Eighteen

592 36 7
                                    

Isabelle

"Akin na nga 'yan. Itong taong 'to, napakamartyr eh." Huminga nang malalim si Dylan at sumandal sa swivel chair niya. Nandito kasi kami sa condo ngayon. Kagagaling niya lang sa isang event at medyo malalim na ang gabi ngayon. Ihinatid muna namin si Andy sa kanila bago kami tumuloy dito.

"Yes to a lifetime with you. Hmm..." tumatango-tango niyang turan pero sarili ang kausap. Magkadikit ang parehong palad niya at nakatingin lang siya sa kawalan.

Tinitignan niya na naman kasi iyong Twitter post ni Elha tungkol sa engagement nito sa boyfriend na si Tyrone a few days ago. Ilang araw na ang nakaraan magmula noong event na iyon pero palagi niya pa ring tinitignan ang post na iyon kasama na ang mga ilang articles tungkol doon. Minsan din ay naaabutan ko siyang pinapanood ang mga balita noong pormal nang inannounce no'ng dalawa ang engagement nila. Umiiyak pa nga siya kung minsan eh. Ang martyr lang talaga ng taong ito.

"Tigilan mo na nga 'yan, Dylan. Magpahinga ka na. You still have a lot of things to do tomorrow," turan ko rito. Ngayong mas tumatagal na akong nagtatrabaho para sa kaniya ay mas nagiging komportable na rin ako sa kaniya lalo na at iyon naman ang ipinipilit niya sa akin. Marami na rin kaming kung ano-anong ginagawa at pinag-uusapan kaya talagang malapit na rin ang loob ko sa kaniya. At some point, para na rin kaming naging magbestfriend nito.

"Parang ang hirap na namang magpahinga." Tumayo siya at nagtungo sa kusina saka nagsalin ng tubig sa paborito niyang baso saka doon na nanatili. Lumapit naman ako sa kaniya.

"Pero kailangan mo, Dylan." Umupo ako sa tapat ng inuupuan niya.

"Lalo na ngayong may paparating kang movie project."

"Hindi ko pa naman tinatanggap 'yon eh."

"Kaya nagc-claim na ako ngayon pa lang. Sa ngayon, ito 'yong pinakamalaki mong project since you came back from your hiatus. Gusto rin naman ng manager mo na gawin mo 'to eh."

"You really think I should? Parang hindi pa ako handa para sa ganiyang limelight."

"Anong hindi eh mas marami ka ngang hugot ngayon eh. Paulit-ulit mong pinapanood sina Elha at Tyrone."

Tumawa siya at muling uminom ng tubig. "Parang masiyado pang mabigat ang responsibilidad na 'yan, Isabelle."

"And I know that you can pull it off. Ikaw pa ba? Malaki naman ang tiwala ko sa'yo eh. Kayang-kaya mo 'to. Easy lang ba, gano'n."

"Ganiyan kalaki ang tiwala mo sa akin?" tanong niya.

"Palagi namang malaki ang tiwala ko sa'yo. Alam ko naman kasi ang kakayahan mo eh."

I smiled at him and he did just the same thing. Then he suddenly reached for my hand. Well actually, sa sobrang komportable na naming dalawa sa isa't-isa, umabot na kami sa puntong ganito. Na hindi na nakakagulat o normal na bagay na para sa amin ang hawakan ang kamay ng bawat isa o ang yakapin ang bawat isa. Kung pwede nga lang sumigaw sa kaniya na 'wag niya akong pasasanayin sa ganito. Natatakot din naman kasi ako. Gusto ko na nga siya bago pa kami maging ganito kaclose. Paano pa ngayong ganito na kami?

"Oh. Ano na naman 'yan?" kunwaring tanong ko na lang sa kaniya na ikinatawa niya nang mahina. He started playing with my fingers. He likes doing this kasi sabi niya nakakalma daw siya. Bukod sa words ko, ito na rin pati ang yakap ko ang safe space niya ngayon.

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now