Forty Seven

741 27 9
                                    

Isabelle

(Happenings before the said Instagram post on Chapter Forty Six. 'Wag malito, thank you.)

"Hi, Baba."

Kaagad na namutawi ang ngiti sa mga labi ko noong makita kung sino ang naghihintay sa akin sa parking lot ng ospital. The one and only... Dylan Pangilinan.

"Dylan. Hi." Lumapit ako sa kaniya. Nagtaka naman ako kasi biglang kumunot ang noo niya.

"Bakit nakasimangot ka riyan?" tanong ko rito.

"I called you Baba and you just called me by my name?" he asked back. I just laughed at his remark.

"Bakit naman kita tatawaging Baba? Endearment natin iyon noong tayo pa eh. Tayo na ba ulit?" I teased him.

"What? You called me Baba when you saw me earlier! You even hugged me! You told me you love me!"

"Alam mo?" Tinulak ko ang mukha niya gamit ang palad ko. "Pwedeng-pwede ka pa ring maging artista. Ang arte-arte mo eh."

"Isabelle naman."

"Stop calling me Isabelle, Dylan. Tinatawag mo lang ako ng ganiyan kapag hindi tayo okay. At isa pa,will you please stop whining? Jusmiyo ang tanda-tanda mo na, hindi na bagay sa'yo ang mga ganiyan."

"Mas may itatanda pa ako rito Belle. Gusto nga kitang makasama hanggang sa puntong iyon ng buhay ko eh."

Hindi ako nakapagsalita ng dahil sa sinabi niya. I then heard him stifle a laugh.

"Traydor."

"I was just being honest."

"Tss. Alam mo, mas mabuti pang umalis na tayo. Ihahatid mo na ba ako pauwi?"

"Ang boring mo naman Belle. Kakauwi ko lang ng Pilipinas. Unang beses kitang nasundo galing sa trabaho mo tapos ang gusto mo uuwi tayo kaagad? 'Wag gano'n. Idedate muna kita."

Umiling na lang ako sa kakulitan niya. Tumawa lang naman siya ulit at saka binuksan iyong pinto ng kotse niya para sa akin. Hindi ako kumibo at pumasok na lang din sa loob. Inalalayan niya naman ako para hindi tumama ang ulo ko roon sa pinto. How sweet. Typical Dylan Pangilinan.

Pumasok na rin siya sa sasakyan pagkatapos akong alalayan. Then without saying anything, he just started driving to a place where only he knows where. I may know the place but right now I am still clueless. Hahayaan ko na lang siya. Hindi niya naman ako pinahamak kahit kailan eh.

"You know I missed this," he suddenly said so I turned to look at him.

"What?" I asked him.

"This. You and me in my car, I driving for you. I missed this. Most of our moments happened here and in the condo. Di'ba?"

"Well, yeah."

Namiss ko na rin ang mga bagay na iyon. Those fun banters we would throw at each other every time we would be together. Sa condo man iyon o rito sa kotse niya.

"Pero syempre mas namiss kita."

"Walang hiya. Magpapaalam ka naman kung babanat ka para handa ako!"

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now