Twenty Four

601 29 11
                                    

Isabelle

"Mas refreshing saka mas maganda na rito ngayon. Thanks, Isabelle." Tumango ako saka ngumiti sa sinabi ni Dylan sa tabi ko.

It has been two weeks since he watched Elha and Tyrone's pre-nuptial video. When I told him that we'll do some steps that are necessary for his moving on, I meant about changing his condo's interior where he had a lot of memories with her. Every inch of the room cried for her. It longed for her. For her scent, for her presence. That's why I knew that this step was crucial for Dylan to start his moving on process for real.

Mabuti na lang naman at pumayag siya. Hindi ko na pinroblema kung paano siya mapapapayag. He was cooperative and that's one thing that I was grateful for. At least hindi lang ako ang nagsisiguro para sa healing process niya kun'di pati siya na rin. That's a great plus.

Bukas ay may last pang gagawin ang interior designing team na kinuha namin para sa redesigning ng condo niya. Pero I can't make it kasi may major exam din ako bukas. Graduating ako kaya talagang marami akong ganap, actually. Hindi ko nga alam kung paano ko pa naisisingit si Dylan sa buhay ko eh. I work, I study, and help him with a lot of stuff.

Gano'n yata talaga kapag mahal mo ang isang tao. You sacrifice a lot but to you? It's nothing. Kasi iyon naman ang nararamdaman ko kay Dylan ngayon. Okay lang lahat ng 'to. Well, because it's him and because I love him.

"Hey you're spacing out," Dylan said and snapped his fingers in front of me.

"I am not. I just remembered my exams tomorrow," dahilan ko naman agad dito.

"Naku, you need to review pa ba? I'm sorry I kept you stuck here. Gusto mo bang ihatid na kita?" aniya.

"Actually yes. Marami pa kasi talaga akong kailangang aralin eh. I need to pass this one. Wala ka na bang kailangan? Uuwi na muna ako."

"No. Okay na. Tara, ihahatid na kita."

"Sure ka?"

"Yes. Wait, bihis lang ako." Tumango ako saka mabilisan naman siyang pumasok sa kwarto niya para magbihis. Linigpit ko na lang ang mga gamit ko para okay na paglabas niya.

"Halika na." Lumingon ako noong marinig ang boses na iyon. Wews, the man screams of perfection.

I just smiled at him then we both went outside already.

"Should we drop by sa resto? We haven't eaten anything much since earlier. Baka hindi ka makapagfocus sa review mo." .

"Naku 'wag na. Nagmamadali na rin talaga ako. May pagkain naman sa bahay, doon na lang."

"Okay."

Madali rin naman kaming nakarating sa kanto ng bahay namin. He hugged me quickly before sending me out. When I went out, he texted me some words of encouragement for tomorrow kaya nagpasalamat naman ako.

When I went home, naligo lang ako at nagbihis after a ten minute break saka sumabak na rin agad sa reviews ko.

When Laya went home, she learned that I still didn't eat. Galing siya sa isang meeting ng Dylansters. They're planning something for his birthday celebration in two months. They even asked me for ideas since ako naman daw ang madalas nitong kasama. I just opted for a movie night theme since Dylan really loves watching films. Nakatulong naman din iyon sa preparations nila kaya grateful din ako. Parte pa rin pala ako ng fans club. One thing na ayokong talikuran kailanman.

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now