Forty Six

717 24 22
                                    

Isabelle

Hanggang ngayon tulala pa rin akong nakatingin sa cellphone ko. Paulit-ulit na rin akong pumikit at dumilat saka binasa ang text message na natanggap ko para masiguradong hindi lamang ako namamalik-mata. Para lamang masiguradong nakatanggap nga ako ng text galing sa taong tatlong taon ko na ring hinihintay. Pero sa bawat pagmulat ko ng mga mata ko, nando'n pa rin iyon. Nababasa ko pa rin iyon!

"G,pakurot nga ako." Kumunot ang noo ni Gian noong iyon ang ibungad ko sa kaniya ngayong nakabalik na siya rito sa station.

"'Te? High ka ba?" tanong nito sa akin na itsurang nagtataka pa rin.

"Dali na, G. Kurutin mo ako. May kailangan lang akong masigurado."

"Sinisigurado mo ba kung buhay ka pa? O kung hindi ka pa manhid? Kasi kung oo..." Kinurot niya ako sa braso.

"Aray!" Napalakas ang boses ko dahil sa sakit na dulot ng ginawa ni Gian sa akin.

"Kita mo 'to. Nagreklamo pa eh inutusan naman ako."

"Hindi ako nagrereklamo! Nagreact lang kasi masakit naman talaga. Pero G..." Kumapit ako sa braso niya habang nakatitig na naman sa cellphone ko.

"'Te ano bang nangyari sa'yo? Ang nakwento lang naman ni ate Maxine eh dinalaw mo si Iñigo kanina tapos namomroblema ka na rin ngayon. Bakit ngayong nakabalik ako para naman yatang mas malala pa ro'n ang ganap mo?"

Nginitian ko siya at umiling bago bumitaw sa braso niya. "Wala, hehe. Hayaan mo na ako."

"Pero ayos ka lang naman 'no, 'te?" tanong pa ulit nito sa akin.

I gave her a thumbs up. "Keri lang, Gian. Ayos lang ako, promise."

Ayos na ayos at that matter. Umiling-iling na lang si Gian at naupo na rin. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Dylan.

He's here, right? He's really here. He's back in the Philippines.

To: Unknown Number
Dylan! Seryoso bang ikaw 'to? Please tell me you're not lying. Matagal ko na 'tong hinihintay!

From: Unknown Number
Did you really have to make me kilig the moment that I am back? Ang effortless Belle. Kahit anong gawin mo kinikilig naman ako sa'yo.

To: Unknown Number
Anong kilig? Hindi kita pinapakilig. Tinatanong kita kung seryosong nakabalik ka na nga.

From: Unknown Number
Belle, I am using the Philippine number. Nasa bansa na ako. And yes, pinakilig mo ako sa sinabi mong matagal mo na 'tong hinihintay. So, you've been waiting all these time huh?

To: Unknown Number
Walang hiya ka! Malamang! Sinabi mo na rin namang hintayin kita, di'ba? O ano? Ayos ka na ba talaga, ha?

From: Unknown Number
Ayos na ayos na ako, Belle. Now I am proud to say that. I am proud to tell you that finally, tapos na rin ako sa phase na 'yon ng buhay ko. Mas handa na ako ngayon. Mas kaya ko nang ipakita sa'yo ang totoo kong nararamdaman. Will you give me a chance to do that?

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now