vids, hingi tips at kung ano-ano pa. I even deactivated all of my accounts just to get away from Twitter or from any update from him. Kasi kung hindi, baka mas magmukmok lang ako lalo.

"Anak, pahinga ka muna. Naghanda ako ng meryenda para sa'yo." Lumingon ako kay Nanay noong marinig ang boses niya.

Naglapag naman siya ng sandwich na may kasamang juice sa isa pang mas maliit na table sa tabi ng study table ko. Nginitian ko lang siya.

"Thank you Nanay," turan ko.

"Ano, kaya naman ba?" tanong niya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Kaagad naman akong yumakap sa bewang niya.

"Kaya naman po. Kailangan ko lang talaga 'tong mga yakap mong ganito paminsan."

"Ay naku. Naglalambing na naman ang dalaga ko."

Hindi ako kumibo. Isinandal ko lang ang ulo ko sa tiyan ni Nanay. Nanatili kaming ganoon sa loob ng ilang minuto bago ako kumalas at umalis na rin siya. Muli naman akong bumalik sa ginagawa ko at paminsan-minsan ding kumakagat doon sa sandwich na binigay ni Nanay sa akin.

When 5 PM came, ilinigpit ko na rin ang mga gamit ko. Si Nanay ang nagsabi nito. Pwede ako araw-araw magreview pero hanggang 5 lang ng hapon. Kahit anong oras ako magsimula basta hanggang doon lang. Iniiwasan nilang mastress ako. Nagpapasalamat na lang din ako na gano'n kasi malaking tulong din naman sa akin ang mga pahingang iyon. Mas bawas stress kahit kaonti.

"O anak, mabuti at lumabas ka na. May naghihintay sa'yo." Iyon kaagad ang bungad ni Tatay sa akin noong lumabas ako ng kuwarto.

"Ha? Sino naman po?" tanong ko.

"Nasa labas siya."

Kunot-noo naman akong tumungo sa labas upang makita kung sino ang sinasabi ni Tatay sa akin. Pagdating doon, naroon nga sa bakuran namin ang tinutukoy ni Tatay, sa mesang sinadya naming ilagay doon para sa mga oras na gusto lamang naming tumambay at magkwentuhan.

"Isabelle." Ngumiti siya sa akin habang nanlaki naman kaagad ang mga mata ko.

"Tita Maricel?" tanong ko.

"Ako nga, hija. Kumusta ka?"

"T-Tita..."

Bahagyang tumawa si tita Maricel at inaya akong umupo. Hindi na lang naman ako nagsalita at naupo na rin kagaya ng nais niya.

"Kumusta ka?" Inulit ni tita ang tanong niya dahil nga hindi ko naman iyon nasagot kanina.

"Hmm, ayos lang naman po ako. Mas nagfofocus na lang muna sa pagrereview ko," tugon kong hindi makatingin sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit nandito siya. Hindi ko naman na boyfriend si Dylan, kaya bakit nga ba nandito siya ngayon?

Second Chances, How He Loved AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon